Ilang buwan ang lumipas ay balik eskwela na ulit kami. Mas lalo magiging busy kami sa pagaaral dahil 4th year na kami ngayon at graduating na.
Hindi nga ako makapaniwalang 4th year na rin ako pero may apat na taon pa kami bago matapos sa pagaaral.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may naririnig akong may transferee daw at senior. Sana sa section namin yung transferee.
"Musta ang bakasyon niyo?" Tanong ni Nathalie. Habang wala pang teacher ay umuupo ako sa malapit sa mga kaibigan ko.
"Pumunta kami nina Dante, Louie at Mich sa Ocean Park dahil may apat na ticket ang papa ni Dante. Sayang din kung hindi gagamitin." Sagot ni Faye sa kanya.
"Yup, ang saya ng Ocean Park adventure naming apat. Para ngang may walking encyclopedia kaming kasama dahil ang daming alam ni Louie sa mga isda. Kayo naman ni Gel?"
Nakita kong nilapad ni Faye ang palad niya sa noo ni Nathalie kasi napansin ko ring namumula siya.
Ano kaya nangyari kay Nathalie?
"Wala ka naman lagnat. Baka naman labnat kaya ka namumula diyan." Panunukso ni Faye sa kanya. Alam na kasi namin lahat na may something sa kanila ni Eren.
"Niyaya kasi ako ni Eren pumunta sa beach with his parents. Masayang kasama ang parents niya at nagpapasalamat pa nga sa akin dahil ang laki daw pinagbago ni Eren simulang nakilala ako. Hindi na daw siya nagiging black sheep sa family nila at matagal tagal na rin yung huling suspension niya."
"Tapos? Ano sunod nangyari?" Excited akong malaman ang susunod na mangyari. Siguro nga noon ay ayaw ko kay Eren dahil sa ugali noon pero ang laki na nga ng pinagbago niya.
"Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo agad ito, sa totoo lang bago nangyari ang school festival natin ay tinanong ako ni Eren kung pwede daw ba siya mangligaw sa akin at pumayag naman ako. Habang nasa beach kaming dalawa ay sinagot ko na siya kaya official na ang relasyon naming dalawa."
"Congrats.." Sabay naming tatlo. Mukhang masaya naman si Nathalie kay Eren kaya masaya na rin ako para sa kanila. Subukan lang niya paiyakin si Nathalie ay ako ang makakalaban niya.
"Ikaw naman, Gel? Musta ang bakasyon?" Tanong ko.
"Bumalik kami sa Japan para doon magbakasyon ng Summer. Sayang nga, eh. Gusto ko pa naman bumalik doon kapag Spring para sa cherry blossoms."
Ang swerte talaga ni Angel dahil kahit kailan ay pwede siyang bumalik sa Japan. Pinangarap ko rin kasi pumunta doon tapos makita ang cherry blossoms.
"Game ba kayo? Balang araw ay punta tayong apat sa Japan. Hindi lang ako sure kung kailan pero bahala na.."
"Game." Sabay naming tatlo.
"Sabihan mo lang ako para makaipon ako ng pera pagpunta natin sa Japan." Sabi ni Nathalie.
"Hindi pa ngayon. Baka kapag may trabaho na tayong lahat para may sariling pera na tayo."
Nakita na namin pumasok sa loob ng classroom namin si ms. Morales kaya umayos na kami ng upo at tumahimik na buong classroom. Ganito kasi kaming lahat kapag may teacher na sa harapan unlike sa class F. Hirap na hirap na nga daw ang mga teacher sa kanila dahil wala naman daw nakikinig.
"Good morning, class." Bati ni ms. Morales sa amin.
"Good morning, ma'am." Bati naman namin sa kanya.
Nakita ko rin na may estudyante pumasok sa classroom namin. May itsura, nakasuot siya ng salamin, singkit at sa tingin ko ang height ay nasa 5'9 to 6 feet. Pwede nga siya maging basketball player dahil sobrang tangkad niya.
"Okay, introduce yourself." Sabi ni ms. Morales doon sa transferee.
"Gwapo niya." Mahinang tugon ni Angel. Mukhang nagkaroon na siya ng crush sa classroom
"Hi, everyone! My name is Nishan Matthew Mendoza but you can call me Shawn. Nice to meet you all." Nakangiting sabi niya habang pinapakilala ang sarili.
"You may sit next to--"
"Ma'am, pwede po bang doon na lang ako?" Napatingin ako kay Angel dahil pinipigilan lang niya ang hindi tumili. Sobrang kilig dahil doon sa tabi niya gustong tumabi ng transferee.
"Sige, doon ka na lang umupo."
Pumunta na nga si Shawn sa tabi ni Angel at nilagay na niya ang kanyang bag sa tabi.
"Hello, ladies. I'm Shawn." Pakilala niya sa amin.
"I'm Angel. Sila naman ang mga kaibigan ko sina Faye, Mich at Nath." Pakilala ni Angel sa amin dahil magkakatabi naman kaming apat na upuan.
Interview time sa transferee habang wala pa yung kapalit si mr. Martinez pero boring naman kung magturo. Paanong boring? Wala kasi ako maintindihan sa kanya kahit inexplain na niya at wala na masyado nagrecitation sa harap.
"Hi, Shawn. Saan ka galing?"
"Galing ako sa Cebu. Doon ako nagaral hanggang 3rd year high school pero lumipat ang pamilya ko dito sa Manila."
Whoa. Galing pala siya sa Cebu tapos sa dami ng paaralan sa Manila ay dito pa talaga siya nagenroll.
"Dahil wala pa akong kilala dito, pwede niyo bang i-tour ako dito sa campus pagkatapos ng klase natin?"
"Oo naman. Kung gusto mo pakilala ka namin sa mga boys na kaibigan rin namin mamaya." Sagot ni Angel.
Napansin kong tahimik si Faye ngayon siguro iniisip niya wala pa si Dante pero nandito na si Louie. May something rin siguro nangyari sa kanila ni Dante noong Summer.
"Sure, para naman marami akong kilala dito."
Dumating na ang matandang teacher namin sa English kaya umayos na kami ng upo dahil ayaw niya ng maingay sa klase, ang gusto niya focus sa lesson. Bawal nga din ang cellphone.
Sa daming teacher sa school na ito. Bakit siya pa yung naging kapalit ni mr. Martinez? Sobrang boring niya magturo. Kung pwede nga lang magreklamo ay matagal na namin ginawa.
Sana ay hindi na lang umalis si mr. Martinez para siya pa rin ang teacher namin sa English at mas naeenjoy pa namin ang turo niya sa subject na ito.
Wala na tayo magagawa doon dahil tanggap si mr. Martinez sa Japan para doon magtrabaho.
Teka nga lang. Ngayon ko lang naalala na first day pa lang ngayon kaya pwede hindi na muna magturo ang mga teacher. Pero bakit itong teacher namin sa English ay nagtuturo na agad? Excited lang? May lakad siguro kaya gusto magturo na agad.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
أدب نسائيSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...