Ngayong araw ang huling event namin. Mas gusto ko talaga ang booth kahit sobrang busy namin at palagi kami nauubusan ng stock. Mabuti nga merong malapit na grocery para doon kami bumili ng mga kailangan namin at ang gastusin ay ang mga inambag naming pera just in case. Hindi kasi papayag si Faye na hindi ambag ang perang gagamitin sa mga gastusin lalo na meron ring ginagastusan si Faye sa darating na anime event. Knowing her, anime event at anime stuffs lang magpapasaya sa kanya. Mababaw ang kaligayahan ni Faye. Ako? Okay lang pero mas mapapaligaya sa akin makapunta sa mga anime event. Kaya lang kailangan kong tumulungan si mama sa pagalaga kay Milo.
Nanalo rin pala ang team ni Dante sa final ng laro sa basketball kaya nga itong si Faye ay tuwang tuwa na akala mo girlfriend ni Dante. Gusto ko nga paalala sa kanya na hindi pa niya boyfriend si Dante. Nangliligaw pa lang siya.
Dahil gabi na rin naman kaya nandito kaming lahat sa garden dahil ngayon ang awarding kung sino ang nanalo sa booth concest. Sana nga kami ang manalo dahil pinaghirapan naming lahat ang booth. Ang dami rin naming ginastos doon. Ang iba nga wala masyadong kwenta lalo na sa 4th year-class C. The hell– sino ba matinong tao ang gagawa ng kissing booth? Para lang sa mag-jowa yun, eh. Paano naman yung wala?
"Good evening, everyone. First all of I wound like to congratulate all of you for the successful event. Ngayon ay hawak ko na kung kaninong booth ang mananalo ngayong taon." Sabi ng school director namin. Pinagdadasal ko talaga sana kami ang manalo sa booth contest. "Ang nanalo ay walang iba kundi ang..."
Asar naman! Pabiting itong school director namin. Ayaw pang deretsuhin kung sino nanalo sa booth contest.
"Ang nanalo ay ang 3rd year-class A. Butler-maid cafe." Anunsyo niya.
Whoa! Totoo bang section namin ang nanalo?!
Tiningnan ko ang mga kaklase ko dahil natuwa silang lahat. Lumingon ako kay Faye na tulala para bang hindi siya makapaniwala.
"Bes, nanalo ang cafe natin!" Masayang sabi ko kay Faye.
"Congrats sa atin." Nakangiting sabi ni Dante. Kitang kita sa mukha ni Faye ang saya dahil kami ang nanalo. "You really did your best as our class president, Faye."
"Congratulations 3rd year-class A. And now for final program." Sabi ng school director bago pa siya umalis sa harapan naming lahat.
Nakita ko kung paano nila sinindihan ang malaking bonfire sa gitna ng school garden. Ito na kasi ang last program para sa school festival namin.
Most memorable school event ever! Hindi ko makakalamutan ang pangyayaring ito kahit ba may isang taon pa kami sa high school bago grumaduate. Lulubusin na hanggat hindi pa kami busy. Baka sa darating na 4th year ay mas lalo na kami busy tapos college pa.
Kasama ko ngayon si Angel habang kasayaw ni Nathalie si Eren sa gitna. Ayaw pa kasing aminin na may something silang dalawa ni Eren.
"What do you think of Nath and Eren?" Tanong ko kay Angel.
"Something fishy." Sagot niya. Sobrang halata nilang dalawa, eh. Kaya hindi lang ako ang makakaisip ng something fishy sa kanilang dalawa.
"Girls." Lumingon ako noong marinig ko ang boses ni Faye. "I have to go."
"Ang aga mo naman umalis, Faye. Hindi ka na ba sasayaw?" Tanong sa kanya ni Angel.
"Hindi na. Kailangan ko na rin kasi umuwi sa amin baka hanapin na ako."
"Ingat ka, bes." Sabi ko sa kanya. Hindi na muna ako uuwi dahil nakapag paalam naman ako kay mama na uuwi ako ng late ngayon dahil gabi ang last event namin.
"Okay. Ingat ka na lang, Faye."
Napansin kong nakatingin sa direksyon ko si Louie. Nakatayo lang siya sa hindi kalayuan sa pwesto ko kaso iniwas ko ang tingin at nakita ko si Faye kasama na ngayon ni Dante. Pareho silang sumasayaw sa gitna kasama ang iba.
"Hi, Mich." Kumunot ang noo ko dahil may isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Kung hindi ako nagkakamali 3rd year rin siya pero sa ibang section. "Pwede ba kita maisayaw?"
"Uh... su–" Napalingon ako sa likod noong may humawak sa braso ko. Nakita ko si Louie kaya kumunot lalo ang noo ko.
"Hindi na siya pwedeng i-sayaw ngayon dahil kailangan na ni Mich umuwi sa kanila." Sabi nito.
Sabi ko nga kanina nagpaalam ako kay mama na mahuhuli ako ng uwi ngayon. Imposible makakalimutan niya dahil pinaalala ko kay may mama bago ako pumunta rito sa school.
"Pero–"
"No buts. Iba na lang ang yayain mong maisayaw. Kinausap ako ng papa niya na kailangan niyang umuwi ng maaga."
"Kinausap ka ni papa?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Wala akong maalala kinausap siya ni papa at hindi lang yun close sila.
Wala na rin magagawa yung guy na nagyaya sa akin sumayaw dahil sa sinabi ni Louie na kailangan ko na daw umuwi.
Hindi na rin ako sinagot ni Louie pagkaalis noong lalaki dahil umalis na rin siya. Tingnan mo ito. Ang bastos rin. Pasalamat pa siya na kinausap ko siya kanina kahit naiinis ako sa kanya tapos ganito lang ang gagawin niya sa akin. Pasalamat rin siyang wala akong hawak na encyclopedia baka maibato ko lang sa kanya.
Nakakagigil grabe!
"Haba ng hair mo, Mich." Pang aasar sa akin ni Angel.
"Asa naman, Gel. Walang gusto sa akin si Louie."
"Sus, baka nasa in denial stage lang si Louie. O baka naman hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya."
Huwag ganoon, Angel baka mas lalo ako umasa na magkakagusto sa akin si Louie. Ayaw ko na masaktan.
"Tigilan na lang natin ang tungkol diyan. Ayaw ko na pagusapan ang tungkol kay Louie."
"Bakit? Parang dati puro pangalan ni Louie ang naririnig ko sayo."
"Dahil nireject siya ni Louie." Sagot ni Nathalie pagkalapit niya sa pwesto namin na kinasimangot ko.
"What?! Nireject ka?! Ibig sabihin mas mahal pa niya ang mga libro?"
"Hindi ah." Binaling ko ang tingin kay Nathalie. "Ikaw kasi. Linawin mo yung sinabi mo kanina."
"Eh, ano?"
Sinabi ko na kay Angel kung ano ang nangyari noon kahit gusto ko ng makalimutan ang sakit.
"Don't worry, Mich. Tutulungan ka naman namin para makalimutan si Louie. Lalaki lang iyan at marami pa naman diyan. Malay mo parating pa lang si mr. right mo."
"Hindi ko na muna iisipin na magkaroon ng love life. Pagaaral ko na muna kasi pagkagraduate natin sa college ay tutuloy ako sa pagaaral para sa medisina."
"May balak ka pala mag-doctor. That's nice. Anong kukunin ni Faye?" Tanong ni Angel.
"Ang gusto niyang kunin IT pero dahil wala tutulong kay tito sa kumpanya nila kaya nagpasya si Faye na magaral ng business at siya ang tutulong kay tito sa kumpanya."
Ang pagkaalam ko ay may branch naman sila rito sa Pilipinas pero ang main nila ay nasa US kung nasaan ang papa niya ngayon. Sana nga lang dito magtrabaho si Faye para pwede kami magkita kapag hindi kami busy sa trabaho namin.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...