Chapter 24

11 2 0
                                    

I drunk all night. Waiting for her. Waiting for her to came back. I cry all night. I nearly killed myself. I nearly commit suicide.

Bakit lagi nalang ganito?

Bakit lagi akong iniiwan?

Kailan ba ako magiging sapat?

Ano bang nagawa ko para lagi akong iwan?

I was plain innocent pero noong niloko ako, I've changed, for the better.

Ano bang gagawin ko?

I want her back.

She have reasons.

Ramdam kong may rason siya kung bat siya umalis ng walang pa alam.

Pero bakit hindi manlang niya sabihin?

Kahit ano pa yan, tatanggapin ko. Kahit sabihin niyang hindi na ako ang mahal niya. Kahit sabihin niya na may mahal na akong iba. Kahit na sabihin niya na magpapakalayo muna ako.

I will give her space.

Kahit anong mangyare hihintayin ko siya.

Pero bakit ganito? 

Bakit kailangan maging ganito??

Bakit kailangang iwan nalang ako tapos babalikan nalang bigla na para bang wala lang? Na para bang hindi ako sinaktan?

I'm not a robot to feel nothing.

At alam mo kung anong masakit?

Yung hindi ka makapag-open up sa iba mong kaibigan kase ang alam nila, wala kami. Ang alam nila pagpapanggap lang ang lahat.

Tumayo ako kahit na umiikot ang paningin ko. Bumaba ako at nakita ko sina Mom at Dad pero nilagpasan ko lang sila. Uminom ako ng advil saka ako naligo.

Kailangan ko pa rin magtraining.

Si Claire lang ang may alam na totoo ang lahat. Na totoo na kami. Na mahal namin ang isa't isa.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Sakto namang narinig ko ang busina ng kotse ni Sieg sa labas.

"Mom, Dad alis na po kami..." ngumiti ako sa kanila.

"Hindi ka ba kakain muna?" di ko pinansin ang tanong ni Ate Shane basta nalang ako lumabas.

"You look like a mess dude" natawa nalang ako sa sinabi ni Sieg saka sumakay sa kotse niya. "I have a good news for you"

"What is it?" nagsimula ng umandar ang kotse at ako naman ay nagtitipa sa cellphone ko.

"Isa pala ang firm ng Mommy ko na gusto kang makuha. So are you going to accept it?" tiningnan ko si Sieg at tinaaan ng kilay. "If you did your very best. You will have that firm at ikaw na mismo ang mamahala nun. My mommy don't need it anyway at wala akong hilig sa ganun. So take it or leave it? It's a huge firm after all"

"Fine. Tell your Mom I'm in. I'm more than willing because her son is about to blackmail me..." nginisian ko siya. "So ano palang i-ti-train niyo ngayon? Boxing ako kayo?"

"May sparing kami ni Claire" ani Beth. Nginitian ko siya saka tumango. "Ikaw ba Siegy?"

"Stop calling me Siegy. It's creepy..." napangiwi nalang si Sieg kaya napailing iling ako at ibinalik ang tingin ko sa cellphone na hawak ko. "Shooting ako ngayon"

"I can't wait para maging shooting na din ako..." aniya Beth.

Sa aming tatlo, si Sieg ang unang napunta sa shooting dahil nga tapos na siya sa training sa hand combat.

Pagkatapos naman ng hand combat, sa emotions naman kami. We have to handle our emotions kung hindi talo kami.

Then pagkatapos nun ay shooting na agad. Probably, using swords, shooting at throwing knives and training namin.

Lastly, the on field. Makikipaglaban kami ng patayan at kailangan din dun ang bilis namin.

Patayan kung patayan.

Wala na kaming pakialam.

Napangiti nalang ako, bumaba na ako sa kotse ni Sieg. Sabay sabay kami pumasok sa CMATC.

Hindi na kami nagulat ng bigla ng bigla nalang may umatake sa amin. Ngumisi lang ako saka maingat na inilapag ang bottled water na dala ko.

Sumugod kami. Sinipa ko ang lalaking mukhang naka drugs. Saka tumalon ako't siniko ang ulo niya. Ngumisi akong tumungtong sa balikat ng lalaki saka tumalon at nagpakawala ng round kick.

Napangiti ako ng makitang hindi manlang ngumalaw ang bottled water ko. Tumingin ako sa mga kasamahan ko.

"Gosh papatayin niyo ata mga tauhan ko.." napangiti kaming lumingon kay Claire. "What a great good morning guys"

"Sorry Claire..." anang Beth sabay yakap kay Sieg. "Ready for training na kami"

"Fine. But please wag niyo namang papatayin ang mga tauhan ko. Baka gilitan ako ng buhay ng mga magulang ko..." natawa nalang kami sa sinabi ni Claire.

Naglakad na kami papunta sa secret training center ni Claire. Well wala rin lang kaming pakealam as long as tinitulungan niya kami.

Halos wala na kaming pakialam sa paligid habang nagti-training. Si Beth nakikipag sparing kay Claire. Si Sieg naman nag eenjoy patayin ang mga ipis na pinakalat ni Claire.

Ngumiti ako saka nagsimulang makipagboxing. Nginingisian ko lang ang kalaban ko bago siya sumugod sa akin.

Nagpakawala ang kalaban ko ng hook, job at uppercut pero lagi ko yung naiiwasan.

Nang mapagod siya nginisian ko na naman siya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya.

Agad kong itinaas ang kamay ko para dumepensa at agad na tumakbo patungo sa kalaban ko. I gave him a hook. Sinikmurahan ko siya. Gamit ang malalakas na suntok, sinisira ko ang depensa niya. Ngumisi ako saka ibinaba ko ang depensa ko. Bumuntong hininga ako saka nagpaulan ulit ng suntok, sa pagkakataong ito, nasira ko ang depensa niya at doon ako nagpakawala ng malakas na hook na nagpabagsak sa kalaban.

Lumapit naman sina Claire sa amin. Nang tingnan ni Claire ang lagay ng lalaki napangiwi ako kase tiningnan niya ako ng masama.

"Tangina naman Shan alam mo naman na, sobrang lakas mo at ang laki pa ng katawan mo tapos binirahan mo pa ng suntok ang tauhan ko..." napakamot ako ng batok. "Did you know how many you beat up today?" umiling ako. "It's 33 at 25 sa kanila unconscious ngayon, hindi pa kasama ang kaninang pagdating niyo"

"Alam mo naman na yan eh. Hindi lang matalino, mabilis, malakas at matikas pa. Dati lang binubully natin siyang patpatin" natawa nalang ako.

Napuno ng tawanan ang buong Training Center hanggang sa napatigil ako ng maramdamang nagvibrate ang cellphone ko. Agad akong kinuha ang cellphone ko.

Nawala ang ngiti ko ng makitang may unknown number na nagtext sa akin.

Binuksan ko yun.

'Wag mong pagkakatiwalaan ang mga taong nakapaligid sayo'

Yun ang sabi ng nagtext sa akin. Napakunot ang noo ko.

Who the fuck is this?!

I'm sure it's not Claire.

Napatingin ako bigla sa mga kaibigan ko.

Kung sino man 'to, sinisira niya lang kami.

Sana totoo ang pinaniniwalaan ko.

I hope I would not regret this.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon