Chapter 57

384 12 0
                                    

Pagkarating namin sa ospital ay dumeretso kami sa operation room dahil dooon tinuro noong nagtanong kami sa front desk. Nandito lahat maliban kay papa. Paniguradong nasa loob siya ng operation room.

"Ma..." Tawag ni Louie sa mama niya pero binaling ang tingin sa isang lalaki na medyo may edad na rin. "Dad..."

Siya pala ang papa ni Louie. Noong pumunta ako sa kanila ay wala ito. Wala rin binanggit sa akin si Louie kung nasaan ang papa nila. Kaya ang nakilala ko lang noon ay ang mama at ang limang kapatid nito.

"Mabuti dumating ka." Sabi ng papa ni Louie.

"Hindi ko po alam na dumeretso pala kayo rito."

"Oo, noong tumawag sa akin kanina ang mama niyo na sinugod na naman si Nash sa ospital ay dumeretso na ako rito galing sa trabaho."

Tumingin lang si Louie sa ama nito bago pa siya lumapit sa mama nito.

"Ikaw ba si Mich, hija?" Tumingin ako sa papa ni Louie noong tanungin niya ako.

"Opo."

"Madalas ka kinukwento ng anak ko noon kaya gusto na kita makilala."

Ano naman kaya ang kinukwento ni Louie tungkol sa akin sa papa niya? Sana hindi yung palagi kami nagaaway na dalawa noon. Nagbago na ako noon dahil hindi na ako yung Mich na parang gustong pumasok sa isang gulo lalo na umamin sa akin noon si Louie na mahal niya rin ako.

Nakita ko lumabas na si papa galing sa operation room kaya lumapit agad si Louie.

"Tito, musta na po ang kapatid ko?" Tanong nito kay papa. Kaso isang iling ang binigay ni papa.

"Sorry, ginawa na namin ang lahat para iligtas ang kapatid mo pero siya rin ang sumuko."

Napatakip ako ng bibig. Bakit ganoon ang nangyari? Hinintay lang ni Nash ang paguwi ng kuya niya. Bakit ang unfair?! Ang bata pa ng kapatid ni Louie.

Nakita ko ang pagalis ni Louie sa tapat ng operation room kaya sinundan ko siya at nakita ko siya sa may garden.

"Louie..." Tumingala siya sa akin at may luhang pumatak sa pisngi niya. Ngayon ko pa lang nakitang umiyak si Louie. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya.

"Bakit ganoon? Bakit ang kapatid ko pa? Isa si Nash sa dahilan ko kung bakit gusto ko maging doctor. Gusto kong gumaling ang kapatid ko. Ngayon wala na siya." Tuloy pa rin ang pagpatak ng luha nito.

"Huwag mong sabihin sa akin ay hindi mo na itutuloy ang pagaaral mo ngayon." Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Louie naman... sa tingin mo ba matutuwa si Nash kapag hindi maging doctor ang kuya niya."

"Hindi ko na alam ang gagawin ngayon." Niyakap ko si Louie. Kahit ako ay naiiyak na rin sa pangyayari.

"Nandito ako palagi sa tabi mo. Hindi kita iiwanan, promise."

"Thank you, Mich."

"Basta ipangako mo sa akin na tutuparin mo ang pangarap mo maging doctor." Tumango sa akin si Louie. "Basta nandito lang ako para suportahan kita."

"Para tuloy kitang supportive girlfriend."

"Ayaw mo ba? Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Nawalan na nga ako ng pagasa noong nireject mo ko at tanggap ko hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin."

"Sorry kung nahuli ang pag amin ko sayo. Galit ka sa akin noon at alam kong hindi ka maniniwala sa akin kapag inamin ko sayo kung ano ang nararamdaman ko. Baka sabihin mo na naman ay pinaasa lang kita. Hindi kita pinaasa, Mich. Mahal na mahal kita."

Napangiti ako. Masaya ako dahil minahal rin ako ni Louie. Sobrang pinangarap ko mangyari ito sa amin. Mamahalin rin ako ni Louie.

Naramdaman ko ang pagdikit ng labi nito sa akin. Hindi ito ang unang beses na hinalikan ako ni Louie pero ito ang unang beses na tutugon ako ng halik. Wala akong pakialam kung maraming tao ang napapalingon sa gawi namin. Ang iisip ko lamang ay kaming dalawa lang ang nandito.

"Mahal rin kita."

"So, girlfriend na kita?"

"Kapal mo. Hindi ka pa nga nang liligaw sa akin. Huwag ka masyadong excited maging girlfriend mo ko."

"Pero hindi ako marunong kung paano mang ligaw."

"Magpaturo ka kay Dante, kay Eren o kay Shawn." Sabi ko.

Naalala ko pa kung paano niligawan ni Dante si Faye noon kinantahan pa niya. Kung paano naman niligawan ni Shawn si Angel ay sweet and romantic ang ginawa niya noong una. Kinausap pa niya kami ni Nathalie at kami ang tumulong sa kanya magdate sila sa isang restaurant. Kami pa nga ni Nathalie ang nagayos at siyempre walang alam si Angel na tumulong kami kay Shawn. Kay Eren naman ay wala akong alam kung paano niya niligawan noon si Nathalie. Nalaman na lang namin na boyfriend na ni Nathalie si Eren.

"Balik na tayo sa loob. Baka nagaalala ang mama mo sayo." Sabi ko sa kanya.

"May isang problema pa. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pangbayad sa hospital bill. Wala pa kasi akong trabaho ngayon at kulang pa ang naipon kong pera noong nagtatrabaho pa ako sa Paris."

"Don't worry, ako ang bahala." Sabi ko at handa naman akong tumulong sa kanila.

"Ayaw ko magkaroon ng utang sayo, Mich."

"Hindi mo naman kailangan bayaran ako. Sapat na sa akin na mahal mo rin ako. Tagal ko kaya pinangarap mangyari ang ganito."

"Hindi ako papayag na hindi kita mababayaran. Magaapply ako ng trabaho para mabayaran kita."

Sinabi ko ng hindi na niya kailangan bayaran ako. Ang kulit niya. Ang gusto ko lamang ay makasama si Louie.

"Huwag na lang pera ang ipangbayad mo sa akin."

"Eh, ano ang gusto mo pangbayad?"

"Pagiisipan ko na muna kung ano ang gusto ko."

Siyempre hindi ko isusuko ang sarili ko muna kay Louie kahit gusto ko merong mangyari sa amin. Hanggat hindi pa kami kasal ay wala na munang honeymoon. Hindi ko gagayahin ang ginawa nila Dante at Faye. Una ang honeymoon nila bago ang kasal. Kasasagot pa nga lang daw ni Faye kay Dante noon na may nangyari sa kanila at sa hindi inaasahan ay nakabuo agad. Baliw rin kasi. Kaya ayan tuloy dumating sa kanila si Dale.

"Okay. Sabihin mo na lang sa akin kung paano kita babayaran."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon