Kahit pilit akong pinapapakalma nina Sieg, Beth at Quart sa bar ay hindi ako nagpapigil. Alam nilang gustong gusto Kong malaman ang totoo but they always say, na hindi pa tama ang panahon. Pero kahit anong sabihin nila ay hindi ako nakinig.kung anong gusto ko ay siya ng gagawin ko.
And my desisyon is to go home and ask my sister about this shitness.
Marami siya ng itinago at ngayon kailangan ko yun malaman.
Bakit kami nakapasok sa C Class kung hindi kami kabilang sa Rivals?
Pinaharurot ko ang kotse ko papuntang bahay. Nakita ko sina Mom at Dad na nag-uusap sa sala.
"Mom asan si Ate Shane?" ani ko. "Tell me"
"Easy lang anak. Wala pa si Ate Shane mo. Mamaya pa yun uuwi. Kumain ka na muna" my eyes soften when I saw how my Mom look at me. "Are you okay? May problema ba sa firm mo?"
"Wala ho Mom. Kumain na po tayo" it's been years since maging ganito kami. Lagi kaseng busy si Mom at Dad. Pati na rin kami ni Ate Shane. Madalas walang tao dito, depende nalang sa oras.
Habang kumakain kami nina Mom at Dad hindi ko maiwasang mapatingin sa orasan na nakaharap lang sa kinauupuan ko, 8 pm na, siguradong parating na si Ate Shane.
Kakayanin ko kaya ang mga malalaman ko?
Hindi ko alam kung saan ako pupulutin pagkatapos nito.
I just want to know.
Baka paglaman ko maintindihan ko sina Emily.
But I want to know kung paano.
Gusto kong malaman kung mapagkakatiwalaan ko ba talaga si Emily o hindi.
Paano nakapasok sa C Class ang katulad namin ni Ate Shane na di kabilang sa Rivals Family?
Sino ba ang Emilio Alonzo na yan?
Konektado ba siya sa amin ni ate?
Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng tatlong beer sa loob ng ref saka pumunta sa kwarto ko.
Narinig kong nagring ang phone ko kaya agad ko yung sinagot. Isang unregister number, pero hindi naman 'to yung nananakot sa akin. Sinagot ko ang tawag.
"Hello, Shan Bautista speaking. Who's this?" napuno ng katahimikan ang lahat. "Hello? Are you still there?" akmang papatayin ko yun nang bigla may magsalita.
[Shan.....]
Napaawang ang labi ko ng makilala ang bosses. Napuno ng kasiyahan ang sistema ko kahit na dapat ay nagtataka ako.
It's Vicky.
"Vicky?" saglit akong natigilan, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. "How are you? Namiss kita"
[I'm fine. Namiss din kita]
"Bat ka pala napatawag?" ngiting ngiti ako habang kausap siya.
[Bawal bang tawagan ko ang kaibigan ko?]
Napawi ang ngiti sa labi ko.
"Friend?" napatawa ako ng mapit. "I'm your fucking boyfriend!"
[Wag mo akong sinisigawan! Oo iniwan kita at kasalanan ko yun! Hindi ako nakipaghiwalay sayo Shan, kase akala ko hihintayin mo ako]
"Hinintay naman kita ah. Hinintay naman kitang bumalik!" hindi ko napigilang sumigaw.
[Naghintay ka? And you fucking have sex with many girls. Kilala kita Shan pero nung gabing sosorpresahin sana kita dahil nakabalik na ako, but you are having sex with someone. Alam mo ba kung kanino ang bar na yun? Sa ate ako yun na namatay, pero ako na ang nagpapatakbo. Nagtiis ako sa England and i know nagtiis ka rin. Lagi kitang sinusubaybayan but still it's my fault and I'm sorry kung kailangang humantong tayo sa ganito]
"I'm so sorry Vicky. Mag-usap naman tayo. Ayusin natin ang sa ating dalawa" I begged.
[Pakisabi kina Sieg at Beth na magkita tayo sa café na pag aari namin. Sa Floral café. Goodbye Shan] I heard she sobbed.
Napatawa ako ng mapait ng patayin niya ang tawag. Fuck! Ininom ko ang beer na andoon hanggang sa maubos na yun.
Sinuntok ko ang pader ng sobrang lakas.
Naiinis ako sa sarili ko.
Hindi manlang ako nakahingi ng tawad kay Vicky dahil sa pagsigaw ko sa kaniya.
Nag sorry nga ako ngunit para saan?
Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Sieg na agad namang sumagot.
[Hello bro. Nakausap mo na si Ate Shane? ]
"Not yet pero may iba akong sasabihin" pinulot ko ang bote ng beer saka itinayo iyun.
[Ano yun bro?]
"Tumawag kanina si Vicky" saglit akong natigilan. "Sabihan mo si Beth na bukas pupunta tayo sa Floral Café, yun ang sabi ni Vicky. Magkita kita raw tayo at mag-usap usap"
[Talaga? Great. Sasabihan ko na siya. Yun lang ba bro?]
"Yes" hindi na ako nagulat ng patayan ako ni Sieg.
Natatawang tinapon ko ang cellphone ko sa kama.
"Gusto mo raw akong makausap?" napqtigil ako at napatingin sa pinto. "Anong gusto mong pag-usapan?"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Sino si Emilio Alonzo sa buhay natin? Or should I ask, sa buhay mo?" tiningnan ko si Ate, mukhang hindi naman siya nagulat.
"Emilio Alonzo, siya ang namatay na kapatid ni Emily. Na lalaking unang nagpatibok sa puso ko and gave his everything to me" napatulala ako. "He's my ex boyfriend"
"Ex? Eh bat wala ka namang nasabi tungkol doon?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Because you don't have to know about it pero ngayon nagtatanong ka na wala na akong dapat na ilihim pa" ngumiti siya sa akin.
"Paanong nakapasok tayo sa C Clas kahit na hindi tayo kabilang sa Rivals Family?" tiningnan ko si Ate Shane ng mata sa mata.
"Dahil kina Emilio at Emily. Si Emilio ang gumawa ng C Class. Nakapaloob nun ang tagapagmana at ibang namamahala sa pamilya nila. Ang mga nasa loob ng C Class ay kabilang sa Rivals Family pero sila ang mga taong hindi sang ayon sa gusto ng Rivals Family. Sila ang mga sumasalungat" aniya Ate Shane.
Si Quart kaya? Kabilang ba siya sa mga salunggat sa Rivals? Ni hindi ko siya nakita noon sa C Class.
"Sumasalungat? Gaya ng sinabi sa akin nina Sieg?" tumango si Ate Shane. "Pero bakit kailangang may C Class pa?"
"Ang C Class ay may hidden agenda. Ang mga kabilang sa Rivals Family ay nagpaplanong tumaliwas pero di nila yun magagawa dahil masyadong malaki ang bilang ng mga sumasang ayon sa Rivals Family. Yun ang dahilan kaya merong C Class" kumunot ang noo ko. "Oo nga't pandaraya ang tinuturo nila pero ginagwa nila yun para matulungan ang ibang kabilang sa Rivals Family. Ang mga wala naman sa C Class na kabilang sa Rivals ay tinuturing na kalaban ng C Class students"
Hindi ako makapagsalita dahil sa mga nalaman ko. Hindi sina Emily ang kalaban ko. Hindi ang mga nasa loob ng C Class. Pero paano ako magtitiwala?
Dapat bang aminin ko sa sarili ko na di namin kalaban si Emily?
Pero si Emily lang ang lead namin sa sniper na yun?
Ngayon mas naging malaking palaisipan kung sino ba ang sniper na yun at ano ang kailangan niya.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Algemene fictie[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...
