Kinuha ko sa bahay ang kinakailangan namin blueprints ng mga mansion ng pamilya Fernallily at Cortez.
Habang pinag-aaralan ko yun, nagring bigla ang phone ko.
"Hello my lady..." ani ko ng sagutin ko ang tawag ni Rayne.
[Where are you? Are you on your way home?]
"Nope. Andito ako nakatambay sa bahay nina Sieg Gomez. Kahit na may trabaho ako kailangan ko pa rin silang mapag-aralan" tumingin ako kina Sieg.
Sinungaling talaga ako kahit kailan.
[Mag-ingat ka jan okay? Alam mo namang alam na nila na kaaway ka nila. I love you]
"Yes my lady" pinatay ko na ang tawag saka walang pasabing itinapon sa kung saan ang cellphone ko. Napatitig naman sila sa akin. "What? Para hindi na siya tumawag"
Naiiling nalang sila.
"T-This is the plan..." panimula ni Emily kahit kanina pa siya kakaiyak. "We have to contact Bonham at pasukin niya ang bahay nina Miguel. May device na si Sieg para ikabit nalang yun ni Bonham sa kung saan. Ang device na iyon ay isang bomba"
"Miguel have drug meeting tomorrow night together with some drug lords all over the world. Walang inosenteng madadamay" ani Vicky.
"Paano naman ang mga magseserve sa kanila ng pagkain?" ani Beth.
"May security akong itatalaga. Kikidnapin nila ang mga totoong magseserve sa mga drug lords pati na rin kay Miguel, at papalitan nila sila. Hindi sila mapapahamak dahil 5 seconds lang ang hihintayin. Sila na mismo ang pipindot ng button para sumabog ang bomba. Sa Hall lang naman sila magmemeeting dahil sa sobrang dami nila. Ang bomba ay umaabot ng 500 meters and 500 meters. Ang Hall ay 500 meters and 500 meters. Ang ibig sabihin ang mga nasa Hall lang ang maaapektuhan ng bomba" ani Vicky kaya napatango tango kami.
"Sa susunod na linggo may party si Eduardo sa bahay nila. Emily, you have to do some nasty things. At nakahanda na ang silencer mo. Kaya mo naman yun hindi ba?" tumango si Emily. "Ako na ang bahala sa mga CCTV's. Vicky call Bonham immediately"
"Nasa mansion siya ng mga Veloso" ani ko. Tumango naman si Vicky saka tinawagan na si Bonham.
"Teka nga akala ko ba nasa secured na lugar si Claire nung mga nakaraang lugar." ani Beth.
Biglang nagtext ang isang unregistered number kay Beth.
'It' s me Ted. Mr. Bautista don't throw your phone okay? At sa tanong niyo Miss Bethany Villa, kung meron kayong hacker ganun din sina Rayne. Hinack nila ang CCTV footage niyo, para magmukhang andun si Claire noon kahit na matagal na siyang wala doon. At ang mga gwardiyang tinalaga niyo ay patay na. Pinalitan yun ng mga tauhan ng mga Veloso'
Napangiwi nalang kami.
"Akala ko si Quart lang ang weirdo sa atin ah. May isang Ted pa pala" ani Sieg.
'Naririnig at nakikita ko kayo. Magtigil ka Sieg Gomez'
Napailing nalang ako ng awayin ni Sieg ang isa sa mga CCTV.
If only Quart is here. Matutuwa siya dahil inaasar ni Ted si Sieg.
Nang masabi na si Vicky na sumang ayon na si Bonham sa plano agad kaming umuwi sa bahay namin.
Gaya ng dati.
Nakahiga ako sa kama ko habang ang mga kaibigan ko naman ay nakakalat lang sa kwarto ko, si Emily naman ay nasa kwarto na nakalaan talaga sa kaniya.
Dahil sa hindi ako makatulog ay lumabas ako at pumunta sa balkonahe. Doon ay nakita ko si Emily na nakatingin sa mga bituin. Agad ko siyang tinabihan.
"Malaki na ang pinagbago mo...." ani Emily kaya napatingin ako sa kaniya.
"It's because of you. I want to reach you at ipamukha sayo na 'hoy kaya ko rin'. Na hindi lang ikaw ang mayaman. Naging ganito ako kase gusto kong makaganti, naging ganito ako kase akala ko ganun ako katalino but I'm wrong. Nalilinlang pa rin pala ako. May itatanong ako sayo" tumingin siya ng diretso sa akin. "Kahit minsan ba ginusto mo ako?"
"Yung totoo?" tumango ako kaya napatingala siya sa langit. "Hindi. Hindi kita ginusto. Hindi man lang ako noon nakaranas na magmahal kase itinuon na ng lolo ko sa isipan ko na, kailangan kong magpakasal sa isang lalaking mapipili niya. Gusto ko man o hindi" nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "I'm glad that you like me. Kahit kailan walang nag treat sa akin ng ganun. Kahit na si Eduardo. Maybe my grandfather use to say that he like me, but I know he was telling me that 'gain that I love you.' Pero proud ba siya? Masaya na siya sa mga ginagawa ko!? No. Kahit na ano namang sabihin niya ginagawa ko. At ngayon lumabas na ang katotohanan, kaya hindi niya ako kayang mahalin. Dahil anjan Si Rayne. Si Rayne na sa mga mata niya'y perpekto. I'm not enough for him"
"Lahat naman kase tayo ay hindi sapat. Pero may darating na mga tao na pupunan ang kakulangan sa atin. May mga taong tatanggap sa atin at isa na ako roon. Tanggap kita Emily kahit na anong mangyare. Tanggap ka namin nina Beth..." ani ko saka niyakap siya.
"Alam mo ba akong rason ko kaya hinalikan kita noon sa mga labi? " napakalas ako bigla saka tumingin sa kaniya. "That day na bumalik ako, nandoon ako para ipagtapat sayo ang totoo nung sinabi ko ang mga bagay na hindi naman dapat. Pero nung makita ko ang mga titig mo at ni Vicky, I know that you are in love with her. Hindi ako ang una mong mahal, dahil ibang iba ang titig mo kay Vicky kasya sa akin. That night I planned to kiss and talk to you. First I want you to be my first kiss kase ikaw ang unang nagparamdam sa akin kamahal-mahal ako. Pangalawa, para malaman ko kung mananatili ka bang kahalikan ko o hahabulin mo si Vicky. At pangatlo, gusto kong alamin na tama ang hula ko. Na tamang magkakatuluyan kayo ni Vicky " ngumiti siya sa akin.
"But paano kung nanatili ako noon? Anong gagawin mo?" ani ko.
"Hindi ako nararapat sayo. Hindi kase alam kong mula't sapol palang ay alam ko ng hindi ako ang mahal mo. Kahit manatili ka, itutulak at itutulak pa rin kita papalapit sa kaniya. Kahit anong mangyare hindi ko hahayaan na mahulog ako sayo dahil ayokong masaktan si Vicky. Nasaktan na ang ate ni Vicky dahil sa kuya ko at hindi ko na gagawin uli iyon. Hindi ko magagawang saktan si Vicky. Vicky did all what she can do to save you. Kahit na nasa malayo siya alam kong ikaw lang ang minahal niya. Sadly you are engaged with Rayne" tumayo si Emily at akmang aalis ng magsalita ako.
"Paano kung matapos natin ang mission bago kami ikasal?" ani ko. "That ring is really for Vicky but I have no choice. That's for Vicky. Naiinis lang ako kaya nagawa ko yun"
"Then prove it to her. Prove that you love her more than she can give you"
Napatulala nalang ako ng umalis na si Emily.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...