Chapter 12

14 2 0
                                        

Nagising ako dahil sa maramdaman ko ang malamig na sahig. Napamulat ako bigla. Andun pa rin ako sa balkonahe.

I'm not thinking of myself tumayo agad ako kahit na masakit pa ang ulo ko dahil sa pagkabagsak at ang batok ko. Tumakbo ako sa loob at nakita kong may tama ng baril si Sieg sa paa. Si Vicky naman nakabulagta sa sahig at si Beth nakagapos sa upuan at nakatakip pa ang bibig.

Inuna kong alisin ang gapos at takip sa bibig ni Beth, saka ko nilapitan si vicky at ginising. Pagkagising niya niyakap niya agad ako pero kumalas agad ako at tsaka tiningnan ang kalagayan ni Sieg.

"Bro, are you fine?" tiningnan ko ang bintin niyang may daplis ng bala. "Nakita mo ba si Emily?" umiling siya sa akin.

"I already called 911 and they're coming malapit naman na sila" lumapit sa akin si Beth, at si Vicky pinipilit pa ang sarili niyang maglakad ng tuwid.

Inakay ko si Sieg pero napapadaing siya kaya di ko na muna siya ginalaw. Tumakbo ako sa buong bahay pero hindi ko nakita si Emily. Sa mga kwarto, sa CR, sa garahe, sa garden, sa balkonahe at mas lalong wala siya sa dining area.

There's no trace of Emily.

Napakuyom nalang ako ng maalala ang nakamask.

If only I'm not that weak.

Natigilan ako at bumalik sa kinaroroonan nina Sieg ng marinig ko ang tunog ng ambulansya. Pagdating ng mga rescuer ay maingat nilang inihiga si Sieg sa stretcher. Ipinasok nila si Sieg sa loob ng ambulansya, sumunod naman sina Beth at Vicky, kinuha ko muna ang cellphone ko bago ako sumunod sa kanila sa loob ng ambulansya.

On our way to the hospital, panay ang tawag ko kay Emily. I want to know if she's okay. Well I know she's not. Gusto kong malaman kung asan siya at kung ano ang kalagayan niya. Kung asan man siya willing akong puntahan siya at willing akong iligtas siya, kase sobrang halaga niya sa akin. Sa maikling panahon pinahalagahan ko siya at sa maikling panahon ginusto kong magsikap di lang para sa mga magulang ko kundi para na rin sa kaniya.

I want to show, and to slap that Eduardo in the face, gusto kong isampal sa kaniya na,

Di man ako mayaman, pero may talino akong ipagyayabang.

Pagdating namin sa hospital inasikaso na agad nila si Sieg, kami naman ay naghintay sa waiting area. Hinihintay din namin ang pagdating ng Lola ni Sieg kase ito ang nag-aalaga sa kaniya dahil may business trip ang mga magulang niya sa Jordan. Pagdating ng Lola niya agad siyang niyakap nina Beth at Vicky. Close sila sa mga magulang o nag-aalaga kay Sieg pero akoo hindi. Umiiyak ang Lola niya, at inaalo nila ang Lola ni Sieg.

Napaisip ako bigla. Sino kaya ang umaalo kay Mom at Dad habang nakikita ang kalagayan ni Ate ngayon? I wish I was there. Sana meron ding nagpapagaan ng loob nila

Lumabas ang doctor at sinabing ayos lang naman si Sieg. Ginamot lang ang daplis ng bala sa kaniya, mabuti hindi yun ganun kalala.

Inilipat sa private room si Sieg, kahit na daplis lang yun, masyadong overprotective ang Lola niya kaya ayon pinapagalitan si Sieg. Napapatawa nalang ako at naiiling. Lumabas muna ko ng kwarto niya saka umupo sa upuang nasa labas, lumabas naman si Vicky saka tumabi sa akin.

"Who did this to us?" napakuyom ang kamao ko. "Asan na si Emily? Saan nila dinala si Emily?"

Hinawakan ni Vicky ang kamay ko na nakakuyom. Pinapagaan niya ang loob ko pero di ko kayang kumalma. Gusto kong iligtas si Emily kung saan mang lupalop siya naroroon.

"Everything will be fine..." mgumiti siya sa akin sa inihandig ang ulo ko sa balikat niya. "Maybe she's not here to say those words but don't worry Shan, I'll be here, for you"

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon