Pagpasok palang naming magkakaibigan sa ADMU, ay pinagtitinginan na kami. Sina Beth, Vicky at Sieg ay nakangiti lang na para bang hindi sila na we-werduhan. Pagpasok naman namin sa isang klase namin na kami lang ni Vicky ang magkasama halos batiin kami ng lahat.
Ano bang nangyayare?
Gusto ko mang tanungin si Sieg kung anong ganap pero parang wala naman akong makakalap na maganda sa lalaking 'to.
Pumunta kaming apat sa cafeteria at salamat konti nalang ang nakatingin sa amin. Ngumingiti lang sina Sieg kaya napangiwi ako.
Ang mga gagong' to. Pustahan may mga ginawa 'tong kagagohan.
"Ano ba talagang nangyayare?" kumibit balikat sila. "Ako ba talaga pinagloloko niyo?"
"Just enjoy baby.." napaigtad ako sa sinabi ni Vicky saka tumabi siya sa akin. Kinuha niya ang phone niya saka kumuha ng litrato kahit hindi pa ako nakangiti. "You look cute in here" sinamaan ko siya ng tingin.
Pinagtitripan talaga ata nila akong tatlo. Nakakapikon ah.
"Magsalita nga kayo o hindi ko na kayo papabalikin sa bahay namin!" mukhang napatigil sila dahil dun.
Syempre gusto nila sa bahay kase libre pagkain. Mga buraot pa naman sila.
Dali dali nilang inilabas ang phone nila saka binigay sa akin. Nang makita ko yun para gusto kong sakalin si Vicky.
"So ito ang binabalak mo kagabi?" tumango siya habang nagpipigil ng tawa. "Why?" alam ko namang may matino siyang isasagot sa akin eh.
"Let's see. Alam kong may sasabog mamaya sa C Class, don't worry kami ang bahala nina Beth at Sieg but for now be my boyfriend" ngumiti siya saka hinalikan ako sa pisnge.
Pinakatitigan ko ang phone niya at napabuntong hininga nalang.
'Vicky Michaela Aguinaldo is in a relationship with Shan Bautista'
Sino hindi pagtitinginan, kung ang sikat na si Vicky ay boyfriend ang isa sa mga nakikipag-agawan kina Sieg at Beth ng pagka Summa cum laude.
Tiningnan ko ang post ni Vicky sa twitter at IG niya gamit ang phone ni Sieg and as expected andun ang picture ko with her, she was kissing my cheek.
Naiiling nalang ako.
Pagbalik namin sa mga klase namin di na ako nagulat na puro sila nakatingin sa amin. Lalo na pagkami lang ni Vicky ang magkasama.
Sa post mismo ni Vicky sa Twitter, tinatawag kaming 'Precious Couple' at sina Sieg at Beth na 'Smartest Couple'.
Wala naman akong magagawa kase may sarili ring planong ginawa si Vicky.
Pagkatapos ng klase namin sa bahay na naman nagkampo ang mga loko-loko. Sanay naman na sina Ate Shane at ang mga magulang ko eh. Ikaw ba naman eh araw arawin ata nila ang papunta at pagtulog dito sa bahay. Sa quest room na naman sila tutuloy o kaya naman basta nalang sila matutulog sa kwarto ko kahit na sa carpet lang.
Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kwarto ko para mag-usap usap. Nakaupo si Sieg habang nakaakbay kay Beth. Nakaupo naman ako sa kama ko habang si Vicky nakahiga sa legs ko.
"So what's the plan?" wala lang akong imik habang nakikinig sa usapan nila. Hindi naman ako kasali sa C Class eh. "Vicky ikaw na magpaliwanag"
"Well, dahil nga sa nalaman ko na totoo ang luha ni Eily at itong si Shan walang pakialam, I plan to ruin her piece by piece..." ngumiti siya saka umupo sa tabi ko. "Kung mangyare man ang inaasahan ko mamaya, malamang sa malamang may nararamdaman si Emily kay Shan and if not well, not so quick. Ako ang gagawa ng paraan para magkaroon"
So she's planning to know if she can hurt her by using her feelings.
Ngumiti ako.
"So what do you think Shan? It is okay with you?" tumango ako sa tanong ni Beth."So we are doing that hurt feelings mission. Whatever I don't care"
"So anong mga kailangan nating dalhin?" tumingin si Sieg kay Vicky.
"Just the app that you made. The recognizer lie detector in highly power of audio. Alam mo na yun. Saka pala ang very very small recorder" tumango si Sieg saka lumabas ng bahay.
"Itetext ko nalang si Sieg na pumunta doon at hihintayin natin siya" tumango si Vicky kay Beth.
"Mag-iingat kayo" hinalikan ko sa pisnge si Vicky. "Pasado na ba?"
"Gago. Sige mauna na kami" hindi ko inaasahan ng makita ng namula ang pisnge niya
Kinuha ko ang folder kung nasaan nakapaloob ang mga list ng malapit kay Emily. Napangisi ng makita ang isa sa pinakamalapit sa kaniya.
So you and Emily are best friends.
Napangiti ako saka inilabas ang ibang folder na kailangan ko para sa detalye ng mga mansion. Hindi lang binanggit ni Vince ang isa sa pinakamalapit sa pamilya ni Emily.
"Hayy napakalupet. siguro nga kaibigan kita pero pag humarang ka sa mga plano ko. Ako mismo ang magpapabagsak sa papatubong emperyo mo"
Ngumiti ako saka pinaglaruan ang tennis ball na hawak hawak ko pagmasaya ako. Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang mga kaibigan ko.
Pagsapit ng 10:50 nakabalik na ang mga kaibigan ko. Ngiting ngiti sila. Mukhang may magandang nangyare.
"Anong ganap?" ngumiti ako.
"Nothing. Sumabog nga siya kanina. Natatawa ako pero wala pa ring mga salitang lumabas sa bibig niya but it's fine. Mas naging maganda ang kinalabasan" ngumiti sa akin si Vicky.
"Naipuslit namin ang recorder para malaman nating kung ano ang mga plano nila" umupo si Beth sa tabi ni Seig.
"Ako na ang bahala para makunan natin ang mga impormasyong kakailanganin natin" umakbay si Sieg kay Beth. "Pero bukas nalang tinatamad pa ako"
"Sige matulog na kayo" nagsilabasan na sila sa kwarto ko pero biglang bumukas ang pinto namin. "At bat andito ka Ate Shane?"
"Just checking..." ngumiti siya. "Stop what you are planning"
"Kung yan rin lang ang pinunta mo, mabuti pang umalis ka na. Leave me alone. I know what I'm doing" umalis siya gaya ng sabi ko.
Alam kong tama ang ginagawa ko.
Kahit anong sabihin ng iba hinding hindi na ako magpapaloko.
I have to be wiser enough to build an empire.
Hindi matatapos ang paghihirap ng tao hanggat nasa lanadas nila ang mga kalaban.
Siguro nga may illegal kaming magagawa pero mas illegal ang ginagawa nila.
We are not doing this for ourselves but for everyone.
Pero mananahimik muna kami hanggat hindi pa kami nakakapagtapos sa pag-aaral.
We will just collect our aces para paghanda na kaming magpasabog, wala ng kawala.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...