Chapter 21

398 15 0
                                    

Ngayong araw ang school festival namin. Sa fourth day hanggang sixth day ay ang basketball tournament tapos sa seventh day ang bonfire party. Dahil nga si Faye ang Student Council President kaya meron kaming bonfire party sa last day parang anime lang at siyempre pumayag yung may ari ng school sa ideya ni Faye. Para daw maiba naman ang school festival. Hindi ko sinabing boring yung last 2 years na school festival namin pero mas memorable ang ngayon para sa amin nga otaku. Maid-Butler Cafe tapos meron pang bonfire party para talagang nasa anime world na kami.

Pumunta sina Faye at Dante sa grocery para bumili ng mga ingredients na kailangan namin rito. Naubusan kasi kami kanina sa sobrang dami ng dumalo galing sa ibang school.

Hindi ako galit sa kaibigan ni Dante pero naiilang pa rin ako kapag nakikita ko si Louie. Naalala ko yung pag-reject niya sa akin noong isang araw. At hindi ko naman pinipigilan si Dante sa gusto niyang gawin kay Faye basta ba hindi niya papaiyakin ang best friend ko dahil ako ang unang makakaaway niya bago pa si kuya Peter.

During our lunch break ay nagpaalam ako sa kanila na titingnan ko ang ibang classroom. Ang unang pinuntahan ko ang classroom ng mga fourth year. Ang 4th year- class C ay isang kissing booth ang ginawa nila. Ang weird talaga. Dumaan lang ako kaya hindi na ako pumasok. Ano ang gagawin ko doon? Wala naman akong boyfriend.

"Mich." Napalingon ako noong may tumatawag sa akin. Yung mga 4th year.

Ano kaya ang kailangan nila sa akin?

Hindi ko naman malalaman kung hindi ako lalapit sa kanila.

"Bakit?" Tanong ko pagkalapit sa kanila.

Wala na sa kanila ang sumagot dahil tinakpan ng isa sa kanila ang mata ko gamit ang blind fold.

"Saan niyo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanila pero wala akong nakuhang sagot. Natatakot ako kung saan nila ako dadalhin. Inaamin kong war freak akong tao pero pinagtatanggol ko lang ang best friend ko dahil wala kahit sino pwedeng umapi kay Faye.

Hindi ko alam kung saan ako ngayon. Hanggang sa may naramdaman ako kung anong bagay sa labi ko. Teka nga lang parang may humahalik sa akin. No way! First kiss ko nawala na lang sa isang hindi ko kilala. Kaya agad kong inalis ang blind fold at sinampal ko yung lalaki nasa harapan ko pero laking gulat ko noong narealize kung sino ang sinampal ko. Si Louie. Kahit na siya ang gusto kong maging first kiss ko pero hindi pa rin tama ang ginawa niya at hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa. He rejected me before tapos hahalikan niya ako. Naiinis ako pati sa sarili ko. Sana hindi na lang ako lumingon sa mga 4th year noong tinawag nila ako.

"Mich..." Hindi ko na siya pinansin dahil umalis na ako sa classroom ng mga 4th year.

Mas lalo akong naiinis sa ginawa ni Louie sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya. Nireject nga ako tapos hahalikan niya ako. Tsk.

Pero ang lambot ng mga labi niya ah.

No, no! Hindi ako pwedeng humanga sa lambot ng mga labi niya noong hinalikan niya ako. Kahit hinalikan niya ako ay hindi naman ako tumugon pero inabot ng ilang minuto bago ko narealize na may humalik sa akin.

Habang naglalakad ako ay nakita ko sinabi Dante at Faye nakapila sa labas ng hunted house. Ang alam ko ay takot si Faye sa kahit anong nakakatakot. In other word, matatakutin si Faye. Takot kasi si Faye sa madidilim na lugar at iniisip niyang may lalabas na nilalang. Mabuti na lang ang mga dinadaanan namin pauwi kapag gabi kami umuuwi ay maliwanag kaya kaya niyang umuwi na magisa lang.

Pagkatapos ng lunch break namin ay naging abala pa kami dahil ang haba na nga ng pila sa labas ng classroom namin. Hindi namin inaasahan ganito karami ang pupunta ngayong school festival. Kahit pagod kaming lahat ay memorable naman ang school festival except ang nangyari kaninang lunch break. Gusto ko makalimutan kung ano ang nangyari kanina.

Ang dami rin siguro ginagawa si Faye ngayon dahil siya yung Student Council President namin. Wala kasi siya bago matapos ang event ngayong araw.

"Mich." Lumingon ako noong tinawag ako ni Angel. Kasama niya rin si Nathalie. "Uuwi ka na ba?"

"Kailangan ko na rin ang umuwi ngayon para tulungan si mama kay Milo."

"Musta na pala si Milo?" Tanong ni Angel sa akin.

"Ayun, ang chubby niya ngayon."

"Kilala mo ang kapatid ni Mich?" Tanong ni Nathalie kay Angel.

"Oo, kilala ko kasi nandoon kami ni Faye noong nanganak ang mama ni Mich kay Milo."

Naalala ko yun. Nakalimutan kong sabihan si Faye na mahuhuli ako ng pasok dahil sinugod sa ospital si mama. Kaya si Faye ay sobrang nagaalala noong dumating ako. Natuwa nga si Angel. Lalo na si Faye noong makita si Milo kasi walang kababatang kapatid si Faye at alam ko namang tuturingan niyang younger brother si Milo.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si mama pinapainom ng gatas si Milo.

"Ang aga mo naman umuwi ngayon."

Maaga pa ba ang tawag diyan? Madilim na ang kalangitan.

"Mukhang pagod ka. Magpahinga ka na at ako na ang bahala sa kapatid mo ngayon."

"Sorry, ma. Hindi po kasi namin inaasahan ang daming pupunta ngayon sa school festival namin."

"It's okay, Mich. Basta magenjoy ka lang sa event niyo ngayon dahil paniguradong next year ay mas lalo kayo magiging busy."

Tama si mama. Ngayon pa nga lang na 3rd year kami ay ang dami na naming ginagawa. Paano pa kaya kung 4th year na kami?

"Sige po. Matutulog na po ako." Pumanhik na ako patungo sa kwarto ko at hindi ko na nga inabalang magpalit ng damit dahil sa sobrang pagod ko.

Kaya lang ay hindi ako makatulog dahil naalala ko yung nangyari kanina. Kahit gusto ko ng matulog pero wala talaga.

Kainis ka, Louie!

Wala yata akong balak patulugin dahil sa halik na iyan.

Ayaw ko na umiyak kahit naiinis akong ninakaw niya ang first kiss ko.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon