Chapter 22

398 15 2
                                    

Kinabukasan ay ang dami naming ginagawa dahil mas lalong dumaming customers ang dumalo sa classroom namin. Lahat kami ay busy sa cafe maliban kay Dante kasi may practice pa siya ng basketball para sa darating na laro. Napatingin ako noong may bagong dating. Si mr. Martinez. Kaya lumapit na si Faye sa table niya dahil siya lang ang wala ng customer na inaasikaso. Nakita ko rin ang pagpasok ni kuya Peter sa classroom namin. Sabagay magkaibigan sina mr. Martinez at kuya Peter o pwede rin si Faye ang nagyaya sa kuya niya.

"Mich." Lumingon ako noong may tumawag sa akin.

"Bakit?" Sagot ko sa kanya.

"Masyado kasing maraming ginagawa ang mga kaklase natin ngayon tapos busy pa si Faye. Kaya kung ayos lang ba sayo na samahan mo kami ni Eren sa grocery?" Sabi ni Nathalie sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Ayaw ko nga maging third wheel sa inyo."

"Anong third wheel pinagsasabi mo diyan? Wala naman kaming relasyon ni Eren."

"Kahit buwan pa lang tayo naging magkaibigan, Nath ay alam kong may something sa inyo ni Eren. Kilala ko si Eren simulang mga freshmen pa lang kami."

"Kaibigan ko lang yung tao at mabait naman siya kung nakilala niyo lang."

"Sige." Napakamot ako ng ulo. "May magagawa pa ba ako? Malalagot tayo kay Faye kapag umalis ang mga customers natin."

Pumunta na nga kaming tatlo sa malapit na grocery. Hindi na ako magtataka kung bakit napapalingon sa amin yung mga tao kasi naman nakasuot kami ng maid at butler.

"Nag away ba kayo ni Louie?" Napatingin ako kay Nathalie noong tanungin niya ako.

"Hindi naman. Bakit?"

Hindi naman talaga kami nag away. Naiinis lang ako sa ginawa niya sa akin kahapon. Ninakaw niya ang first kiss ko.

"Napapansin ko kasing iniiwasan mo siya bago pa nagsimula ang school festival natin."

Iniiwasan ko nga talaga siya dahil hindi pa ako handang humarap sa kanya pagkatapos niya ako i-reject tapos siya pa ang gumagawa ng dahilan para mas lalo ako mainis sa kanya.

"Ang totoo niyan... Umamin ako sa kanya noong birthday niya pero nireject lang niya ako."

"Bakit ka naman niya nireject?"

"Bata pa daw kami at mas priority niya ang pagaaral para makatulong siya sa mga magulang niya."

"Kung ganoon pala ay dapat hindi ka padalos sa ganoong bagay, Mich. Tama naman ang sinabi Louie na bata pa tayo at pagaaral na muna ang inaatupag natin. Makakapag hintay pa naman ang love life. Dadarating rin tayo diyan."

"Naiintindihan ko naman yun. Naiilang lang akong harapin siya ngayon pagkatapos nangyaring rejection. Kung para sa kanya ay wala lang yung nangyari noon pero sa akin big deal yun dahil siya ang first love ko tapos siya rin ang first heart break."

"Nath, wala rito yung ibang kailangan natin." Napalingon kami ni Nathalie noong nagsalita sa likuran namin si Eren. "Naghanap at nagtanong na rin ako pero out of stocked daw sila."

"Ganoon ba? Kung ano na lang ang available ay iyon ang bilihin natin."

Pumila na kami sa may cashier para bayaran na namin ang mga pinamili namin. Konti lang ito dahil wala yung ibang kailangan namin sa cafe.

"Wala na bang malapit na grocery rito?" Tanong ni Nathalie.

"Ito lang ang malapit na grocery sa school natin. Medyo malayo ang isang grocery rito dahil kailangan mo pang sumakay ng jeep papunta doon." Sagot ko sa kanya.

"Mapapamahal ang gastos natin kung pupunta pa tayo doon." Tumango ako kay Eren. Tama siya doon mapapamahal nga ang gastos namin tapos sa pamasahe pa.

"Kung wala na ba talaga tayo magagawa, eh."

Sa sobrang tagal ko ng kilala si Eren ay ngayon ko pa lang nakita ang good side niya at mukhang napaamo ni Nathalie ang isang Lion kagaya ni Eren. O baka may gusto si Eren kay Nathalie. Sige sila na magkakaroon ng love life. Pero susuportahan ko na lang sila kung saan sila masaya. Kaming dalawa na lang ni Angel ang wala pang love life.

Pagbalik namin ay lunch break na pala namin kaya sinara na muna namin ang classroom para makakain kaming lahat. Kailangan namin ng energy.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Angel sa amin noong pagkabalik namin sa classroom.

"Miss mo agad kami?" Nakangising sagot ko sa kanya.

"Baliw ka."

"Sa grocery lang kami pumunta. Kaming tatlo lang kasi ang available kanina." Sagot ni Nathalie.

"Gel, huwag ka na muna magkaroon ng love life ah."

"Bakit?"

"Alam mo naman si Faye nililigawan na siya ni Dante ngayon. Tapos itong si Nath in denial stage pa sa status nila Eren."

"Anong in denial stage? Wala naman akong aaminin sa inyo dahil kaibigan ko lang si Eren." Sabi ni Nathalie. Sus, halatang guilty.

"Ayos lang, Nath. Kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin." Sabi ni Angel na kinatango ko.

"Bago ko nga pala makalimutan sa fourth day ng event natin ay hindi ako makakapasok dahil may kailangan akong gawin sa bahay." Ani Nathalie

"Laro lang naman iyon ng basketball pero maganda sana kung papasok para suportahan natin ang team nina Dante at mr. Martinez."

"Susuportahan mo ang team ni Dante? Hindi ba galit ka sa kanya?" Takang tanong ni Angel. Everyone knows how I hate Dante before pero gagawin ko ito para kay Faye.

"Gagawin ko ito para kay Faye. Kung saan masaya ang kaibigan natin ay susuportahan ko. Basta huwag lang paiyakin ni Dante si Faye dahil daanan na muna siya sa akin."

"Naku, isama mo na ako diyan. Kayong tatlo ang naging kaibigan ko rito simulang lumipat ako ng school. Handa rin ako ipagtanggol ang mga kaibigan ko." Sabi ni Nathalie.

"Ako rin. Kung hindi kayo lumapit ni Faye sa akin noon ay siguradong wala akong kaibigan hanggang grumaduate ako ng high school."

Napangiti ako sa kanilang dalawa. Kapag narinig ni Faye iyan ay sigurado akong matutuwa yun. Noong mga bata pa lang kasi kami ay kaming dalawa ang palaging magkasama at wala kami naging kaibigan. Mabuti nga ay nakilala namin sina Angel at Nathalie.

Pero pagkagraduate namin ng high school ay sa US na magaaral si Faye ng college. Ngayon pa lang kami makakalayo ng matagal pero nangako siya na magbabakasyon siya rito sa Christmas.

"Dahil nabanggit ni Nath kanina sa fourth day ng event ay hindi ako sigurado kung makakapanood ako ng unang laro kasi may pupuntahan ako pero susubukan kong humabol." Sabi ni Angel.

Kung ganoon pala ay kaming dalawa lang ni Faye ang makakapanood ng laro sa araw na yun. Sino kaya ang unang lalaban?

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon