Chapter 15

464 16 0
                                    

Ang boring. Musta na kaya si Faye habang kausap niya si mr. Martinez? Sana maayos ang paguusap nilang dalawa ngayon.

Habang nakaupo ako sa labas ng bahay nila Faye ay kumunot ang noo ko dahil may nakita akong familiar.

"Dante?" Tawag ko sa kanya.

"Mich, mabuti nandito ka. Kailangan ko ang tulong mo."

"Sumusobra ka na ah. Hindi porket tinulungan kita noon ay tutulungan ulit kita ngayon." Pinag krus ko ang mga braso ko.

"Last na ito. Promise."

"Ano ba yun?"

"Kahit anong mangyari ay tatanggapin ko. Gusto ko na kasi umamin kay Faye."

"What?! Nababaliw ka na? Ako na ang magsasabi sayo, Dante walang balak pumasok sa isang relasyon si Faye hanggat hindi pa siya tapos sa pagaaral dahil iyon ang pinangako niya kay tito. Pangalawa, hindi ikaw ang tipo ang gusto ng kaibigan ko."

"Dahil ba si kuya ang gusto niya? Alam ko naman iyon, eh. Kaya nga ginagawa ko na ang lahat habang papunta si kuya sa Japan next year."

"Sige. Tutulungan na kita pero last na talaga ito, Dante."

"Salamat." Ngumiti ng malawak si Dante. "Kinausap ko na kasi yung may ari ng school natin noon na kung pwede gamitin ang rooftop ng school natin para doon panoorin ang fireworks display. Pumayag naman siya pero kailangan ko magaral ng mabuti."

"Ikaw? Magaaral ng mabuti?" Natatawang sabi ko. Kahit sabihin niyo ng masama akong tao. Ganito na talaga ako pero friendly naman ako sa iba.

War freak, masama ang ugali. Iyan ang naririnig kong sinasabi ng iba tao tungkol sa akin pero kahit ganoon ang pagkakilala nila ay hindi naniniwala si Faye sa mga sinasabi ng ibang tao. Kilala ni Faye ang pagkatao ko.

"Seryoso ako doon ah. Para kay Faye ay gagawin ko lahat."

"Okay. Ang plano mo bang dalhin ko si Faye sa school natin?"

"Yep. Pero huwag mong sasabihin sa kanya na makikipag kita ako sa kanya doon ah. Surprise dapat."

"Okay. Ako na ang bahala sa kanya mamaya."

"Nasaan pala si Faye ngayon? Nandito ka sa bahay nila pero hindi mo siya kasama ngayon." Nilibot niya ang kanyang paningin. Talagang hindi niya makikita si Faye rito.

"Kausap si mr. Martinez sa bahay niya. Kung alam mo ang sitwasyon nilang dalawa ngayon. Ilang araw na iniiwasan ni Faye si mr. Martinez simula noong umamin siya."

Pagpasensyahan na ako kung masyado akong straight to the point. Nagsasali lamang ako ng totoo, eh.

"Ah okay. Sa school ko na lang siya hihintayin ah." Naglakad palayo si Dante sa bahay nila Faye.

Himala. Hindi yata nainis o kung ano man sa sinabi ko. Sa nakikita ko tinuring karibal na ni Dante ang kapatid niya kay Faye.

Nakita ko na si Faye lumabas sa bahay ni mr. Martinez kaya lumapit ako sa kanya sabay hatak sa braso nito.

"M-Mich, saan mo ko dadalhin?"

"Surprise, bes. Basta surprise."

Dahil nga nangako ako kay Dante na hindi ko sasabihin kay Faye ang binabalak niya. Good luck na lang sa kanya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya pero  hindi ko siya sinagot. "Michelle–"

Nang nakarating na kami sa tapat ng school namin ay kitang kita sa mukha ni Faye ang pagtataka. Sarado kasi ang school kapag holiday o bakasyon ang mga estudyante at teacher.

"M-Mich, baka may makakita sa atin na pumapasok tayo rito." Gusto ko matawa kay Faye. Sa tingin ba niya ipapahamak ko siya kung may tao rito sa school namin? Of course not. Hindi namab ako ganoon kasamang tao para ipahamak ang best friend ko. Nagtataka ulit si Faye noong makarating na kami sa rooftop. "Mich, alam mo naman bawal ang pumunta rito."

"Magtiwala ka lang sa akin, bes." Binuksan ko na ang pinto ng rooftop at tinulak ko na siya.

"Mich..." Mahinang tawag niya sa akin.

"Sige na. May naghihintay sayo."

Nang tuluyan na wala si Faye sa harapan ko ay sinarado ko na ang pinto at bumaba baka kasi may makakita pa sa aking ibang tao at lagot pa ako.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 10 seconds bago mag-bagong taon.

Nagsimula na ako mag-countdown at noong umabot na sa 12:00 ay tumingala na ako sa kalangitan dahil pinapanood ko ang fireworks display mula rito.

"Happy new year sayo, Mich."

Bumuntong hinga ako. Hindi ko inaasahan ganito mangyayari sa bagong taon ko. Kung ano man ang desisyon ni Faye sa pag amin ni Dante sa kanya ay susuportahan ko na lang ang kaibigan ko.

"Mich?" Nagulat ako noong may tumawag sa akin. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Iiwasan ko na nga uminom ng kape para hindi ako nerbyusin.

"Ano ka ba. Ginulat mo ko diyan."

"Sorry. Ano ang ginagawa mo sa tapat ng school natin?"

"Naglakad lang ako kanina tapos narinig ko ang mga paputok kaya huminto ako sa paglalakad. Ikaw?"

"Hinahanap ko kasi si Dante. Hindi ko alam kung saan siya ngayon."

"Talagang hindi kayo pwedeng hindi maghiwalay na dalawa, no? Palagi ka nakabuntot kay Dante."

"Tinawagan kasi ako ng daddy niya kanina. Hindi pa daw umuuwi si Dante sa kanila. At saka siya lang ang kaibigan ko."

"Ako. I mean, hindi mo ba kami kaibigan? Kapag may balak ligawan ni Dante si Faye ay madalas mo na rin kami makakasama ng mga kaibigan niya." At matutuwa ako doon na palagi kita kasama. Siyempre hindi ko yun pwedeng sabihin sa kanya. Hindi pa ako nababaliw para umamin kay Louie.

"Si Dante? Liligawan si Faye? Aabangan ko na lang na babasterin siya ni Faye very soon."

Aba. Very supportive na kaibigan.

"Bago ko pala makalimutan. Happy new year sayo, Louie."

"Sayo rin." Napangiti ako dahil si Louie ang unang taog bumati sa akin ng happy new year.

Nasa Japan kasi si Angel ngayon dahil nandoon sila ng pamilya niya para mag-celebrate ng Christmas at New Year. Si Nathalie naman ay busy daw siya pero baka mamayang umaga ay babati iyon sa amin.

"Hatid na kita sa inyo." Pagpresenta niya sa akin.

"Huh? Huwag na at saka nasa bahay nila Faye ang pamilya ko."

"Kung ganoon. Sa bahay nila Faye kita hatid. Malapit lang naman ang bahay nila rito sa school." Kung mapilit talaga siyang ihatid ako. Hindi na ako tatanggi. "At saka delikado kung maglakad ka ng magisa. Hindi natin alam kung may tambay sa tabi-tabi."

Huy, concern sa akin si Louie. How sweet. Sana ganito siya lagi sa akin.

~~~~

Next update on Nov. 4

Sorry kung matatagalan ang susunod na update ko. Wala kasi ako this month.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon