Maaga pa naman at tapos na rin ako sa trabaho ko. Kinuha ko ang phone ko para sabihan ang mga girls na nagkita kami ni Lance.
May boyfriend ka na, Mich. Ang landi mo pa rin.
Michelle Lopez: Nakita ko si Lance kanina.
Hindi ko kinikilig noong makita ko si Lance kanina. Gusto ko lang sabihan yung mga girls tungkol doon pero teka, bakit nasa seen si Louie? Shoot! Maling group chat ang pinasukan ko. Hindi ito ang Otaku Girls. Agad ko minessage si Louie.
Michelle Lopez: Psst...
Louie Aguilar: What?
Ay, galit na ito panigurado. Madali pala magselos si Louie kahit sinabi ko naman sa kanya na siya ang mahal ko.
Michelle Lopez: Galit ka ba?
Louie Aguilar: Hindi ako galit. Galit na galit. Alam kong kung gaano ka patay na patay sa Lance na iyan. Wala kang mukhang bibig noon kundi ang pangalan niya. Kung hindi sana kita sinaktan noon ay sana hindi ka magbabanggit ng pangalan ng ibang lalaki.
Michelle Lopez: Sorry, Louie. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon at hindi ako kinikilig na makita siya, no. Promise. Cross my heart.
Louie Aguilar: Mamaya na lang tayo magusap. Marami pa ako ginagawa ngayon.
Hay naku ang hirap talaga suyuin ang isang Louie Aguilar. Ano ba dapat kong gawin para patawarin niya ako? Wala ako maisip nang may kumatok sa pinto ng clinic ko.
"Come in." Sabi ko doon sa taong nasa labas.
"Hi." Inangat ko ang paningin ko. It was Lance at hindi na ako nagtataka kung paano niya nalaman kung nasaan ang clinic ko. "May problema ba?"
Ang lakas naman ng pakiramdam ng lalaking ito. Alam niyang may problema ako.
"Nagtatampo lang sa akin ang boyfriend ko pero ayos lang."
"Hindi ako marunong magbigay na payo dahil wala pa akong girlfriend ever since."
"No, it's okay. Kilala ko naman ang lalaking iyon. Kasing lamig ng yelo ang ugali noon at ganoon talaga siya. Mahirap kausapin... minsan." Sabi ko na umupo ito sa harapan ng desk ko. "Ano pa ang kailangan mo?"
"You said earlier na magusap na lang tayo kapag tapos na ang work mo. And I asked the nurses kung tapos na ba ang duty mo and they said yes."
"I see... Tinanong mo ko kanina kung kamusta na si Faye, right?" Tumango ito sa akin. "She got married yesterday."
"Really? With whom? Wait, don't answer my question. Kay Dante?"
Kilala niya rin pala si Dante. Baka nakilala niya si Dante noong bumisita ito sa US. Ang sabi kasi ni Faye na bumisita si Dante para personal niya kausapin ang papa ni Faye tungkol sa pagbubuntis nito.
"Oo kay Dante. Wala ka bang natanggap na invitation?"
"Hmm, meron kaso may importante akong lakad kahapon kaya hindi ako nakadalo. Sigurado ako nasa honeymoon pa rin sila hanggang ngayon kaya sa paguwi na lang nila kakausapin ko si Faye."
Alam pala niya na ikakasal na si Faye pero tinanong pa niya ako kanino siya kinasal.
Habang naguusap kami ni Lance ay may kumatok sa pinto at niluwa noon si Louie. Patay. Agad naman siyang umalis pagkakita kay Lance.
"I have to go, Lance. Nice to meet you."
"Please is mine."
Kinuha ko na ang gamit ko at nagmamadaling sinundan si Louie hanggang sa elevator. Mabuti nga lang ay hindi pa nagbubukas ang pinto ng elevator.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...