Chapter 38

8 2 0
                                    

Imbes na manatili ako sa ospital ay mas pinili kong mamalagi sa kuta namin nina Sieg. Andoon si Quart at naghahanap ng ibang detalye.

Kinuha ni Quart ang cellphone ni Sieg at hinack yun. Napangiwi siya bigla.

"Bakit?" ani ko habang nakatingin kay Quart.

"Heavy security. May fingerprint pa eh..." napangiwi din ako. "Ganun ba ka secured si Sieg?" nagkibit balikat lang ako.

"Alam mo namang may topak ang lalaking yun..." naiiling nalang ako.

"I will kill him again pag nagkita kami" natawa nalang ako. Natahimi si Quart bigla tila may bumabagabag sa kaniya. "Shan..."

"Hmm?"

"If someone attack me or if I die, look for my USB. There are five USB's that is hidden in 5 mansions of Veloso. At ang nakakaalam lang nun ay dalawang tao. Sina Emily at Vicky. Trust them for once..." aniya Quart na ikinatigil ko. Paano niya nailagay yun sa mansion ng mga Veloso? "It's hidden in every room of Rayne, I'm not sure and sorry kung hindi ko ipinaalam sainyo na dati along tauhan ni Rayne" napatigil ako. "But I promise you that I will never go back to their mansion. Hindi na ulit ako maninilbihan sa mga hayop na yun. I'm so sorry Shan"

Alam kong pinagsisisihan niyq ang lahat. Alam kong mabuting tao si Quart at hand akong patawarin siya.

"It's fine at alam ko rin naman na may rason ka sa bawat ginagawa mo but..." saglit akong nanahimik. "What the fuck are you talking about? Hindi ka mamatay bro. Hindi pwede. We will protect you..." singhal ko.

Wala akong pakialam kung tauhan pa siya dati ni Rayne. He's my friend and I won't let anyone hurt my friends.

"You can't protect me every time. Don't worry hindi kayo basta bastang mapapatay ng mga guardya. But be sure you're with Emily and Vicky" tumango ako.

"Why do we have those 5 USB's?" tiningnan ko ang mukha ni Quart na seryoso ang mukha.

"All you want to know is inside that USB. Hindi niyo yun mabubuksan hangga't hindi kompleto ang lima..." tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. "I can't tell you every detail. Baka mapahamak kayo kaya kailangan niyo ang USB na yun"

"I understand. But as much as possible, wag ka munang mawawala..." tumango siya sa akin. Tumayo ako saka isinuot ang coat ko. "Pupunta lang ako sa firm. Mag-iingat ka rito Quart"

Lumabas ako sa kuta namin at nang makita ko ang kotse kong bagong bili agad akong sumakay at pinaharurot yun papuntang CS Constructional Firm.

Pagkadating ko sa firm agad akong binati ng mga empleyado ko. Dumiretso na ako sa floor ko at nakasalubong ko ang bagong sekretarya ko.

"Welcome back Sir, marami po kayong pepermahang mga papeles, at si Ms. G po ay umalis para tingnan ang location ng isang project..." aniya ng bago kong sekretarya na si Ted.

"Okay Ted. Please follow G on that location at pabalikin mo siya dito sa CSCF. Kakausapin ko siya. Andun na ba sa opisina ang mga pepermahan ko?" tumango siya. "Good. Ano palang pangalan ng bagong project natin? At sino ang nagpapagawa?"

"Si Ms. Emily Alonzo po, ang pangalan po ng itatayo natin ay C Class building 5. Gusto niyo ho bang itanong ko kay Ms. Emily ang ibig sabihin nun?" umiling ako.

"No need. I already know what it means. Pupunta na ako sa opisina ko at gawin mo na rin ang pinapagawa ko..." hindi ko na na hinintay ang sagot ni Ted, basta nalang akong pumasok sa opisina ko at nagsimulang magtrabaho.

Lumipas ang ilang oras ay nananatiling nakaupo sa swivel chair ko. Naitambak ko pala ang mga papeles na dapat pepermahan ko. Nagring bigla ang phone ko kaya agad ko yung sinagot.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon