Chapter 58

380 10 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas ay naging busy na ako sa trabaho at si Louie naman ay busy sa pagaaral nito. Ayaw ko maisturbo siya kaya minsan na lang kami magkita. Actually, 3 days ko na nga hindi siya nakikita sa sobrang busy ko. Palagi kasi ako nasa duty. In 3 days ay hindi pa nga ako umuuwi sa bahay. Sunod-sunod ang shift ko.

"Hi, Mich." Lumingon ako sa bumati sa akin. Isa sa mga kasamahan ko rito sa ospital.

"Hi." Bati ko rin sa kanya.

"Alam kong busy tayo ngayon pero gusto sana kita yayain bukas."

Kumunot ang noo ko dito.

"Bakit? Ano meron bukas?"

"Birthday ko kasi. Lahat na katrabaho natin ay inimbitahan ko. Magsaya naman tayo pagkatapos ng sobrang haba ng duty natin."

"Pagiisipan ko pa kung makakasama ako." Ang balak ko rin kasi magpahinga bukas. Tatlong araw ako wala pang tulog at gusto ko bumawi ng tulog pagkauwi ko.

"Okay. Just inform me kung makakapunta ka. You know my number."

Pagkatapos ng duty ko ay napatingin ako sa phone ko. Niisa ay wala akong message galing kay Louie. Ganoon ba siya kabusy sa studies niya? Sabagay, kailangan talaga magaral ng mabuti dahil hindi biro ang tinuturo sa medisina. Kailangan mag-focus sa lessons pero alam kong mapapasa ni Louie ang lahat na iyon. Kahit ang board exam. Knowing Louie Aguilar ay isang matalinong nilalang.

Simulang nilibing ang kapatid niya ay tinupad niya ang pinangako niya sa akin na itutuloy niya ang pagiging doctor. Marami pa rin siyang matutulungang buhay ng tao pero wala akong sinabing hindi niya matutulungan ang mga tao kahit nurse pa lang ang tinapos niya.

Nakatayo rito sa sakayan ng jeep pauwi sa bahay. Malayo layo kasi ang ospital na pinagtatrabuan ko sa bahay at ayaw ko rin isturbuhin si papa para sunduin ako. Nang biglang may nagtakip sa mga mata ko. Imposible si Louie dahil tatlong araw na nga kami walang communication.

"Sino ito?" Tanong ko habang kinakapa ang braso nito. Hindi ganito ang braso ni Louie. Kahit matagal kami nagkahiwalay noon ay kabisado ko na. Kaso wala akong nakuhang sagot.

Pinilit kong inalis ang kamay nito at lumingon sa likod.

"Jayden!"

"Hi. Musta?"

"Busy sa trabaho. Ikaw?"

"Same. Since kausap na rin naman kita ay gusto sana kita yayain sa kasal ko."

"Ikakasal ka na?!" Hindi ako makapaniwalang ikakasal na si Jayden. "Wala ako maalalang may naging girlfriend ka pala."

"May girlfriend na ako bago pa kita nakilala. The reason why I joined the contest because of her. Before the contest start she broke up with me. Gusto ko nga mag-back out na pero may pumipigil sa akin na ituloy ko. And then, after the contest I met you. Pinipilit ko maging masaya habang kausap ka."

"I'm sorry."

"After 4 months ay pinuntahan niya ako sa bahay at humihingi ng second chance dahil mali ang ginawa niyang desisyon nakipag hiwalay sa akin. Hindi na ako nagpa liguy-ligoy dahil mahal ko pa rin siya kahit sinaktan niya ako."

"More important ay ikakasal na kayong dalawa." Masaya ako para kaibigan ko dahil nag-settle down na siya.

"Yeah. How about you? Kayo na ba noong mahal mo?"

"Not yet pero nang liligaw na siya sa akin. At saka 3 days na kami hindi nagkikita dahil pareho kami busy."

"Busy siya saan?" Alam kasi ni Jayden na nursing lang ang tinapos ni Louie at hindi pa ito tumuloy noon. Umalis kasi ito noon para magtrabaho sa Paris.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon