Chapter 53

388 10 0
                                    

Louie's POV

Argh! Sobrang naiinis na ako kay Mich ngayon. Ano ba ang problema niya? Palagi na lang siya galit sa akin parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Tungkol sa pagkakaroon ko ng girlfriend ay hindi iyon totoo at alam ni Judy na may mahal na akong iba. Wala talaga akong balak pumasok sa isang relasyon hanggat hindi pa ako tapos sa pagaaral at may dahilan ako kung bakit ko nireject si Mich noon. Ayaw ko maging sagabal sa pagaaral niya at saka hindi dapat minamadali ang magkaroon ng boyfriend. Alam ng papa niya ang tungkol doon noong unang beses ko pa lang pumunta sa bahay niya. Kinausap kasi ako ng papa ni Mich kung mang liligaw ba ako sa anak niya. I want to be honest kaya sinabi ko sa kanya ang totoo. Pumayag ang papa ni Mich sa desisyon ko noon pero nagalit siya sa akin noong nalaman niyang sinaktan ko si Mich.

Ngayon pa nalaman kong may fiance na siya. Bwesit talaga. Sarap suntukin sa mukha kung sino man ang lalaking iyon na nagpropose kay Mich. What's mine is mine.

"Louie." Tawag sa akin ni dad kaya lumapit ako sa kanya.

"Bakit po?"

"Ang balita ko ay malapit na ang board exam. Hindi ka magte-take ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Baka sa susunod na lang po ako magte-take ng board exam." Sagot ko. Ayaw ko kasi makita si Mich ngayon lalo na magte-take rin siya ng board exam.

"Dad, alam niyo naman po na papasa si kuya sa kahit anong exam pa iyan." Sabat ni Nash. Nakalabas na rin ang kapatid ko sa ospital noong isang araw. Hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng pera para pangbayad sa hospital bill ni Nash tapos isa sa mga natanggalan sa ibang bansa si dad. Isa kasi siyang OFW. Bilang nakakatandang anak ay responsibility ko ang tulungan pamilya ko.

"Ikaw talagang bata ka. Ilang beses ko ba sabihin sayo na huwag ka sasabat sa usapan ng matatanda?" Awat ni mama kay Nash.

"Totoo naman po ang sina– Hmph..." Tinakpan ko kasi ang bibig ng kapatid ko. Kung hindi palaging gutom ay sobrang daldal naman nito. Walang control ang bibig. Hindi marunong prumeno.

"Louie, baka hindi na makahinga ang kapatid mo." Inalis ko na ang kamay ko sa bibig ni Nash.

"Kuya naman. Papatayin mo na ako?" Muktol ng kapatid ko.

"Hindi. Sorry, Nash."

Bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga na muna ako bago maghanap ulit ng trabaho. Wala pa kasi akong mahanap na trabaho. Naubos nga ang ipon kong pera sa pangbayad sa ospital ni Nash na dapat sa pagaaral ko iyon dahil gusto ko ituloy maging ganap na doctor. Para ako ang gagamot sa mga kapatid ko kapag may sakit sila. Swerte lang dahil nandoon rin pala nagtatrabaho ang papa ni Mich kaya tinulungan niya kami sa mga gamot ni Nash. Malaki ang utang na loob ko sa papa ni Mich. Gusto ko bayaran iyon.

Dahil niregaluhan ako ni Dante ng cellphone noong graduation namin ay may magagamit na ako. Kahit may cellphone na ako ay bihira lang ako magbukas ng account ko sa facebook. Katulad nito.

Ano ba ang dapat kong gawin para mapansin mo ang katotohanan?

Wala pa ngang isang minuto ay may notification na agad ako sa pinost ko kanina. May isang comment at galing iyon kay Shawn.

Shawn Mendoza: Huy! Sino iyan?

Louie Aguilar: Wala. Naiinis lang ako.

Shawn Mendoza: Sus, pre. Ha ha!

Nathalie Abuel: Haha! Parang kilala ko na kung sino ito ah.

Shawn Mendoza: Sino, Nath?

Nathalie Abuel: Secret 😝

Shawn Mendoza: Ay, sus. PM mo sa akin dali.

Nathalie Abuel: Sige na nga.

Hinayaan ko na lang sila gawing chat box ang comment ko. Imposibleng hindi nila makilala kung sino ang tinutukoy ko dahil kilala rin talaga nila kung sino iyon.

Hindi yata nangialam si Mich ngayon sa post ko. Kung dati naman ay palagi siya nagcocomment dahil bihira lang ako magbukas noon ng account ko. O baka ay hindi talaga nagbukas ngayon ng account niya dahil busy pero imposible. Halos araw-araw yun bumubukas ng account kahit busy pa siya. O dahil galit talaga siya sa akin kasi pinandigan ko ang pagkakaroon ng girlfriend kahit alam kong may masasaktan.

Ang tanga mo, Louie. Lumaki ka ngang matalino pero ang tanga mo sa babaeng mahal mo.

Gusto kong sapukin ang sarili ko sa tuwing nasasaktan ko si Mich. Ang ayaw ko sa lahat ay iyon lumalayo siya sa akin. Ang gusto ko yung nandiyan siya palagi sa tabi ko, nakikita ko araw-araw. Kaso ang tanga ko.

Tanga na nga, torpe pa.

Hindi ko kasi masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Puro kabaligtaran ang lumalabas sa bibig ko. Ngayon ay mas lalo pa lumalayo sa akin ang babaeng mahal ko. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Gusto ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Galit siya sa akin.

Noong panahong aamin ako sa kanya ay doon naman sinugod sa ospital si Nash. Bad timing ang kapatid ko pero hindi ko pwedeng sisihin si Nash. May sakit talaga siya. Kaya nga hindi siya pwede makipag laro sa ibang bata dahil may sakit siya sa puso. Naawa rin ako sa kapatid ko dahil hindi niya naeenjoy ang pagiging bata. Sa loob lang siya ng bahay at hanggang tingin lang sa mga bata naglalaro sa labas ng bahay namin.

Napatingin ako sa phone ko noong tumatawag si Dante sa akin kaya agad ko iyon sinagot.

"Bro..."

"Bakit ka napatawag sa akin?"

"Wala pa kasi alam ang mga magulang ko tungkol sa pagbubuntis ni Faye at ayaw ko namang isturbuhin si kuya sa Japan."

Sa Japan nga pala nagtatrabaho ang kapatid ni Dante ngayon na dati naming teacher sa English noong high school at hindi lang iyon may anak pala si kuya Paul sa dati niyang girlfriend na naging ex girlfriend rin ni Dante. Alam ko ang lahat na pangyayari noon dahil nandoon rin ako.

"Alam na ba ng pamilya ni Faye?"

"Alam na ng papa niya dahil pumunta pa ako mismo sa US para kausapin siya tungkol sa pagdadalang tao ni Faye."

"Bakit mo kasi binuntis agad tapos ngayon namomoblema ka."

"Bro naman. Kahit hindi pa kami handa pareho sa pagdating ng anak namin pero hindi ko pwedeng sabihin kay Faye na ipalaglag yung bata baka tuluyan siya lumayo sa akin at saka late na rin para ipa-abortion. Magaapat na buwan na ang tyan niya."

Ganoon na ba kabilis ang panahon at limang buwan na lang ay magiging ama na si Dante.

"So, ano ang problema mo ngayon?"

"Pumunta kasi si Faye kanina sa kumpanya hindi ko alam ang dahilan. Wala nga akong alam pumunta pala siya."

"Tapos?"

"Nalaman ko na lang noong sinabi sa akin ni ate Karen na pumunta si Faye pero umalis agad na umiiyak."

"Ano na naman ba ang ginawa mo? Pre, alam mo namang buntis ang girlfriend mo tapos may kalokohan ka na namang ginawa."

"Bro, wala akong kalokohan. Seryoso na ako kay Faye pero hindi dumating ang isa sa mga ex girlfriends ko. Si Jenny, remember?"

"I don't know. Sa dami pa naman naging girlfriend mo bago si Faye ay hindi ko maalala ang mga pangalan nila kahit nga mukha."

Ayan, mukhang kinarma na ngayon ang kaibigan ko. Babaero pa more tapos si Faye lang pala ang katapat niya.

"Ngayon nasa ospital si Faye noong tumawag ako sa kanya kanina at si kuya Peter ang nakasagot ng tawag. Natatakot akong mawala sa amin ang anak namin at lumayo si Faye sa akin."

"Kung mahal ka talaga ni Faye ay hindi niya gagawin iyon. Bigyan mo lang siya ng oras lalo na may plano pa siya pagkapanganak niya, diba?"

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon