Epilogue

19 3 2
                                        

16 years later

Habang nasa loob ako ng classroom ng C Class ay napapangiti ako tuwing naaalala ko yung mga panahong nasa college pa kami.

We all started in Cheater's Class and we end up here again in Cheater's Class.

Hindi para makaalam na mandaya kundi para ipahayag sa kanila kung bakit ba talaga ginagawa ang Cheater's Class.

"Students ang C Class ay hindi nakafocus para turuan kayo ng panggagaya at pandaraya" panimula ko. May isang bata namang nagtaas ng kamay.

Ang anak ni Emily at Bonham.

"Yes Ethan Bruce?" napangiwi naman si Ethan. Ayaw na ayaw kase niya na tinatawag na Ethan Bruce. May gugustuhin pa daw niyang Ethan lang.

"Don't call me like that Ninong!" nailing nalang ako. "Kung hindi po Teacher Shan Bautista ang pandaraya ang sentro ng C Class, eh ano po?"

"Ang C Class ay binuo ng Uncle mo na si Emilio Alonzo na nakakatandang kapatid ng iyong ina. Ayon kay Head, ang C Class ay binuo para sa mga anak ng pamilyang nakabilang sa Rivals Family para matuwid ang landas nila at hindi tahakin ang magulong mundo ng Rivals Family. Ang C Class ay nabuo para buuin ang pagkatao niyong lahat" ngumiti ako sa kanila. "Sa C Class matatagpuan niyo ang mga totoo niyong maaasahan at hindi kayo iiwan"

"Eh bat yung anak niyo iniwan ako?" napangiwi naman ako sa sinabi ni Ethan.

"Wag mong guluhin ang kapatid ko Ethan! Ang panget mo kase kaya iniwan ka at isa pa hindi naman kayo!" nailing nalang ako nang magbangayan na naman si Shannon na anak kong lalaki at si Ethan.

Naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Class dismiss" it was Emily. Bumalin ako sa kaniya. "Mukhang kahit hindi tayo ang nagkatuluyan eh yung mga anak natin ang magpapatuloy" natawa nalang ako.

"Ethan stop it!" awat ni Geneva na anak nina Quart at G.

"Hindi ata nagpapapigil ang anak ko" natatawang ani ni Quart.

"What the fuck?! Nag-aaral ako dito, can't you see?! Ang lalandi niyo!" ani Bianca Samantha. Halata namang anak siya nina Sieg at Beth.

"Did our daughter just said 'what the fuck'?" ani Beth na naiiling.

"What a book worm" naiiling na ani Sieg.

"Mana sayo bro" ani Quart.

At dahil pikon si Sieg, naghabulan ang dalawa sa loob ng class room.

Napangiti naman ako ng may yumakap sa paa ko.

It was my daughter.

"Victoria Ssyric! Get off on your father's foot!" ani Vicky.

"It's fine. Do you need anything baby?" ani ko saka kinarga ang 14 years old kong anak. "Ang bigat bigat mo"

It's funny that I can still carry my daughter.

"Daddy put me down. I'm big na" nailing nalang ako at binaba si Ssyric. "Tito Bonham can you please make your son stop flirting with me. It's gross. Super" umirap si Ssyric at umalis nalang bigla, sumunod naman sa kaniya si Samantha.

At nang mapagod din si Geneva sa kakaawat sa dalawa ay basta nalang siya umalis at sumunod kina Ssyric.

"Tito..." natingin naman ako doon.

Si Sunday lang pala.

Si Sunday at anak ni Ate Shane.

And Sunday is a boy.

"Sabi ni Mommy sa bahay daw kayo maghapunan. Isama niyo na rin ang mga gagong yan!" walang ekspresyon ang mukha ni Sunday ng ituro niya sina Ethan na todo bangayan pa rin. "Aalis na po ako. Yun lang po ang pinapasabi ni Mommy"

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon