Louie's POV
Ang hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit galit na naman sa akin si Mich. Wala naman akong ginagawang mali sa kanya para magalit siya sa akin at saka napansin ko rin kahapon na puro galos ang pisngi niya. Saan niya nakuha iyon?
"Mabuti nakita kita ngayon, Louie." Lumingon ako sa likod dahil papasok na ako sa school ko.
"Bakit po, tito?"
"Gusto ko lang tanungin sayo kung nagkita ba kayo ni Mich? Hindi kasi siya umuwi kahapon at ikaw lang ang kilala ko maliban kay Faye na pwede kong lapitan." Bakas sa boses ni tito ang pagaalala.
"Nakita ko po siya kahapon pero galit siya sa akin. Maniwala kayo sa akin, tito wala akong ginawang mali para magalit siya sa akin."
Ayaw ko rin kasi pati ang papa ni Mich ay magalit sa akin.
"Anong oras mo siya nakita kahapon?"
"Mga hapon na rin iyon. Uwian na. Tutulong po ako sa paghanap kay Mich."
"Pero may pasok ka pa ngayon."
"Ayos lang po. Aabsent na muna ako ngayong araw para hanapin si Mich. Kakausapin ko na rin po yung mga kaibigan namin kung may alam ba sila."
Ang una kong tinawagan ay Angel pero out of coverage ang cellphone niya kaya si Nathalie na lang ang tinawagan ko kaso wala siyang alam kung nasaan si Mich ngayon. Wala pa naman akong alam kung saan pumupunta si Mich kung gusto niya magisa. Kung nandito lang sana si Faye ngayon. Pwede niya kami tulungan hanapin si Mich dahil siya lang ang nakakilala sa kanya.
"May balita ka na, bro?" Tanong ni Shawn. Bandang hapon ay nagkita kita kami sa isang fast food.
"Wala pa akong balita kung nasaan si Mich. Nagaalala na nga ako."
"Louie, umamin ka nga sa akin." Tumingin ako kay Nathalie. "May gusto ka ba kay Mich? Kung wala ay hindi ka nagkaka ganyan ngayon."
"She is my friend. Pero hindi ito ang tamang oras para diyan. Ang kailangan ay mahanap natin si Mich."
"Umamin ka na kasi. Gusto ko malaman ang totoo."
"Oo, may nararamdaman ako para kay Mich. Since freshman pa. Iba siya sa mga babaeng nakikita ko pero dahil nga wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon. May plano na ako kasi ako kung ano ang gagawin ko pagkatapos sa pagaaral."
Naalala ko pa noong huling kain namin ng street food at pinaguusapan pa namin kung ano ang plano namin pagkagraduate ng college. Kung itutuloy ba ang pagdo-doctor.
"Guys..." Lahat kami tumingin kay Nathalie. "Nagtext si Angel sa akin."
"Ano sabi, Nath?" Tanong ni Eren sa kanya.
"Huwag daw tayo magaalala kung nasaan si Mich dahil kasama niya ngayon." Kumurap ako sa narinig ko. Kasama ni Angel si Mich ngayon?
Nagaalala ako masyado noong sinabi ng papa niya na hindi pa siya umuuwi kahapon tapos nakituloy kila Angel. Ano ba ang pumasok sa isipan niya para hindi magpaalam sa mga magulang niya? Hindi pa ako pumasok dahil hindi ako makapag concentrate sa lesson kakaisip kung nasaan siya ngayon tapos... tsk!
"Puntahan natin siya after school." Sabi ni Shawn na sumang ayon naman ang dalawa.
"Kayo na lang pumunta mamaya." Sabi ko sa kanila. "Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit ginawa ni Mich ito."
"Ano na naman ang ginawa mo this time?" Tanong ni Nathalie sa akin.
Iyon ang hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagawa kong mali para magalit sa akin si Mich. Wala naman akong maalala na nasabi ba ako o nagawa para magalit siya.
"Hahayaan na muna natin si Louie ngayon." Rinig kong sambit ni Eren kay Nathalie.
"Una ako sa inyo ah. May klase pa kasi ako." Paalam ni Shawn. Naisturbo ko pa ang klase nila dahil kailangan mahanap si Mich.
Dahil absent na rin ako sa morning class ko kaya sa afternoon class na lang ako umattend. Which is my last subject. Kahit konti lang ang subject ko ngayon araw ay meron pa akong part-time job kaya palagi akong gabi kung umuwi.
Pagkatapos ng klase ko sa hapon ay tinawagan ko na si tito para sabihin sa kanya nahanap na si Mich.
"Tito, gusto ko lang pong sabihin sa inyo nahanap na si Mich."
"Mabuti naman kung ganoon. Masyado niya kami pinagaalala ng mama niya. Saan siya ngayon?"
"Sa bahay ng isang kaibigan namin noong high school."
"Salamat, Louie."
"Um, alam ko pong mali ang ginawa niyang hindi nagpaalam sa inyo pero huwag niyo pagalitan si Mich. Baka po may problema lang siya kaya niya nagawa iyon."
Pagkatapos kong kausapin ang papa ni Mich ay pumasok na ako sa trabaho ko pero iniisip ko pa rin bakit iyon ginawa ni Mich na hindi umuwi sa kanila. Hindi siya ganoon at hindi niya gawain iyon.
"Pare, okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala diyan." Tanong ng isa kong kasamahan sa trabaho.
"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Pasalamat ka ako ang nandito ngayon. Kundi lagot ka kay boss."
Sa talaga ko ng nagtatrabaho rito ay alam ko ng ugali ng boss namin rito. Masyado nga siyang strict at noong baguhan pa lang ako rito ay sabi nila ay marami daw ang hindi tumatagal na empleyado. Pero sa kailangan ko rin ng pera para sa mga kailangan ko sa school. Ayaw ko na kasi humingi pa kila mama at papa para sa gastusin ko lalo na nagaaral pa ang mga kapatid ko at mas kailangan nila iyon.
Pagkatapos ng trabaho ko ay pumunta na ako sa sakayan ng jeep pauwi kaso rush na ngayon kaya mahihirapan ako sumakay.
"Hi." Lumingon ako noong may narinig akong boses. May isang babae pero sa dami pa namang tao nakapila rito sigurado akong hindi ako yung kausap niya. Inirapan ko na siya dahil gusto ko na rin umuwi. Marami pa kasi akong gagawin sa bahay. "Sungit mo naman. Ganyan ka ba?"
Tumingin ulit ako sa kanya. Ako ba ang kausap niya? Ang akala ko pa naman ibang tao.
"Sorry, miss. Ako ba ang kausap mo?"
"Oo, ikaw ang kausap ko. Hindi ba sa malapit na paaralan ka nagaaral?" Tanong niya.
Hindi ba obvious? Halata naman sa suot kong uniform kung saan ako nagaaral.
"Ano pala ang pangalan mo, kuya?"
Kuya?! What the hell? Tinawag niya akong kuya? Mukha ba akong mas matanda sa kanya? Kung hindi lang ito babae ay sinaktan ko na siya.
"Sorry, miss hindi ako nagpapakilala sa taong ngayon ko lang nakita at nakausap." Sabi ko bago sumakay sa jeep. Wala ako sa mood makipag usap ngayon.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Chick-LitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...