Mich's POV
Maaga akong pumasok ngayong araw kahit first day of school. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumasok ng maaga ngayon kahit ilang metro lang naman ang layo ng paaralan namin sa bahay.
Bahala na nga. Nandito na rin naman.
Ako nga pala si Michelle Lopez. Isa akong otaku pero mahilig ako sa isang yaoi o boys love. Ewan ko ba sa tuwing nakakita ako ng lalaki sa lalaki ay kinikilig ako. I'm a 3rd year high school. Ang nanay ko ay isang nurse at ang tatay ko naman ay isang doctor. Parehong ospital lang ang pinagtatrabahuan nilang dalawa kaya doon rin sila nagkakilala at dahil sa pagmamahalan nilang dalawa kaya dumating ako sa mundong ibabaw pero may parating pa sa pamilya namin. Ang baby brother ko. My mom is 7 months pregnant. Excited na ako makita ang kapatid ko dahil matagal ko ng hinihiling na magkaroon ng kapatid pero ngayon dumating si baby brother.
Pagkarating ko sa classroom ay wala pa ang best friend slash childhood friend kong si Faye at panigurado akong late iyon nagising dahil anong oras natulog kakapanood ng anime. Ganyan talaga ang buhay namin mga adik sa anime. School, bahay at anime lang ang hobby namin sa buhay. Ni wala nga kaming love life ng best friend ko.
Dumating na ang first teacher namin. Teacher namin sa Filipino. Ayos, no? Ang aga ng klase namin sa Filipino. Pero dahil wala pa naman kaming klase ay obviously introduction yourself pa lang naman kasi maraming transferee student sa section namin.
Pagkatapos ng first class namin ay doon lang dumating si Faye. Halatang tumakbo hanggang dito na akala mo ang layo ng bahay.
Siya si Eugene Faye Silva. Best friend ko iyan at matalino pero hindi ko naman sinabing hindi ako matalino ah. Kumpara kay Faye ay wala ako sa katalinuhan niyan.
"You're late." Bungad ko sa kanya habang umuupo siya sa desk niya.
"Sorry. Hindi nag-alarm ang phone ko kanina."
"Hulaan ko, kaya ka late nagising dahil sa anime." Nginitian lang ako ni Faye. Kung ganyan ang kaibigan ko ay tama ang hula ko. Ako pa. Kilalang kilala ko ito, eh.
Ang sunod pala naming klase ay ang English at ang teacher namin ang crush ni Faye na si sir Martinez. Inaamin kong gwapo naman siya at ang bata pa kaya niya.
"Good morning, class." Bati ni sir Martinez pagkapasok sa classroom namin. Napasulyap ako kay Faye na halatang nagpipigil na tumili.
"Bes, hinay hinay lang ah. Baka mahimatay ka." Bulong ko sa kanya. Katabi ko kasi si Faye ngayon.
Wala kasing seating arrangement kapag si sir Martinez ang teacher namin. So sobrang bait kaya niya at siguro nagkaroon ng crush sa kanya si Faye.
"Panira ka talaga ng araw. Tumahimik ka nga lang diyan." Sagot siya sa akin.
Isa isa na nagpapakilala ang mga kaklase namin ngayong araw.
Tumayo na rin ako noong turn ko na.
"Hi, guys. I'm Michelle Lopez but you can call me Mich."
"Hobby, ms. Lopez?" Tanong ni sir Martinez.
"Sir? Ano po..." Napakamot ako ng ulo. "Dancing. Mahilig po ako sumayaw kaya active ako sa mga dance competition." Umupo na ako nang matapos kong magpakilala. Ang sunod ay walang iba kundi ang best friend ko. Yay!
Palakpak naman diyan...
"Okay, next." Tumingin ako kay Faye nang tumayo na ito. Kinikilig talaga ako sa pagyayari ngayong araw. Ayiee.
"Bee, huwag ka pahalatang may crush ka kay sir M." Pang aasar ko kay Faye.
"Hello. I'm Eugene Faye Silva, you can call me Faye dahil ayaw kong may tumatawag sa aking Eugene para kasing pang lalaki yung pangalan. Hobby ko naman um, drawing and cosplaying."
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Chick-LitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...