Kinabukasan ay abala ako sa pagaalaga kay Milo dahil wala sina mama at papa ngayon. Kainis naman. Iniwanan kami rito sa bahay para mag-date. Nag-leave kasi si papa sa work niya para makasama si mama.
Wala pa rin nagbabago sa kasweetan nilang dalawa. Sana nga balang araw ay makahanap ako ng lalaking mamahalin rin ako. Gusto ko saka si Louie.
Speaking of Louie, hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila ni papa noong hinatid niya ako dati. Hindi sinasabi sa akin ni papa o ni Louie. Minemessage ko siya sa facebook pero niisang beses ay walang reply. Hindi na nga nagbubukas ng facebook account niya.
Nilagay ko na si Milo sa crib niya na may narinig akong nag-doorbell. Sino naman kaya ang isturbo na yun? Kailangan kong buksan kung hindi magigising si Milo. Ang hirap pa naman patulugin ang kapatid ko.
"Mukhang walang tao sa kanila." Rinig ko ang isang familiar na boses. Teka, boses ni Louie yun ah.
"Imposibleng iiwanan nilang bukas ang pinto ng bahay nila." Isa pa itong familiar sa akin. Boses naman ito ni Dante.
Lumabas na ako at tama nga ang iniisip ko.
"Ano ang kailangan niyo?"
"Mich, kakapalan ko na ang pagmumukha ko." Sabi ni Dante para bang nagmamadali. May appointment yata.
"Matagal ng makapal ang mukha mo." Gusto ko matawa sa komento ni Louie kaso pinigilan ko lang.
"Ano ba yun?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ito." Napakamot ng ulo si Dante. "Hihingi sana ako ng tulong sayo. Gusto ko sana makalapit pa kay Faye kaso siya naman itong lumalayo sa akin."
"Bakit mo naman gustong mapalapit sa kaibigan ko?" Pinagkrus ko ang mga braso ko.
"Alam kong ayaw mo sa akin, Mich pero pangako magbabago ako. Gusto ko kasing ligawan si Faye."
"L-Ligawan? Nangako si Faye kay tito na wala na munang boyfriend hanggat hindi pa siya tapos sa pagaaral."
"Liligawan ko lang siya pero hindi naman ako nagdadali na maging girlfriend ko siya. Gusto ko ang kaibigan ko. Kaya tulungan mo na ako."
Nakikita kong desido nga siyang ligawan si Faye pero isa pa ring babaero si Dante. Kahir anong gawin natin.
"Si Faye pa rin ang magdedesisyon kung gusto ba niya magpaligaw sayo pero tutulungan kita."
"Sigurado ka, Mich?" Hindi makapaniwala si Louie sa narinig niya.
"Shh... Manahinik ka, Louie." Saway ni Dante sa kanya. Humarap ulit siya sa akin. "Anong gagawin ko para mapayag ko si Faye?"
"May pupuntahang anime event si Faye sa katapusan pero may meet and greet rin kay Nathalie Abuel."
"Nathalie Abuel? Ah. I know her. Siya yung sikat na cosplayer."
Nagulat ako dahil kilala niya si Nathalie. Tama kaya ang sabi ni Louie na mahilig rin si Dante sa anime?
"Yes, yes. Pareho kaming gusto siya makita sa personal at makakuha ng souvenir."
"Alam ko na. Bibili ako ng ticket para makita niya si Nathalie. Gusto mo rin ba?" Mabilis akong umiling. Kahit gusto ko makita sa personal si Nathalie pero busy ako sa pagalaga kay Milo.
"Tinutulungan ko kasi si mama sa pagalaga kay Milo kaya hindi ako pwede ngayong taon."
"Ganoon? Hindi ka pala makakasama kay Faye ngayong taon."
"Paano mo nalaman taun-taon kami ni Faye pumupunta sa anime event?"
"Obvious naman, Mich. Pareho kayo mahilig sa anime kaya siguradong pumupunta rin kayo sa mga anime event at saka palagi ko rin kayo nakikita nandoon sa mall kapag may event."
Tama nga si Louie na mahilig si Dante sa anime.
"Ikaw na lang kaya ang sumama sa kanya?"
"Ako? Baka makahalata yun."
"Magpalusot ka na lang. Magaling ka naman doon."
"I don't think that's a good idea. Kapag nagtanong si Faye kung kasabwat kayong dalawa ay huwag niyo idadamay diyan."
"Wala naman makakaalam nito maliban sa ating tatlo." Sabi ni Dante.
"Wala na ba kayo kailangan? Kakain na muna ako."
"Past 3 na ah. Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Louie. Kung hindi ko lang ito kilala ay baka iisipin kong nagaalala siya sa akin.
"Wala kasi yung mga magulang ko kaya ako lang ang nagaalaga kay Milo ngayon. Kanina pa lang siya nakatulog kaya ngayon pa lang ako kakain."
"Sige, pakainin na natin si Mich. Salamat ulit ah." Tumango ako kay Dante bago pa sila umalis ni Louie.
Sana nga lang makabili si Dante ng ticket para sa meet and greet kay Nathalie. Mabilis pa naman maubos ang ticket lalo na malapit na yung event. Baka nga sold out na yung ticket.
Kinagabihan, habang nagpapahinga ako ay binuksan ko ang facebook account ko at may isang friend request.
Inadd ako ni Dante.
Wala maman mawawala sa akin kung i-accept ko siya.
Dante: Mich. :(
Mich: Ano nangyari sayo?
Dante: Sold out na yung ticket para sa meet and greet kay Nathalie. Ano ang gagawin ko? :(
Mich: Nasubukan mo na ba sa mga online?
Dante: Oo pero wala ako mahanap nagbebenta.
Mich: Wait. Maghahanap ako kung may makita ako rito.
Dante: Salamat talaga.
Naghahanap ako sa mga buy and sell na anime group na sinalihan ko. Baka makahanap ako ng nagbebenta ng ticket rito.
And lucky! May nagpost ngayon lang.
Tinanong ko yung seller kung legit ba yung binebenta niyang ticket. Baka niloloko lang niya kami. Mahirap na. Sumagot naman siya ng yes, legit ito. Kaya minessage ko si Dante na i-message na yung nakausap ko.
Dante: Nakausap ko na yung seller at bukas na kami magkikita para bayaran yung dalawang ticket.
Mich: Dalawang ticket?
Dante: Actually, hindi lang halata sa akin pero fan din ako ni Nathalie. Ang galing kasi niyang cosplayer. Mapa lalaki o babae.
Sabagay, tama naman si Dante. Ang ganda pala ng pag-cosplay ni Nathalie sa mga character.
Mich: Good luck!
Dante: Salamat talaga! :)
Nilog out ko na ang account ko bago sinara ang tab ng facebook.
Tayo na manood ng anime. Kapag wala akong makitang magandang yaoi ay nanonood ako ng shojo o shounen anime. Ngayon ay nanonood ako ng Boruto. Kahit ongoing pa yung anime ay ayos lang sa akin. Marami pa naman naka reserve na anime rito. Katulad ng Fairytail Last Season at One Punch Man 2.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...