Chapter 56

384 12 0
                                    

Hinihintay nga pala kami ni papa sa labas dahil hindi ito sumunod sa akin pumasok sa loob ng airport.

"Baka gusto niyong mamasyal. Baka lang." Bungad sa amin ni papa.

Tumingin ako kay Louie. Alam kong pagod siya dahil sa haba ng biyahe niya kanina at wala pa akong tulog.

"Naku po, tito baka bukas na lang kung hindi busy si Mich sa trabaho." Sagot ni Louie.

"Mabuti kung ganoon. Wala pa kasing tulog itong si Mich. Nagmumukha ng zombie."

"Oo nga po, eh." Tumingin sa akin si Louie at ngumiti. Kumurap ako. Tama ba itong nakikita ko. Ngumiti siya. First time ko nakitang ngumiti si Louie.

"Sumabay ka na sa amin at hatid ka na namin sa inyo."

"Ah, huwag na po. Nakakahiya naman, tito."

"Sumabay ka na. Para hindi ka na gumastos pa ng pamasahe sa taxi at mapapamahal ka lalo na traffic." Sabi ko naman.

"Sige na nga. Para sayo." Pagpayag ni Louie.

Habang nasa biyahe kami ay kinukwento ni Louie kung ano ang ginagawa niya sa France. Sumimangot ako noong binanggit niyang may nakilala rin siyang French girls doon.

"Ano ang plano mo na ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Plano ko? Siguro tutuparin ko na rin yung pangarap ko maging doctor."

"Gusto mo rin maging doctor, Louie?" Tanong ni papa.

"Yes po, tito. Gusto ko pong makatulong sa pamilya ko kahit sa kapatid ko."

Sinugod pala dati ang kapatid ni Louie sa ospital. Kamusta na kaya si Nash ngayon? Una at huling punta ko sa kanila ay noong birthday ng isa niyang kapatid na si Lei.

Kinusot ko ang mata ko at dumilat. Nilibot ko ang paningin dahil wala sa driver's seat si papa.

"Nasaan na tayo ngayon?" Tanong ko.

"Nandito na tayo sa labas ng bahay namin."

"Huh? Bakit hindi mo ko ginising nandito na pala tayo." Hindi ko nga rin namalayan nakatulog pala ako habang nasa biyahe kami.

"Halatang pagod ka ngayon kaya hinayaan na lang kita matulog."

"Okay na ako ngayon. Puntahan na natin si papa at baka ano pa ang ginagawa niya sa inyo." Nakakahiya. Baka ano pa ang sabihin ni papa sa pamilya ni Louie.

Pagpasok namin sa bahay nila ay nakita ko si papa kausap si Nash. Bakit naman kaya kinakausap ni papa ang kapatid ni Louie?

"Ang papa mo ang tumulong sa amin noong nasa ospital si Nash. Siya ang tumingin sa kanya." Napatingin ako kay Louie. "Hindi ba sinabi sayo?"

"Walang sinasabi sa akin si papa. Pero ano ba ang nangyari kay Nash kung bakit siya sinugod noon?"

"May sakit sa puso si Nash simulang pinanganak siya. Kaya simula noon ay hindi ineenjoy ni Nash ang pagiging bata niya dahil hindi siya pwede mapagod. Natatakot si mama sa pwedeng mangyari sa kapatid ko. Kaya nangako ako kay Nash na mapagamot ko siya para gumaling na sa sakit niya kapag tapos na ako sa pagaaral ko."

Sa nakikita ko kung gaano kamahal ni Louie ang pamilya niya kahit hindi niya ito kadugo.

"Kahit minsan ba hindi mo hinahanap ang tunay mong magulang?" Tanong ko sa kanya.

"Para saan pa? Iniwanan nila ako rito. Kaya sila lang ang tinuring kong pamilya. Wala ng iba. Maliban na lang kung papayag kang magpakasal sa akin."

"Kasal agad? Hindi ka pa nga nagsisimulang mang ligaw sa akin."

Kinikilig ako kapag tinanong ako ni Louie ng will you marry me? Bakit pa ako hihindi? Lahat na kababaihan ay pinangarap na magpakasal sa lalaking mahal nila.

"Sa advance ako magisip, Mich. Lahat na kaibigan natin ay kasal na at meron na silang sariling pamilya. Si Dante at Faye ay kasal na lang ang kulang dahil may Dale na sila."

Kasalanan rin naman niya. Kung umamin lang sana siya sa akin noon ay sana boyfriend ko na siya at ikakasal na kami ngayong taon. Mukhang tama ang sinabi ni Dante dati na isang dakilang torpe si Louie.

"Alam mo, Louie tuparin mo muna ang pangarap mo maging doctor para sa kapatid mo."

"Isa ka rin sa mga pangarap ko. Pangarap na makasama ka habang buhay."

Okay. Kinikilig ang lola niyo ngayon. Marunong rin pala magpakilig si Louie. Akala ko hanggang titig lang ang alam niya.

"Kaya hayaan mo kong ligawan ka habang nagaaral ako."

Bumuntong hinga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Doon rin naman ang punta naming dalawa.

"Nash. Nash!" Agad namin pinuntahan sila nang marinig namin ang pagtawag ng mama ni Louie kay Nash.

"Mich, tumawag ka ng ambulansya." Sabi ni papa.

"Bakit po–"

"Tumawag ka na dali! Kailangan natin maidala si Nash sa ospital."

Agad ako tumawag ng ambulansya pero ang sabi ay 15 minutes pa daw bago sila makarating.

"15 minutes pa daw po bago makarating ang ambulansya." Sabi ko sa kanila.

"Hang in there. Nandito si kuya sa tabi mo." Rinig kong sambit ni Louie.

Narinig ko na ang siren ng ambulansya. Kaya sumama si papa para matingnan niya ang kalagayan ni Nash pero pinaiwan kami rito sa bahay nila Louie. Ang sumama rin ang mama nila.

"Louie, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa haba ng biyahe mo kanina."

"Hindi ko alam kung makakapag pahinga ako. Nagaalala ako sa kalagayan ni Nash ngayon."

"Magiging okay ang lahat. Lalaban si Nash sa sakit niya at magtiwala lang tayo kay papa."

Isa si papa sa magagaling na doctor kaya iniidolo ko siya noong bata pa ako.

"At kapag nagpahinga ka ay pupuntahan natin mamaya si Nash para kamustahin ang kalagayan niya."

Napasarap ang tulog ko ngayon dahil na rin siguro sobrang pagod ko sa trabaho. Si papa kasi. Tama daw sisihin si papa. Pero wala ako magagawa dahil ganito talaga ang trabaho ng isang doctor. Walang holiday o day off. Kung kailangan ka ay kailangan talaga pumunta sa ospital para sa pasyente.

"Gising ka na pala." Tumingin ako sa nagsalita at doon ko naalala na wala nga pala ako sa bahay.

Napabangon ako bigla.

"Teka, dapat ikaw yung nagpapahinga hindi ako."

"It's okay. Nakapag pahinga na rin ako kanina pero nagising rin agad. Nagaalala talaga ako sa kalagayan ni Nash ngayon. Hanggang ngayon kasi wala pang tawag galing kay mama."

"Puntahan na natin sila ngayon." Sabi ko na kinatango naman ni Louie.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon