Chapter 19

15 2 0
                                    

Pag-uwi namin sa bahay, halos ngumiwi kami ni Sieg dahil sa sakit ng katawan. Dinala ni Beth si Sieg sa kwartong inuukupahan niya, saka nilagyan ng cold compress ang mga pasa neto. Ako naman ay pumunta sa kwarto ko saka nahiga.

Si Beth eh parang wala lang sa kaniya.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging akto ko ng may humalik kay Vicky.

Just a friend. Bullshit.

"I'm crazy...." tumayo ako saka akmang lalabas ng kwarto ng bumukas yun. "What are you doing here?"

"Hubad..."natuos ako sa kinatatayuan ko. "Shirt off Shan. Lalagyan ko ng cold compress ang mga pasa mo, kasalanan ko yan eh...."

Shit. Yun lang pala.

"I can do it myself" inirapan lang ako ni Vicky. Wala na akong nagawa kundi umupo sa kama at hubarin ang t-shirt ko.

"Ang payat mo" kumuha siya ng cold compress saka nilagyan ang mga pasa ko. "Mabuti't hindi ka nililipad"

"Kung maghubad kaya ako dito sino kaya ang lilipad paalis..." ngumisi ako pero inirapan lang niya. "Bat mo naman kase ako tinorture? "

"Kasalanan ko pa ah. You said don't hold back..." napatingin ako sa kisame. Sinabi ko ba yun?

"Whatever. In my back please. Parang nabali ata spinal ko" natawa nalang siya sa mga pinagsasabi ko.

Habang ginagamot niya ang mga pasa ko pati ang sugat ko sa labi ay napapatitig nalang ako sa mukha niya. Napapisip ako. She's sweet but I'm not her type? That hit my ego.

"Ayan tapos na..." ngumiti siya saka inayos ang mga ginamit niya. "Sleep now. Wag mo na kaming hintayin na bumalik. At bukas may training ulit..." napangiwi nalang ako.

Hindi pa ba sapat na training 'to?

"Ahm.... Shan" tumingin ako sa kaniya. "Magpagaling ka. Nag-aalala ako, este kami nina Sieg sayo" saglit na katahimikan ang kumain sa akin. "Don't wait for us. Pagnaabutan pa kitang gising, iitakin na kita" napatawa nalang ako.

"Okay...." akmang lalabas na siya pero hinawakan ko ang siko niya. "Mind putting my shirt back?"

Tumango lang siya saka isinuot sa akin ang damit ko. Hinalikan niya ako sa pisnge bago lumabas ng kwarto.

"Hobby ba niya ang manghalik?" hinawakan ko ang pisnge ko.

Naiiling nalang ako saka humiga sa kama. Pero napadilat ako ng marealize ko ang isang bagay.

Bakit parang hindi sumugi sa isip ko si Emily?

Iniwaksi ko ang iniisip ko saka pumikit. Mas mabuting hindi ko na siya maalala. Ngumiti ako saka tuluyan ng kinain ng kapaguran.

Nagising ako dahil sa nakarinig ako ng tawanan. Kahit hindi ko buksan ang mga mata ko alam kong sina Vicky, Sieg at Beth yun. Pagbukas ko ng mga mata ko, tumambad agad sa akin ang naglalandian na sina Sieg at Beth.

"Sarap matulog ulit..." tinakpan ko ang mukha ko ng unan. "Lumayas nga kayo"

Nakaramdam ako na may sumampa sa kama at inaalis ang unan ko. Pagtingin ko si Vickylang pala.

"Get up Shany-baby. Kakain na tayo..." she's cute. Naiiling nalang ako. "Please"

"Ayoko. nakakasilaw ang mga yan oh..." sabay turo kina Sieg at beth. Nabansagan na 'Smartest Couple' tapos ang haharot.

"Maghalikan nalang tayo.." 

Sandaling natigilan kaming lahat sa loob ng kwarto. Hanggang sa manukso na ang magjowa.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon