Chapter 8

650 16 0
                                    

Pagkatapos nangyari noong isang araw sa classroom namin ay naging maayos na ang lahat. Mukha ngang close na sina Faye at Dante, eh. Kami naman ni Dante um... Okay lang naman. Kinakausap ko na rin siya. Mabait rin pala siya.

Pagtapos ng klase namin ay pumunta na kaming tatlo sa canteen dahil mabilis mapuno ang mga tables dito.

"Ano ang gagawin niyo sa darating na Christmas break?" Tanong ni Angel sa amin.

"Dating gawi na palagi kong ginagawa tuwing bakasyon. Ang manood ng anime." Sagot ni Faye sa kanya.

"Speaking of anime, alam mo bang merong anime event sa mall sa katapusan?" Tanong ko naman.

"Siyempre. Palagi kaya ako updated sa mga ganyan at siyempre pupunta ako. Kayo?"

"Hindi ko alam kung makakapunta ako kasi aalis kami ng pamilya ko sa araw na iyon." Sagot ni Angel.

"Oh. Have fun na lang." Lumingon sa akin si Faye dahil alam naman niyang hindi kami umaalis kapag Christmas at New Year. Yearly kasi nagdidiriwang kami ng Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya ni Faye. "Ikaw, miss?"

"Titingnan ko na muna kung papayagan ako dahil nagusap kami ni mama na pagkatapos ng exam ay tutulungan ko siya sa pagalaga sa kapatid ko."

"Uh, okay. Sabihan mo na lang ako kung makakasama ka ah."

Napagusapan na kasi namin ni mama na tutulungan ko siya sa pagalaga kay Milo sa bakasyon para hindi siya mahirapan at makapag pahinga na rin muna si papa pagkauwi niya galing trabaho.

"Hi, girls." Tumingin ako sa nagsalita pero nabaling agad ang tingin ko sa kasama niya. Shocks. Ang gwapo talaga ni Louie.

"Dante, may plano ka na ba sa bakasyon?" Tanong ni Angel sa kanya. Sa dami naming kaklase si Dante pa talaga ang tinatanong niya. Alam naman ni Angel kung gaanong playboy si Dante.

"Niyaya mo ko makipag date sayo?"

"Hindi lahat na babae gusto makipag date sayo, Dante." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Louie sa kanya. Lakas basag trip, eh.

"Basag trip ka talaga, Louie. Pero wala naman akong gagawing sa bakasyon maliban na lang kung gusto ko mang gulo sa bahay ni Louie."

"Don't you dare, Dante. Magulo na sa bahay kaya huwag ka na dumagdag."

Pagkatapos ng lahat na klase namin ay nakatanggap ako ng text galing kay mama. Nagpapabili siya ng gatas at diaper para kay Milo.

"Mich, pauwi ka na ba?" Tanong ni Angel sa akin.

"Hindi pa kasi may pinapabibili pa sa akin si mama. Pupunta na muna ako sa grocery para bumili ng gatas at diaper ni Milo."

"Ganoon ba? Sama na ako sayo. Bibili na rin ako ng makakain ko." Nauna na lumabas ng gate si Angel.

Paglabas ko ng gate ay nagulat ako ng makasalubong ko rin si Louie. Himala yata hindi niya ulit kasama si Dante ngayon. Napapadalas na hindi sila sabay umuwi. Baka may kasama na namang babae.

"Wala ka bang kasama kasama sa inyo?" Tanong ko kay Angel.

"Wala. Nasa Japan kasi ang mga magulang ko pero uuwi sila dito bukas."

Pagpunta namin sa grocery ay kumuha na ako ng gatas at diaper para kay Milo at binayaran ko na sa counter.

"Instant noodles?" Takang tanong ko noong makita kung ano ang binili ni Angel.

"Yeah. Pagod na kasi ako para magluto at gusto ko na rin magpahinga pagdating sa condo."

"Nakatira ka sa condo?" Hindi ako makapaniwala. Mayaman pala si Angel.

"Yup. Gusto niyo ba ni Faye pumunta sa condo sa bakasyon?"

Faye? Wait. Shocks! Nakalimutan ko ang tungkol kay Faye. May usapan pala kami na magkita sa waiting sched para sabay umuwi. Hindi ko na naman siya nasabihan. Lagot ako nito bukas.

"Not sure. Busy rin kasi ako sa bakasyon tapos pagsapit ng Pasko ay magdidiriwang kasama ang pamilya ni Faye."

"Magkaibigan talaga ang pamilya niyo, no?"

"Yup. Bago pa kami pinanganak ni Faye ay magkaibiga na ang mga magulang namin."

Isa sa dahilan kung bakit halos magkapit bahay lang kami ni Faye.

Nagpaalam na ako kay Angel dahil iba ang direksyon niya kaysa sa akin. Paguwi ko sa bahay ay nilagay ko na sa kitchen counter ang binili ko.

"Nasa kusina na po ang pinabili niyo, mama."

"Salamat, Michelle." Ngumiti ako kay mama bago pumanhik papunta sa kwarto ko.

Kinabukasan ay maaga pa lang noong pumunta ako sa bahay nila Faye para humingi ng tawad sa kanya. Galit siya sa akin.

"Faye, sorry kung hindi ko sinabi sayo na umalis ako ng maaga kahapon dahil nagkaroon ng emergency." Mabilis na paliwanag ko sa kanya. Hindi kasi ako makatingin ng maayos kay Faye dahil natatakot ako. Galit siya sa akin.

"Sino ang niloloko mo? May nakakita sayo kahapon na kasabay mong umuwi si Louie. Ano iyon, Mich? Pinagpalit mo na ba ako sa crush mo?"

"Huh? Hindi ko kasabay si Louie kahapon. Si Angel ang kasama ko paguwi."

"Nakita kayo ni kuya Paul na magkasama pauwi."

"Ah, baka ang nakita ni sir Martinez noong palabas kami ng gate. Nauna kasi lumabas si Angel tapos hindi ko inaasahan nasa tabi kong lumalabas ng gate si Louie." Mahabang paliwanag ko but this time hindi na siya yung mabilis. At least alam kong hindi na ganoon galit sa akin si Faye.

"Kahit na! Hindi mo pa rin sinabi sa akin nagkaroon ng emergency. Nagmukha akong tanga sa waiting shed kakahintay sa wala."

"Sorry talaga. Libre na lang kita mamaya ng ice cream. Maligo ka na at kumain ng almusal. Hihintayin na lang kita rito at sabay na tayo pumasok."

Umupo na ako sa sofa nila habang hinihintay ko matapos si Faye. Feel at home lang naman ako sa bahay nila. Kilala naman ako ng pamilya ni Faye kaya wala ng problema doon.

Nang naglalakad na kami papasok ay hindi ko mapigilan ang magtanong sa kanya. Curious talaga ako sa nangyari kahapon.

"Sino pala ang nakasabay mo umuwi kagabi?"

"Si kuya Paul. Gusto kasi niya makasiguradong nakauwi ako ng ligtas."

"Kyaaah! Hindi ka ba kinikilig?"

"Kinikilig pero hindi ko naman pinapahalata sa kanya. Baka ano ang isipin."

"Sana ganoon rin kami ni Louie pero alam ko naman imposible." Bumuga ng malalim na hangin si Mich. Hanggang panaginip na lang ang lahat na makakasabay ko pauwi si Louie. Kainis.

"Good morning, girls." Bati sa amin ni Angel pagkapasok sa campus.

"Good morning, Gel." Sabay namin ni Faye.

Pagpasok naming tatlo sa classroom ay kumunot ang noo ko ng makita ko si Dante. Ang aga naman niya yata pumasok ngayon. Ano kaya ang nakain ng lalaking ito at naisipang pumasok ng maaga?

"Si Dante ba iyon?" Tanong ko kaya tumango na lang sa akin si Faye. "Ano kaya ang nakain niya at naisipan pumasok ng maaga? Mamatay na ba?"

"Ano ka ba, Mich. Baka gusto lang niya o kaya nagising ng maaga at wala na rin magawa sa bahay nila."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon