Chapter 3

34 2 0
                                    

Hindi ko mapigilang kabahan habang nakatingin sa orasang pambisig ko. At hindi ko rin mapigilan ang pagkabahala dahil sa nangyare sa kasamahan namin sa C Class na si Ate Mich.

Pagpatak ng alas dyes ng gabi ay tumakas kaming dalawa ni Ate Shane. Sa back door na kami dumaan at kailangan hindi rin ako humiwalay kay Ate para na rin sa kaligtasan ko.

Pumunta kami sa mabahong tunnel at sa gitna nun ay binuksan ni Ate Shane ang sekretong pinto. Hindi tulad ng nakasanayan, wala doon ang mga kasamahan namin.

Nakapagtataka.

Naglakad si Ate sa isang blackboard saka niya hinila yun papunta sa gilid. Napanganga nalang ako sa asking nasilayan. Meron doon nakatagong pinto KAYA pinihit kaagad yun ni Ate. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang isang arena.

Sa pananatili ko sa C Class bakit hindi ko 'to alam?!

Napailing ako ng sumagi sa isip ko na baguhan palang naman ako kaya hindi ko pa yun alam.

“Ate ano ‘to?” tumingin sa akin si Ate Shane pero hindi siya nagsalita saka lang niya ako hinila papunta sa mga kasamahan namin. “Ate, siguro naman pwede mo ng i-explain ang lugar na’to”

“Ito ang Main Arena kung saan nagsasama-sama ang mga C Class sa buong panig ng mundo. Hindi pa nagaganap ang ganitong bagay dahil ito ang unang pagkakataong may nahuli” napatango tango ako saka lang siya tumigil sa pagsasalita ng lumabas ang isang napakabatang babae, tinuro yun ni Ate. “Siya si Emily Watts ang founder at Head ng C Class. Sa pagkakaalam ko, kaedad niyo lang siya pero ang IQ niya ay sobrang taas, mas matalino pa siya kesa kaninong scientist. At nasisigurado Kong matatalino rin ang kamag-anak niya” pinakatitigan namin yung babae. Parang nakita ko na siya eh. Maybe kamukha lang. “Siya ang nangunguna sa Stanford University at siya rin ang pinapagawa ng mga test paper na pinapadala sa lahat ng university sa buong mundo”

Kaya pala. Kaya pala alam nilang lahat ang sagot sa bawat tanong at alam din nila kung ano ang ipapasang test paper sa amin kase angbabaeng yun mismo ang gumagawa ng mga test paper at test questions.

Pero ang tanong,

Bakit ginagawa ‘to ng pinakamatalino sa buong mundo? Bakit hinahayaan niya kaming mandaya kung pwede naman niya kaming isuplong?

Bakit niya kami tinutulungan na lower than her IQ?

Ano bang meron sa babaeng iyan.

“Ipinatawag ko kayo dahil sa isang nakakainis na bagay na nangyare sa atin. Ang nakakainis lang paanong nahuli ang isang student galing sa C Class kung napagtatakpan siya ng mga tauhan ko?” hindi ko alam kung paano siya nakakapagsalita ng tagalog at kung paano naiintindihan ng ibang tao rito ang pinagsasabi niya dahil sabi nga ni Ate, pagtitipon 'to ng mga estudyante sa C Class all over the world. Bahala nga siya sa buhay niya. “All of the teachers in C Class have their own power to protect their students at May gabay pa sila ng tauhan ko. Pero anong nangyare? Paanong nangyare ang ganitong kagaguhan?!” halatang galit siya, galit at hindi inis lang. Napatingin kaming lahat kay Teacher Emman Lee na Teacher ni Ate Mich. “Sabihin mo nga? Paanong nangyare yun sa estudyante mo?”

Kalamado lang ang tanong ni Head.

Tumayo si Teacher Emman Lee. Walang kahit na kaba ang nakikita sa mukha niya. Posibleng inosente siya at walang kasalanan sa nangyare. “Head noong kinontak ko ang cellphone ni Michelle cannot be reach na yun. At dahil nakaopen naman ang GPS niya hinanap ko siya at nakita ko naman ang phone niya sa CR ng mga babae. Sa tingin ko may sumabutahe kay Michelle, sa tingin ko may sumasabutahe sa C Class at nasa loob lang siya”

Halata sa mukha ng lahat ang pagkabahala at halata rin sa isiniwalat ni Teacher Emman Lee na may tinutukoy siyang isang tao sa loob ng C Class.

Mayroon siyang pinagbibintangan!

“Maaring may ispiha nga sa C Class pero baka nakakalimutan mo lahat alam ko” napatingin kami kay Head. Nakangisi siya ngayon. “But no need to worry. Walang ispiha na nakakalusot sa akin” tumingin siya sa kung saan. “All teachers, maiwan dito sa loob. At kayong mga estudyante, makakaalis na kayo. Have a goodnight”

Hindi ko maaaring iwan si Ate Shane sa loob ng arena na'to!

Gusto ko pa sanang manatili doon pero hinila na ako nina Sieg. Pagtingin ko sa loob ng pinto may nakita akong isang teacher na nakaluhod, nanggalaiti ako bigla pero wala akong magagawa.

At wala akong kapangyarihan para mapigilan ang mga pangyayare.

Tumigil ako saglit saka naman napatingin sa akin sina Sieg at Beth.

"Anong mangyayare sa nagkasala sa C Class?" ani ko pero imbes na sagutin ay naglakad sina Beth at Sieg ng tahimik na hindi malang sinasagot ang katanungan ko.

Napayuko nalang ako habang paalis sa C Class. Habang naglalakad kami nina Sieg biglang umilaw ang phone namin kaya chineck yun. Binasa ko yun, pero nang mabasa ko ang nilalaman nun ay bigla ko nalang nabitawan ang phone ko.

“Anong sabi sainyo ng Head ng C Class?” pinulot ko ang phone ko. Inilahad naming ang phone namin at tama nga ako, pare-parehas kami ng nakuhang mensahe.

What the shit is wrong with C Class?

Ang C Class ay nabawasan ng isang guro dahil na rin sa nag-ispiha siya at pinagkalulo ang C Class. Si Justine Mae Saberon ay pinapatawan ng pagkawala ng memory at ipapabalik sa Englatera para sa kaniyang kaparusahan’ 

Hindi maaari!

Pag uwi ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nagkulong.

Kailangan Kong malaman kung sino nga ba talaga si Emily Watts.

Ini-open ko ang computer ko saka sinearch sa Google ang 'Emily Watts'

Binggo!

Tama nga ako ng hinala. Nakita ko na siya noon kase, nakalaban ko na siya sa isang quiz bee at sa pagkakaalala ko, siya ang may pinakamababang score nun. Pero paanong nanguna siya sa Stanford?

What the fuck did she do para makagraduate at manguna sa Stanford University kung noon ay siya ang May pinakamababang score?

She created at Cheater's Class , maybe she cheated, or maybe she's too smart to make herself up without help of others.

Ang bata pa niya eh. Talaga bang siya ang gumawa ng C Class?

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon