Pagkatapos ng morning class namin ay sabay-sabay na kaming apat sa canteen para hindi kami maubusan ng mauupuan doon. Alam naman nilang maraming estudyante. Bakit kaya hindi nila naisipan magdagdag ng table sa canteen?
"Wala ka bang date kay Eren ngayon, Nath?" Tanong ni Faye kay Nathalie.
"Huh? Bakit naman kami magkakaroon ng date? Wala naman kaming relasyon ni Eren at saka kaibigan ko lang siya. Marami ang tinulong niya sa akin noong school festival natin."
"Sus. Halata ka, girl. Alam kong may something kayong dalawa ni Eren kasi noong nakita ko kayo during bonfire dance party natin ay ang sweet niyong dalawa."
"Talaga? Kaya naman pala niyaya kang makipag sayaw kay Eren noong gabing iyon." Sabi ni Angel.
"At saka hindi na rin pumapasok sa gulo si Eren simulang dumating sa school natin si Nath." Dagdag ko pa. Matagal ko na rin naman yun napansin.
"So, may something nga kayong dalawa?"
"Well, wala pa naman pero sobrang sweet at caring niya sa akin. Noong isang araw ay inamin niyang may gusto siya sa akin at may balak rin mangligaw."
"Anong sinagot mo? Oo o hindi?" Sabay naming tatlo. Napaamo na nga talaga ni Nathalie ang isang Leon kagaya ni Eren. Lahat na estudyante rito ay takot sa kanya.
"Hindi pa ako sigurado. Alam naman nating lahat mayaman ang pamilya ni Eren habang ako naman ay mahirap. Langit siya, lupa naman ako."
"Wala naman sa pera iyan. Ang importante pareho kayo nagmamahalan. Kung mahal ka ni Eren ay handa siyang ipaglaban ka." Sabi ni Faye sa kanya kaya tumango kami ni Angel kay Faye.
Pagkarating namin sa canteen ay bumili na kami ng makakain namin at umupo na sa bakanteng table. Nagkatuwaan kami habang kumakain habang may narinig kami nagpapatugtog ng gitara. Kumunot ang noo ko dahil nasa 4th floor pa ang music room namin at sound proof yun kaya sa classroom nasa ibaba noon ay hindi maiisturbo ng mga taga music club.
Naririnig kong may kumakanta isa sa mga kanta ni Ed Sheeran.
Nakita ko si Dante ang kumakanta. Mukhang kinakantahan niya si Faye dahil pumupunta siya sa direksyon namin.
🎵you look so wonderful in your dress
I love your hair like that
The way it falls on the side of your neck
Down your shoulders and backNaririnig ko ang pagtili nila Angel at Nathalie. Ano ang tingin niyo sa akin? Hindi pa ako boto kay Dante, no. Hindi pa buo ang tiwala ko sa kanya hanggat hindi pa niya napapatunayan sa aming lahat na hindi niya papaiyakin si Faye.
Inaamin ko hindi lang sa basketball at babae magaling si Dante kahit sa kantahan.
🎵we are surrounded by all of these lies
And people who talk too much
You've got that kind of look in your eyes
As if no one knows anything but us🎵and should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need🎵i'm so in love, so in love
So in love, so in love🎵you look so beautiful in this light
Your silhouette over me
The way it brings out of blue in your eyes
Is the Tenerife seaNapapailing na lang ako pero nakita ko si Louie kasunod sa kanya. Ano ba maasahan ko sa lalaking iyon? Buntot naman talaga ni Dante si Louie.
🎵and all of the voice surrounding us here
They just fade out when you take a breath
Just say the word and I will disappear
Into the wilderness🎵and should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need🎵I'm so in love, so in love
So in love, so in love🎵Lumiere, darling
Lumiere over me
Lumiere, darling
Lumiere over me
Lumiere, darling
Lumiere over me🎵And should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need🎵I'm so in love, so in love
So in love, love, love, love,
So in love🎵You look so wonderful in your dress
I loved your hair like that
And in the moment I knew you, Beth"Anong pakulo ito, Dante?" Tanong ni Faye pagkatapos nitong kumanta.
"Since it's Valentine's day today. Ang gusto ko lang naman ay maging memorable sayo itong gagawin ko." May binigay pa siyang isang stem of rose kay Faye. "Alam kong hindi mo pa alam kung magagawang mahalin mo rin isang katulad ko, Faye pero gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka. Kahit ang mga araw na malungkot ka ay papasayahin pa rin kita dahil hindi ko kayang makita kang malungkot. Faye, mahal kita at alam mo iyon. Kahit anong mangyari ay ikaw lang talaga ang sineryoso ko ng ganito at handa ako maghintay hanggang maging handa ka."
Ano yun? Obvious na sanay talaga ang lalaking ito sa mga cheesy lines. Psh.
Tumingin ako sa paligid dahil may kababaihan na kinikilig sa ginawa ni Dante kay Faye pero may hindi naman maiiwasan na may kababaihan na masama ang tingin sa kaibigan ko. Subukan lang talaga nila saktan si Faye at papatikim ko sa kanila kung paano tumira sa impiyerno.
"Dante, ano kasi..." Huminga pa ng malalim si Faye bago pa niya itutuloy ang sasabihin niya. "Salamat sa effort mo. Naappreciate ko naman ang ginagawa mo ngayon para sa akin pero hindi mo naman kailangan gawin ito. Kahit simpleng bagay lang okay na sa akin basta nakikita kong seryoso ka talaga at saka ayaw ko yung titig ng mga kababaihan na may gusto sayo."
Ito ang ayaw ni Faye mangyari sa buhay niya. Ang may mang bully sa kanya. Tahimik lang ang buhay niya simulang umapak kami sa high school. Walang gulo o away dahil iyon ang ayaw ni Faye. Si Faye kasi yung tipo na hindi mo makikitang magalit. Hindi ko pa nakikitang magalit si Faye pero handa siyang protektahan ang mga kaibigan niya.
"Naiintindihan ko, Faye. Alam ko naman ayaw mo masira ko ang tahimik mong buhay lalo na maraming kababaihan ang magagalit sayo pero subukan lang nila saktan ka baka makalimutan kong babae sila at saktan ko lang sila." Kumurap ako dahil hindi ako gagawin talaga ni Dante yun para kay Faye.
"At saka ang babata pa natin. Talagang maghihintay ka pa ng apat na taon para lang sagutin kita. Kung sasagutin ba talaga kita."
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Genç Kız EdebiyatıSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...