Tapos na rin ang exam namin. Ibig sabihin ay malapit na ang graduation ng mga pasado at ako ay kabado dahil hindi ko alam kung pasado ba ako o hindi. Wala na nga ako masyadong tulog ng isang linggp dahil nagaaral talaga ako. Nagpursigi talaga ako maka graduate para hindi sayang ang pagod ni papa para mapagtapos lang niya ako.
"Siguro naman pwede na ako lumapit at kausapin ka. Halos dalawang taon na kita hindi nakakausap." Lumingon ako sa likod noong magsalita si Louie.
Magsasalita na sana ako na may isang babae ang kumapit sa braso niya. Yung obsessed sa kanya. Baka nga sila na pero imposible. Kilala ko si Louie dahil wala siyang interest pumasok sa isang relasyon.
Bakit ganoon? Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko noong makita kong may ibang babae ang lumapit kay Louie. Imbes ay umalis na lang ako sa harapan nila. Mas lalo akong naiinis sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang hahayaan ni Louie ang ganoon.
Pero teka nga, bakit parang selosang girlfriend ang dating ko doon? Ni hindi naman ako girlfriend ni Louie kaya malaya kung sinong babae ang may gusto sa kanya. Ang dating walang nakaka appreciate ng kagwapuhan niya dahil puro libro lang ang hawak niya. Ngayon ay meron na ibang babae magkaka gusto maliban sa akin. Bakit ba kasi pinanganak na gwapo si Louie?!
"Mich." Lumingon ako sa tumawag sa akin. "Nakapag practice ka na ba sa darating na dance contest?"
"Hindi pa. Pero nagsisimula na ako bumuo ng dance steps." Walang gana kong sagot sa kanya.
Sa totoo lang ay nawala sa isipan ko ang tungkol sa dance contest. Ang nasa isip ko na lang ay nakapasa sa exam kahit malabo. At wala pa rin ako nabubuong dance steps.
"Mabuti naman kung ganoon kasi ikaw na lang ang pagasa namin."
"Bakit?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Umurong na kasi yung iba."
"Hindi ba tayu-tayo ang maglalaban sa contest?"
"Hindi. Hindi mo ba binasa yung nakalagay sa poster?" Mabilis akong umiling. "Ibang paaralan ang kalaban natin."
Napalunok ako. Ibang paaralan pala ang makakalaban tapos ako na lang ang lalaban para sa school namin. Ibig sabihin sa akin sila umaasa.
"Kapag nanalo ba sa contest ay makukuha ko yung cash prize?" Tanong ko.
"Oo. Ang trophy lang kukunin ng professor natin." Sagot niya.
Mabuti naman dahil yung cash prize lang ang kailangan ko kaya sumali ako sa dance contest. Hilig ko talaga ang pagsasayaw simulang bata pa lang ako pero hindi pa ako sumasali sa mga dance contest. First time ito kaya nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib.
Tapos na rin ang academic year kaya aatupagin ko na ngayon ay ang practice sa pagsasayaw at hinihintay ko na lang ang araw ng kuhanan ng grades. Hay naku, mas lalo akong kinakabahan dahil sa kuhanan ng grades. Sana man lang wala kahit isang subject na bagsak ako para hindi ko na kailangan bumalik pa sa 4th year at maghihintay hanggang mapasado lang ang subject na iyon.
Napalingon ako noong may biglang humablot sa braso ko. Kahit nakatalikod siya sa akin ay kilala ko kung sino ito.
"Louie, ano ba! Kung hindi ka rin bastos, no? Alam mo namang may kau–"
Huminto na siya sa isang classroom na walang tambay na estudyante. Dito niya ako dinala, eh.
"May gusto sana akong sabihin sayo."
"Ano ba iyon? Pakibilisan lang dahil may kailangan pa akong puntahan."
Kailangan ko pa pala maghanap ng lugar kung saan pwede magpractice ng sayaw. Hindi kasi pwede sa bahay. Wala akong mabubuong dance steps dahil sa sobrang gulo ni Milo.
"Alam kong mali ang ginawa ko sayo noon dahil pinaasa kita pero ang totoo niyan ay matagal na akong–" Biglang tumunog ang phone niya kaya kinuha niya iyon sa bulsa. "Excuse me lang. Sasagutin ko lang ito."
Bad timing naman yung tawag. Nabitin ako sa gustong sabihin ni Louie pero naiinis pa rin ako sa kanya na ewan. Kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin ay dapat maganda ah. Sasapukin ko siya.
Nakita ko rin ang pagbalik ni Louie sa direksyon. Mukhang tapos na siya kausapin noong tumawag sa kanya.
"Sorry ah. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay dahil sinugod sa ospital ang isa kong kapatid."
"Huh?" Pagaalala ko. "Ano nangyari? Sinong kapatid mo?"
Sa dami pa namang kapatid ni Louie ay alin sa kanila ang sinugod sa ospital?
"Si Nash." Sagot niya.
"I hope he's okay. Sige na. Puntahan mo na sila sa ospital."
"Sorry talaga, Mich." Mabilis akong umiling sa kanya.
"Wala na tayo magagawa kaya ayos lang. Umalis ka na baka maipit ka pa sa traffic."
Umaasa pa naman ako malalaman kung ano man ang sasabihin ni Louie sa akin kanina pero hindi ko masisi kung nagkaroon ng emergency sa kanila.
Baka aaminin na niyang mahal niya ako kaya dinala ako rito ni Louie pero asa naman. Hindi iyon gagawin ni Louie at mas lalong hindi ako mahal noon. Mas mahal noon ay ang mga libro na gusto niyang basahin.
Hay naku. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko dahil sa pagiging assuming ko.
Ang iisipin ko na lang ang tungkol sa dance contest. Bukas na lang siguro ako maghahanap ng lugar kung saan ako magpapractice ng sayaw. Masyado na kasi ako pagod ngayon tapos katatapos pa lang ng exam namin. Pahinga na muna ang utak.
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng kapatid ko.
"Ate, totoo po bang kasali kayo sa dance contest? Ang sabi kasi ng kaklase ko ay narinig niya ang pangalan mo sa kapatid niya."
"Yep, kasali nga si ate sa dance contest."
"Galingan mo po ah. Sinabi ko pa naman sa mga kaibigan ko na magaling ka sumayaw."
Paano nalaman ni Milo na magaling ako sumayaw? Hindi pa naman niya ako nakikitang sumayaw noon. Pero mas lalo akong kinabahan dahil sa ginawa ng kapatid ko. Hindi ko nga alam kung mananalo ba ako sa dance contest kahit sa akin nakasalalay para manalo kami.
"Hindi ako mangangako na mananalo ako sa contest ah. Kahit magaling si ate sumayaw ay may mas magaling pa kaysa sa akin. Hindi lang ako ang magaling sumayaw. Marami pa."
"Pero para sa akin ay kayo ang mas magaling sumayaw, ate." Sabi ni Milo na kinangiti ko. Very supportive talaga ang baby brother ko.
Apat na taon pa lang si Milo pero sobrang talino niya. Dinaig pa niya ako. Tamad kasi ako magaral pero kahit papaano ay nakakapasok pa rin ako sa top. Stock knowledge na nga lang ang ginagawa ko sa ibang subject namin. Noong high school ko iyang ginagawa pero ngayong college kailangan na talaga magsunog ng kilay para pumasa. Hindi na kasi gaya sa high school kapag bumagsak ka sa isang subject pwede pa pakiusapan ang teacher na bumawi na lang sa project. Sa college ay ang hirap pakiusapan. Kung bagsak ka bagsak talaga. Babalikan ulit yung subject na binagsak mo.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...