It's already Friday, nagpaalam na ako sa mga magulang ko na pupunta kami ni Faye sa Ocean Park at kahapon ay nagpaalam ulit ako baka kasi nakalimutan nila.
Nagulat ako noong makita ko sina Dante at Louie. Ano ang ginagawa nila rito sa labas ng bahay namin?
"Ano ang ginagawa niyo rito?"
"Hindi ba sinabi sayo ni Faye?" Naguguluhan ako sa sinabi ni Dante. "Ako ang nagyaya pumunta sa Ocean Park dahil binigyan ako ni dad ng apat na ticket."
Patay. Ang paalam ko pa naman kaming dalawa lang ni Faye ang pupunta. Wala pa namang sinabi sa akin si Faye na kasama rin pala sila Dante.
"Good morning po, tita." Rinig kong sambit ni Louie. Lumingon ako sa likod dahil nandito si mama.
"Magandang umaga rin sayo, Louie." Sagot ni mama sa kanya.
"Madalas ka ba dito, Louie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dante.
"Minsan. Minsan kasi ay sinasamahan ko si Mich umuwi sa kanila kahit malapit lang ang bahay niya sa school natin. Kaya nga sa condo mo ko tumutuloy kaysa umuwi ako sa amin."
"Alis na po kami, mama." Paalam ko kay mama.
"Magiingat kayo sa pupuntahan niyo."
Mabuti na lang ay may pasok si papa ngayon kaya walang question and answer portion magaganap.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Faye.
"Faye!" Tawag ni Dante kay Faye. Sigurado akong hindi pa tapos magasikaso si Faye. Alam naman niyang may lakad kami.
Laking gulat ko ng makita ang papa ni Faye. Hindi ko inaasahan nandito pala si tito at nakalimutan ko tuwing Summer pala ay umuuwi ng Pilipinas si tito.
"Good morning po, tito." Bati ko kay tito.
"Good morning. Pasok na muna kayo dahil hindi pa tapos kumain si Faye ng agahan niya." Alok ni tito sa amin. Pagkaupo namin sa sofa. "Mich, sino pala sa kanila si Dante?"
"Siya po." Sabay turo kung saan si Dante.
"Hello po. I'm Dante Gonzales po, sir. Nice to meet you."
"Marami na ako naririnig tungkol sayo at balita ko pa ay isang babaero ka. Hindi ako papayag na makitang umiyak si Faye dahil sayo. Hindi porket pumayag ang anak ko na ligawan mo siya ay makukuha mo na ang loob ko, hijo."
"Huwag po kayo magaalala. Hinding hindi ko po papaiyakin si Faye kapag sinagot na niya ako. At handa naman po akong maghintay hanggang sa handa na siya sagutin ako."
"Naku, tito kung alam niyo lang po kung ano ang ginawa ni Dante during Valentine's day. Kinantahan pa niya si Faye noong nasa canteen kaming lahat." Singit ko. Masyado na kasing kakaiba yung atmosphere rito.
"Kilig ka naman." Siya na nga itong tinutulungan ko tapos may gana pang mang asar sa akin. Bwesit rin, no?
"Hindi, no! Asa ka naman."
"Paano kung si Louie ang gumawa noon? Paniguradong kikiligin ka." Bwesit talaga. Sarap sakalin. Pero siyempre hindi ko iyon gagawin. Kahit hindi sabihin sa akin ni Faye ay alam kong may nararamdaman na siya kay Dante. Hindi naman kasi manhid ang kaibigan ko para hindi niya maramdaman iyon.
Tinatago lang niya dahil takot si Faye masaktan. Nasaktan na siya noong umamin siya kay mr. Martinez. Ilang araw rin niya iniiwasan si mr. Martinez. Kung hindi ko lang siya pinilit na kausapin ay hindi miya kakausapin si mr. Martinez hanggang sa umalis ito ng bansa.
"Dude, walang ganyanan. At saka kaibigan lang kami ni Mich."
"Kayong apat lang ba ang pupunta sa Ocean Park ngayon?" Tanong ni tito sa amin.
"Yes po, tito. Gusto ko po sana imbitahin din yung dalawa pang kaibigan ni Faye pero apat lang po ang ticket na binigay sa akin ni dad." Sagot ni Dante.
If I know, kung hindi lang apat ang ticket na binigay ng papa niya ay alam ko namang si Faye lang ang iimbitahin niya. Paniguradong hindi papayag si tito doon kung silang dalawa lang ang pupunta sa Ocean Park.
Tito, huwag na po muna kayo magtiwala kay Dante. Hindi pa natin alam kung ano pwede niyang gawin kay Faye.
"Sige, magiingat kayong apat papunta doon. Enjoy niyo lang at Faye." Lumingon naman siya sa likod. Hindi ko namalayan nandiyan na pala si Faye. "Umuwi bago gumabi ah."
Pagkarating namin sa Ocean ay halatang excited na si Faye pumasok sa loob kaya gusto na niyang makuha ang ticket kay Dante.
"Wow." Napailing ako kay Faye. Para siyang bata na ngayon pa lang nakakita ng sea creatures sa totoong buhay.
Marami naman ganito sa mga beach dahil nga hindi marunong lumangot si Faye kaya siguro hindi niya nakikita ang mga ito sa ilalim ng dagat.
"Para kang isip bata, Faye." Natatawang sabi ko.
"Walang basagan ng trip, Mich. Walang basagan ng trip." Sumimangot ako noong mapamsin kong hinawakan ni Dante yung kamay ni Faye. PDA masyado.
"Aba't may holding hands pa nalalaman."
"Inggit ka sa holding hands namin ni Faye. Ayan si Louie para hindi ka mainggit sa amin." Lakas talaga mang asar ng lalaking ito sa kaibigan ko.
Tumingin na muna ako kay Louie pero abala siyang tingnan ang mga isda. Binaling ko ulit ang tingin kay Dante.
"No thanks. Kaibigan lang kami ni Louie."
"Yeah, whatever."
Isa ito sa mga pangarap ko. Ang mag-underwater adventure kahit wala naman talaga kami sa underwater. Parang nandoon dahil rito.
"Mukhang abala ka diyan ah." Sabi ko na kinalingon niya sa akin.
"Inaalam ko pa kung alam ko pa rin ba ang mga tawag sa mga isda na makikita natin ngayon."
Hindi na nakakataka kung alam niya ang mga isda na makikita namin rito. Iba't ibang klase ng libro pa naman ang binabasa niya.
Pero alam niyo ba ang kinaiinisan ko? Yung bawat may makita kaming sea creature ay sinasabi niya sa akin kung anong tawag doon parang hindi ko alam.
Para ngang walking encyclopedia dahil sobrang daming alam ni Louie. Baka naman may balak na siyang palitan ang Google dahil marami nga siyang alam sa lahat na bagay.
Hindi ko agad napansin parang nawawala na sina Dante at Faye.
"Nasaan na sila Faye?" Nilingon ko ang paligid baka nasa likod lang namin sila pero wala.
"Baka humiwalay sa amin."
"Ikaw kasi, eh."
"Anong ako? Ano ang ginawa ko sayo para sisihin mo?"
Hindi ko na pinansin si Louie dahil kailangan kong hanapin si Faye. Lagot talaga sa akin ang kaibigan kong iyon dahil hindi niya sinabi sa akin na iiwanan pala niya kami ni Louie. As in kaming dalawa lang.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Chick-LitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...