Chapter 55

11 3 1
                                        

Nakaupo ako sa loob ng headquarters. Pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko naghahanda na. In the past 3 days ay puro lang kami training. Ito din ang unang laban ni Sieg sa field.

Pumunta ako sa kwarto ko saka sinuot ang tuxedong puti na galing pang Paris. Doon kase kami nagpagawa ni Rayne ng damit.

Iniayos ko na ang coat ko saka ngumisi sa salamin. Sinuot ko ang kwintas na pinagawa ko, na bulletproof. Isinuot ko ang relo ko na may nakakabit na bomba. In case of emergency.

Kinuha ko ang dalawang kutsilyo ko saka maingat na inilagay ko yun sa may paanan ko sa loob ng pants.

Inilabas ko ang dalawa kong baril at inilagay yun sa may pwetan ko, at higit sa lahat ang dalawang magazine na inilagay ko sa may coat ko dahil may bulsa yun sa loob.

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. It was Emily. Tumingin siya sa akin ng diretso.

"Are you ready?" tumango ako. "Can I say something?"

"Ano yun?" ngumiti ako.

"Rayne is not a good friend to us, she's a great pretender and a very difficult enemy. Gusto ko lang na malaman mo na kung sa ating lahat. Si Rayne ang may pinakamataas na IQ. She have an IQ of 158. Hindi natin sigurado ang lahat. Rayne is an enemy pero wala pa kayong ideya sa mga kayang abutin ng isip niya. Alam kong delikado ang gagawin natin lalo na sayo at sa pamilya mo. Alam kong hindi mo sa kanila pinaalam ang balak mo kaya wala sila sa kasal mo ngayon" ngumiti ako at tumango.

"If we missed this one chance. Alam naman na natin na ang target nila ay ang ate at pamilya ko kaya hindi ko sila idadamay sa katarantaduhan na'to. Ayokong mapahamak sila dahil kay Rayne. Muntik na noon mapahamak ang ate ko dahil sa isang Veloso. I'm sorry I can't do anything for your brother. Sorry kung nangyare 'to" ngumiti siya sa akin.

"Hindi mo kasalanan. Kasalanan nina Rayne at lolo' to. Masyado silang bulag sa kapangyarihan. Masyado silang mapagmataas. Deserve nila ang bumagsak pero alam naman nating kailangan may magsakripisyo para magawa natin yun. We will make this through Shan. Kaya natin 'to" ngumiti siya saka hinawakan ang balikat ko. "Kung mangyare mang hindi maganda, wag kayong mag aantubiling barilin ako. Isa akong Veloso at nararapat lang yun. You can hurt lolo by killing both of us, ako at si Rayne ang pag-asa niya para umangat ng umangat"

"We can't do that" napalingon kami sa nagsalita. Pumasok sina Sieg, Beth at Vicky saka walang pasabing nagsiyakapan kami.

"Para sa future" ani Sieg at inilahad ang kamay niya. 

"Para sa mga pinaglalaban natin" ani Beth at inilahad din ang kamay niya.

"Para sa mga taong naagrabyado" ani Emily saka inilagay ang kamay niya sa kasunod ng kamay ni Beth.

"Para sa ating lahat" ani Vicky at katulad ng ginawa ni Emily ay ganun din ang ginawa niya.

"Nagsimula tayo sa isang magandang secret room. Secret organization. Secret class. Nagsimula tayo at nagkakilala bilang C Class Students..." ngumiti ako saka isinunod ang kamay ko sa kanila." Para sa sinimulan ni Emilio Alonzo na nakatatandang kapatid ni Emily. Para sa mga Rivals Family na ayaw ng sumunod sa kababuyan ng pamilya nila. Para sa Cheater's Class"

Nagsitawanan kami at nagyakapan na naman, napatigil lang kami ng may magsalita.

"Hindi ba ako pwedeng sumali?" napalingon kami.

"Welcome to our club Bonham!" sigaw ni Sieg saka hinila si Bonham at nagyakapan na naman kami.

Napailing nalang ako.

"Let's end this fucking war"

Sabay sabay kaming lumabas.

Dumiretso na kami ni Bonham sa simbahan, sina Emily naman ay nakastand by lang sa labas ng simbahan.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon