Chapter 63

456 10 0
                                    

Kahit birthday ko ngayon ay busy pa rin ako sa trabaho. Maraming doctors at nurses ang bumabati sa akin. Nginingitian ko lang sila and saying thank you.

Maganda ang araw ko ngayon dahil si Louie ang unang bumati sa akin. Madaling araw pa lang ay tumunog ang phone ko na may nagtext sa akin. At kaninang hapon ay nakatanggap ulit ako ng text galing sa kanya.

From Louie;

Let's have dinner tonight. Napaalam na kita kay tito na hihiramin na muna kita ngayon.

Makasabi ng hiniram na muna ako sa pamilya ko para namang isa akong bagay na hihiramin at ibabalik rin pagkatapos. Grabe siya oh! Pagbibigyan ko na siya dahil maganda ang araw ko ngayon.

Habang nagra-rounds ay nakita ko si Lance at yung babae nakabangga niya noong isang gabi. Mukhang nagkakabutihan na ang dalawa dahil hindi na ito umaalis sa tabi nito. Sa masamang palad dahil ilang buwan din comatose ang pasyente kaya paralyze ang mga paa nito. Ilang buwan din kasi hindi nagagalaw ang mga muscles kaya itong si Lance ay kapag gusto lumabas ng pasyente sa hospital room nito ay siya pa mismo ang mang hihiram ng wheelchair for her. Alam na rin ng pamilya ng pasyente ko ang nangyari sa kanya dahil tinawagan pa mismo ni Lance habang chineck up ko siya.

Tumikhim ako sa likuran nila. Hindi dahil nakaharang sila sa daanan. Wala lang, trip ko lang magbasag trip. Inggit ako sa dalawang ito. Wala kasi si Louie sa tabi ko. Bakit kasi ang tagal niya bago makagraduate? Hay naku...

"Doc?!" Napalakas ang boses ni Lance sa gulat. "Nandiyan pala kayo."

"You're in an hospital, mr. Soriano. Baka mabulabog ang ibang pasyente rito."

"Sorry. Kung hindi lang kayo nang gulat kanina."

"Doc, kailan po ako pwedeng umuwi sa amin?" Tanong ng pasyente ko.

"Kapag okay na ang kalagayan mo pero huwag mo biglain ang mga muscles mo."

"Nakakahiya naman kasi kay Lance na palagi siya nandito para bantayan ako.

"No, it's okay. It's my fault. Kung nakita lang kita na tumatawid noon ay sana nahinto ko agad yung kotse." Sabi nito. Eh, siya naman ito ang naaksidente. Tanga rin siya, no?

"Hindi ba ang sabi sa akin kanina ay nagbabakasyon ka lang rito sa Pilipinas at bibisitahin mo sana ang kaibigan mo." Sabi nito kay Lance.

Si Faye kaya ang tinutukoy niyang kaibigan? Hindi ko masabi dahil hindi ko alam kung may iba pa ba itong kaibigan rito.

"It supposed to be my vacation but my father called that night na may emergency sa branch namin dito. Since nandito na rin ako sa Pilipinas kaya sinabi ko sa kanya na aalamin ko na lang ang problema."

Ang pagkaalam ko ay graduate ito ng Information Technology. Hindi ako makapaniwalang may alam rin pala si Lance sa business. Kilala kasi ang Soriano na pumapangatlong kumpanya around the world. First ang Silva at second ang Gonzales. Since kasal na sina Faye at Dante ay nag-merge na rin ang kumpanya nila.

"Sige, iwanan ko na muna kayong dalawa. Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan kayo."

"Okay, doc." Sabi ni Lance.

After my duty ay tinawagan na ako ni Louie nasa may lobby na daw siya kaya itong lola niyo ay nagmamadaling bumaba. Hindi ko na ngang hinintay bumukas ang elevator dahil nasa 15th floor pa iyon at ang tagal bumaba.

"Sorry. Kanina ka pa ba?" Tanong ko pagkalapit sa kanya.

"Not really." Sagot nito. Pa English-Enlish pa ito. Apat taon lang naman siya tumira sa Paris pero ganyan na kung magsalita. Sarap batukan.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa paborito nating restaurant." Sagot ulit nito.

"Masyado ka ng gumastos ah. Baka wala kang ipon niyan." Sabi ko sa kanya. Kahit ayaw kong siya lang ang gumagastos sa date namin pero ang tigas ng ulo dahil siya daw ang lalaki.

"Last na talaga ito promise. Pagkatapos nito ay magiipon ulit ako para sa future natin."

"Mark your word, mister."

"You have my word, honey."

Honey? Nakakakilig naman dahil sa kanya pa talaga galing ang endearment na iyon. Akala ko pa naman ay hindi uso sa kanya ang endearment.

Pagkarating namin sa paborito naming restaurant ay nagulat pa ako dahil nakareserve pala rito si Louie. Pinaghandaan talaga niya ang gabing ito.

"How's your day, hon?" Tanong niya sa akin.

"Tired pero nawala ang pagod ko noong makita kita." Sagot ko sa kanya.

"Bolera. Sabihin ko lang na gusto talaga ako makita araw-araw." Sabi niya na sinamahan pa ng tawa.

Bistado na ang lola niyo. Gusto ko ngang makasama at makita araw-araw si Louie pero hindi pwede dahil pareho kaming busy.

"Hmph. How about you?"

"Doing great. Baka ito na ang huling pagkikita natin dahil malapit na ang final exam namin."

"It's okay. Ayaw ko rin naman maging sagabal sa pagaaral mo at hindi mo kailangan araw-araw ako sinusundo sa ospital."

"Gusto rin naman kita makasama."

Kinikilig na ako. May tinatago rin pa lang kilig itong si Louie. Akala ko wala dahil yelo ito dati na natunaw lang.

May lumapit na waiter sa table namin nang tawagin ni Louie para umorder. Same order lang ang inoorder namin.

Habang naghihintay sa order namin ay narinig kong may tumatawag sa akin. And I saw Faye's name.

"Excuse me. Tumatawag si Faye. Sagutin ko lang." Sabi ko at tumango siya.

Lumayo ako sa restaurant para sagutin ang tawag ni Faye.

"Hello."

"Bes!" Nilayo ko ang phone sa tenga. Hindi niya kailangan sumigaw.

"Maka sigaw wagas. Basag na ang eardrums ko sayo."

"Totoo bang nasa Pilipinas si Lance ngayon? Nabasa ko kasi ang conversation niyo with girls."

Parang ilang buwan na rin ang conversation na iyon ah. Like 5 or 6 months ago. Kung sabagay ay wala si Faye noong sinabi ko sa kanila nakita ko si Lance sa personal dahil nasa honeymoon pa ito. Isang linggo sila sa Singapore at hindi na ako magtataka kung mabuntis ulit itong best friend ko. At saka bihira na lang ito magbukas ng messenger niya unlike before kasi busy sa pagaalaga kay Dale habang si Dante na ang bahala sa kumpanya nila.

"Yep."

"Ano ang ginagawa niya rito sa Pilipinas? Ang daya hindi niya sinabi sa akin na pupunta pala siya dito dahil hindi man lang dumalo sa kasal ko. Saan mo siya nakita?"

Ang dami niyang tanong. Hinay-hinay lang, bes.

"Ang sabi niya magbabakasyon siya rito pero tumawag daw ang daddy niya na may emergency ang branch nila rito kaya siguro hindi nakadalo sa kasal niyo. Alam mo bang sa araw rin mismo noon ay nakabangga siya ng tao."

"What? Sabihin mo sa akin buhay yung nakabangga niya."

"Yep. Buhay siya at inaalagaan pa ni Lance habang hindi pa ito pwede umuwi."

"That's good. Sige na baka mainip na si Louie sayo. Ikaw ah, hindi ko malalaman na kayo na pala kung hindi ako nagbasa ng conversation niyo sa group chat." Sabi niya sabay putol sa tawag.

Paano niyang nalaman kasama ko si Louie ngayon? Iniistalk ba kami ni Faye?

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon