Wala sa sariling pumasok kami sa bahay ni Vicky. Well, hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol dito. Gusto naming i-sorpresa ang lahat pero not now. Ipapasakay muna namin silang lahat sa pekeng relasyon bago kami maglantad na kami naman na talaga. Na Hindi na 'to basta plano kundi totoo na.
Wala ng pekean. Wala na. Kundi katotohanan na.
Nakita ko ang pagbilog ng mga mata nila Beth at Sieg. Lumapit sa amin si Sieg saka itinaas ang magkahawak naming kamay ni Vicky.
"What the fuck?! Totohanan na ba? Akala ko ba di niyo type ang isa't isa? Pinagloloko niyo ba kami?" nagkatinginan muna kami ni Vicky saka tumawa. "Anong nakakatawa sa mga sinasabi ko?!"
"Fuck! You look so fucked off" aniya Vicky na tuloy pa rin sa pagtawa.
"It's not what you think guys" pagpapakalma ko. Ang kikitid ng mga utak nito.
"So ago nga?" pinagtaasan kami ng kilay ni Beth.
"We are just pretending..." nawala ang pagkajolly ni Vicky at naging seryoso agad yun.
"Nasobrahan ata yang pagpapanggap niyo?" ani Beth.
"Sinobrahan naming kase andito si Emily kanina..."
Tumaas ang sulok ng mga labi nila. Halatang gulat sa narinig. Hindi tulad kong mausisa, kailangan nilang sabihan pag ganitong mga bagay.
Laban namin 'to ni Vicky at hindi kami makakapayag na madamay sila Beth at Sieg.
"Paanong nangyare yun?" aniya Sieg. "Teka... Don't tell me siya yung babaeng kausap ng pamilya mo sa ibaba kanina?" tumango ako. "Fuck!"
"Mabuti nalang at sumunod ako kung hindi... " tiningnan ako ni Vicky saka siniko sa tagiliran. "Bumigay na 'to. Sobrang rupok pa naman. Mabuti nalang pala naisipan kong sumunod...."
"Wow so thankful pa pala ako? Okay na eh, naghahalikan na kami" opss I slipped.
"The fuck?! You two kissed?!" napangiwi ako. "Vicky pakibugbog nga niyan!"
"Ayoko nga sayang lang ang lakas ko jan" napangiwi ako. Mukhang nainis na siya sa akin dahil sa sinabi ko. "Oh I forgot. Kailangan na nating kumain kase may meeting ang bawat colors ngayon sa C Class"
Ang kaninang gulat na mukha nina Beth at Sieg at napalitan ng seryosong mukha.
"Kung ganun ay maghanda na tayo" aniya Beth saka lumabas ng kwarto. Sumang-ayon naman agad si Sieg at agad na sumunod sa kasintahan niya.
"Hey..." napangiwi ako ng bigla nalang akong Iwan ni Vicky. "Sabi ko nga galit siya"
Hindi ko na hinintay ang pagbabalik nila, basta lang akong umalis sa bahay ng walang paalam. Pagkaalis nina Vicky agad ko silang sinundan. Hindi naman sa nagdududa ako. Ang gusto ko lang ay matingnan ang kalagayan nila.
Nakita ko ang pagpasok nilang tatlo sa isang bahay. Bagong C Class? Bakit wala silang nabanggit sa akin tungkol dito?
"Shit!" napainda ako ng makarinig ako ng putok. "Naku!" agad akong tumakbo papaalis ng lugar na yun pero nabigla ako ng bigla nalang may humila sa akin at itinago sa isang madilim na lugar.
Nakita ko ang pagtakbo ng mga gwardya na kung titingnan isa silang tauhan ng mga masasamang tao. At alam kong tauhan sila ni Emily. Nang mawala ang mga tauhan ni Emily agad akong kumalas at nakita ko ang isang babaeng nakamask.
"Maraming salamat but you don't have to do that" ngumiti ako sa kaniya. At akmang aalis ng hilahin aniya ako. Nakarinig na naman ako ng mga yabag. "Shocks!"
"Go there!" dinig kong ani ng isang lalaki.
"All clear sir!" sigaw pa ng isa.
Nakita ko ang papaalis na bulto ng mga kalalakihan at nakita ko ring pabalik na sila sa bahay na pinasukan nina Sieg, Beth at Vicky.
Humarap ako sa babaeng nagligtas sa akin. Nakasuot siya ng kulay itim at hapit na hapit ang katawan niya kaya alam kong babae siya.
Ngumiti ako sa kaniya.
"Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin. You really don't have to save me pero ginawa mo pa rin. Sabihin mo lang ang gusto mo para mabayaran kita sa ginawa mo" ngumiti ako sa kaniya saka inilahad ang kamay ko. "I'm Shan Bautista..." tinanggap niya ang kamay ko.
It feels weird.
"The truth is I really have to save you...." napamuglat ako ng marealize ang boses aniya. Hindi ako pwedeng magkamali. Inalis aniya ang maskarang suot suot niya saka ngumiti sa akin. "Kung hindi ko yun gagawin baka pinatay na ako ni Ms. Vicky... Or should I say, ng pinsan ko"
Ngumiti sa akin si Claire.
"Bakit? Pinapabantayan ba niya ako sayo?" tumango siya. "Why?"
"Kase alam niya ang takbo ng isip mo. Pagmay gumugulo sa isip mo alam niya agad yun at syempre alam niyang susundan mo sila. Hindi mo pa lubusang kilala si Vicky. May mga kaya siyang gawin, at kung para sa kaligtasan ng mga mahal niya, gagawin niya ang lahat" nakita ko ang pagngiti ng labi niya. "And also I want to talk to you"
"Anong gusto mong pag-usapan?" nawalan ng buhay ang mukha ko at unti-unting nawawalan ng emosyon.
"It's about you, Vicky and Emily. Siguro panahon na para malaman mo 'to. You are her boyfriend anyway" ngumiti siya. Lumabas kami sa pinagkukublian namin at naglakad palayo sa bahay na pinasukan nina Vicky.
"Speak up Claire..."
"Bago pa man niyo nakilala si Emily, magkakilala na sila ni Vicky. Or should I say mula bata ay magkakilala na silang dalawa. Well nung nasa high school naging magbest friend sila at kinilala pa sila bilang power best friends. Halos hindi sila mapaghiwalay noon, hanggang sa may nalaman ang pamilya nina Vicky tungkol kina Emily. Nalaman nilang ang mga Alonzo ang dahilan kung bakit unto unting bumabagsak ang pamilya nila. At noong gusto na nilang tumaliwas, agad silang hinuli ng mga tauhan ng Alonzo, merong kapatid na babae si Vicky at dahil sa pangyayareng yun, namatay ang tagapagmana ng mga Aguinaldo" si Ate Victoria ba? Siya lang naman ang nakatatandang kapatid ni Vicky. "Si Vicky ang pumasan sa lahat. Kaya nung last year niya sa high school, napag-isipan njyang mag-aral dito sa Pilipinas and then nalaman niya ang tungkol sa C Class kaya pumasok siya dun. Noong nagkaroon lang ng meeting, dun lang niya nalaman na si Emily ang gumawa ng C Class. So that's why she's on your side. Hindi ko sinasabing ginagamit ka lang niya pero gusto kong mag-ingat ka. Sa gulong sinalihan mo, sarili mo lang ang maasahan mo..." napatigil ako sa paglalakad. "Goodbye Shan. Sana mag isip ka ng mabuti. Hindi lang si Vicky ang may tinatago, pati na din ang ibang kasamahan mo"
Nalagkad siya papaalis pero nagsalita ako bigla.
"Why? Bakit niya sinasabi 'to?"
Lumingon siya sakin saka ngumiti.
"Dahil alam kong ikaw lang ang unang lalaking nakapagpasaya kay Vicky at ayaw kong magsisi ka pagnalaman mo ang tungkol sa kaniya. At ang iba pa niyang tinatago" tumalikod ito. "I know you love her, so please wag kang magkakamaling gumawa ng kahit na anong ikagagalit niya ng husto kase bali-baliktarin man natin ang mundo. Isa pa rin siyang Aguinaldo, kabilang pa rin siya sa pamilyang malapit noon sa kalaban niyo"
Tama nga ang nabasa ko.
Emily and Vicky are best friends.
Ang Aguinaldo at Alonzo ay magkaibigang pamilya.
Pero
Kahit na ano pang sabihin ni Claire. I know her. I know Vicky so well.
She can't hurt me and our friends.
She's kind
At ako ang magpapatunay nun.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Narrativa generale[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...