Nakarinig ako ng sobrang lakas na katok at sa pagbukas ko nun ay ang galit na mukha ni Mom.
Here we go again.
Nakatayo ako sa harap ng mga magulang ko. Nasa upuan naman si Ate Shane Habang nag-aalalang nakatinhin sa akin.
Naipinta sa mukha ng mga magulang ko ang frustrasyon, inis at pagkadismaya.
"Kailan ka ba matututo ha?" ito ang problema sa totoong mundo eh. Lahat na nga ginagawa mo pero para sa mga magulang mo lahat ay hindi pa rin sapat. "Your sister is a valedictorian, Summa cum laude at ikaw hanggang 1st honorable mention lang? Anak ba talaga kita?"
Napakagat ako ng labi ko. My mom is a Stanford Summa cum laude si Daddy naman Summa cum laude sa UST. Ganun ang totoo kong mundo. Nananatili ako sa anino ng mga magulang ko at sa ate ko. Wala eh, matalino sila ako average lang nang IQ.
Imbes na pakinggan ko pa ang sermon nila ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nagkulong. Sumalampak ako ng higa sa kama ko saka nagsuot ng earphones. Kahit ilang beses kase akong mag-explain, di nila ako pakikinggan. Why? Kase nga matalino sila.
Akala kase nila lahat ay kaya ko. Akala nila hindi ako napapagod.
I spent my whole life being their shadow.
Nakakapagod na din.
Isang mali ko lang ay pupunahin na ako ng lahat.
Bakit?
Kase isa akong Bautista.
At kilala kami sa pagiging matalinong tao.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at sigurado ako sa kung sino ang pumasok.
I can smell her scent.
And here she goes again.
"Hey Shan are you okay?" at heto na ang paborito nilang anak. "Don't worry Shan. Magiging proud din sila sayo"
Kailan?
Bumangon ako sa pagkakahiga saka pinakatitigan ang ate ko. Paano ko sila magagawang maging proud sa'kin kung average lang ang IQ ko at di katulad sa kanila?
"Ate Shane you don't understand how I feel because you're smart not like me who have an average IQ" napabuntong hininga ako saka umupo sa study table ko. "Hindi naman kase laging pamilyang Bautista ang mangunguna sa mga pipiliin nilang university eh"
"I agree with you Shan. Our parents are like that because they have so high expectations na di natin kayang abutin" napatingin ako sa kaniya. "Hindi lang ikaw ang average ang IQ Shan. Ako rin"
"What do you mean" tumayo ako saka hinarap siya. "Ate Summa cum laude ka sa UP tapos sasabihin mo ngayong average lang ang IQ mo? Are you enjoying having a trick with me?"
"No Shan. You don't understand" bumuntong hininga siya saka pinakatitigan ako sa mukha. "In my 2nd year in secondary may tatlong grading na hindi ako ang nanguna. Mom and Dad was so disappointed to me. Nag-aaral naman ako nun eh. Araw at gabi. Puyatan pa nga pero hindi yun naging sapat. Doon ko napatunayan na hindi dahil sa Bautista ako ay sobrang talino ko na. Hindi ko na kinaya nun Shan so nagresearch ako kung paano magcheat at dun ko nahanap sa internet ang Cheater's Class"
"Wait are you saying...that...that you cheated?!" tumango siya. "Alam ba nina Mom at Dad 'to"
"No. If you want to make them proud, samahan mo ako mamayang gabi. Pupunta ako doon dahil sa marami ang sumasali at kailangan ng mga extrang magtuturo. Mag-enroll ka na para makapagsimula ka na"
Kaya ko bang pumasok sa alam kung hindi mabuti ng Lugar?
Kailangan ko NGA bang matuto na mandaya para manguna?
Pagsapi't ng alas dyes ng gabi ay tulog na sina Mom at Dad. Lumabas ako ng bahay at dumaan ako sa bintana. Nakita ko naman ang Ate Shane na lumabas sa back door.
Wala lang kaming imikan ni Ate. Basta lang akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa napakabahong tunnel. Maraminh damo at lumong na makikita sa tuwing natatamaan ng ilaw ng mga sasakyan.
Sa gitna ng tunnel may hidden door doon pinihit yun ni Ate Shan saka naman niya ako hinila.
"He's my brother" ani Ate Shane ng dambahan kami ng isang lalaki na matikas ang katawan. "Magsimula na tayo" pinaupo ako ni Ate Shane sa kulay dilaw na upuan. At tumungo naman siya sa kung saan. Maramirami rin kami doon.
Nakita ko si Ate na nasa unahang ng mga nasa asul na silya. Bigla naming may harang na naghiwalay sa amin sa iba pa kaya di ko na nakita si Ate. Tumingin ako sa unahan ko at base sa itsura niya mukhang fresh graduate lang siya.
"I am Justine Mae Saberon your teacher in your first stage here in Cheater's Class. Gusto ko lang malaman niyo na may mga patakaran na kailangan niyong sunduin. You can be in C Class until you are worth to make it on the second stage. The blue ones" nagtaas ako ng kamay napatingin naman siya sa akin. "Yes?"
"Why do you have to teach us how to cheat?"
"Because you needed it and your parents are demanding for you to have high grades" ngumiti siya sa akin. "May iisa kayong layunin at yun ay maging proud sainyo ang mga magulang niyo" biglang sumeryoso ang mukha niya. "This is cheating Class and when you get caught, pray for your life"
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Ficción General[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...