Chapter 36

8 3 0
                                        

3rd person's POV

"Bakit niyo sinagasaan si Shan?!" usal ng isang babae.

[Pasensya na po Ma'am. Akala namin siya yung Quart na sinasabi niyo]

"Mga bobo ba kayo?! Ang sabi ko patayin niyo si Quart para hindi na magsalita pa sa balak na gawin naming mga Veloso! May sinend ako sa inyong litrato ni Quart ah!" napasabunot siya sa buhok niya habang kausap ang mga tauhan niya.

[Pasensya na po Ma'am]

"Mga bobo!" itinapon niya ang kaniyang cellphone sa kung saan.

"Ihja wag kang magpadala sa galit. Huminahon ka lang" ani ng isang lalaki na may edad na. "Mapapatay mo rin silang lahat at ang pamilya natin ang mangunguna sa lahat"

"Lolo paano ko yun magagawa kung hindi ko pa napapatahimik si Quart. Paano nalang kung malaman ni Shan kung sino talaga ako? I love him grandpa" napupo siya sa isang silya habang sapo-sapo ang noo. "I don't know what to do to have him"

"Don't worry Ihja. Ako na ang bahala sa mga Alonzo at Aguinaldo. Ang kailangan mo lang ay kunin ang loob ng pinakamamahal mo" niyakap niya ang lolo niya sabay sabing,

"Ipaghihiganti ko ang mga magulang ko..."

Shan's POV

Nagising ako mula sa isang napakasamang panaginip. Nakita ko ang ilaw at puting dingding. Alam kong nasa ospital ako dahil sa amoy ng gamot.

Fuck.

"Shan..." napangiti ako ng makita ko si G na nakaupo malapit sa akin. "Emily please call the doctor" agad namang tumalima si Emily. "Hey are you okay? Ayos ka lang ba? Anong masakit? Ano bang nangyare?"

"Ang unlimited mo namang magtanong, papatayin mo ba si Shan..." napangiwi ako ng marinig ang boses ni Vicky.

"I-I'm fine G. V-Vicky please g-give us some p-privacy..." nadabog namang umalis si Vicky sa labas.

"Bakit mo siya pinaalis?" aniya G.

"C-Call Quart..." simpleng lathala ko.

"W-What?! Diba siya ang pumatay kay Sieg?!" galit na usal ni G.

"M-Masyadong k-komplekado. Ang m-masasabi ko l-lang l-limang araw lang p-patay si Sieg. T-Tell him what happened and t-tell him to find a Toyota car with the plate number of SVU 34B6. Please just do it..." sabay sa paliwanag ko ang pagbukas ng pinto.

Lumabas naman na si G sa loob ng kwarto. Pumasok sina Emily, Vicky at ang doctor. Tiningnan niya ang vitals ko, saka niya ako binigyan ng pagpatulog.

Kinabukasan dumalaw na sina Ate Shane, kinausap muna ako nina Mom at Dad bago kami nag-usap ng masinsinan ni Ate.

"Rivals ba ang may gawa nito?" agad na tanong ni Ate ng lumabas sina Mom at Dad.

"I don't know Ate..." nakakapagsalita na ako ng maayos hindi tulad ng kagabi. "Mabuti nalang pala ay agad akong pumailalim, kung hindi baka bali na ang buto ko..."

"Bat ka ba kase pumailalim?! Magkakapeklat tuloy yang noo mo!" ayan na naman siya.

"Kesa naman mabalian ako. Maraming gamit ang binti't kamay ko..." ngumiti ako. "Kamusta kayo ng fiancée mo? Sino nga uli yun?"

"It's Martin Blackwood... Tandaan mo na nga ang pangalan niya!" natawa nalang ako. Lagi ko kaseng tinatanong ang pangalan ng mapapangasawa ni Ate kahit naman na alam ko na at tanda ko na. "We are very fine. Next week na ang kasal namin kaya magpagaling ka na jan. At mamaya pupunta kami sa burol ni Sieg..."

"Yes Ate..." bigla namang bumukas ang pinto at inuluwa nun si G.

"Nakakaistorbo ba ako?" inosenteng tanong ni G.

"Ikaw pala George, kailan ka pa nakauwi?" bati ni Ate kay G. Naiiling nalang ako, hindi ko man nadala si G sa bahay eh panay pa rin ang pagkikita nila ng ate ko kase close sila.

"Last week lang. I heard next week ka na Ikakasal ah, congrats" ngumiti si G kay Ate.

"Ano ka ba. Invited ka noh. I-date mo yang ex mo..."sabay turo niya sa akin." Oh sya, aalis na ako. Wag gumawa ng kababalaghan ah.. " parehas kaming natawa ni G ng tuluyang umalis si Ate Shane.

"How are you doing?" ngumiti siya sa akin saka umupo sa tabi ko.

"I'm doing fine. Bukas pwede na daw akong lumabas. Ano pala ang sabi ni Quart? Nahanap na ba niya?" hindi ako titigil hangga't hindi sila nakikita.

"Wala pang sinasabi si Quart. Basta pagkasabi ko ng lahat ay pinatayan na niya ako ng tawag..." tumingin siya sa akin ng matalim. "Now tell me what's going on?"

Bumuntong hininga ako saka sinimulang magkwento kay G. Bawat sinasabi ko ay alam kong hindi niya ipagsasabi, dahil alam din naman niya ang kaya kong gawin. G knows me too well. At nang matapos ko ang kwento nakaawang pa rin ang mga labi niya.

"Ang komplekado ng buhay ko G, and as much as possible ay ilalayo kita sa komplekado kong buhay..." aniya ko sabay hawak sa kamay niya.

"P-Pero paano pag may mangyare sa inyo dahil sa binabalak niyo?" nginitian ko siya saka pilit na umupo at niyakap siya.

"We will be okay. Masyado kaming matatalino para hindi malaman kung ilang porsyento kaming mabubuhay. At basi sa kalkulasyon, babalik kaming buhay at pag nangyare yun I promise that hindi hindi na ako sasabak sa gulo" ngumiti ako.

"Aasahan ko yan. Just please be okay..." tumango ako. "Pupunta pala ako ngayon sa firm mo, ako muna ang mag-aasikaso nun, okay lang ba?" tumango ako. "Great. I'll do my best for that firm..."

Pag alis ni G saka ko namang napansin ang bukas na bintana. Agad akong naalerto at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang babaeng laging dahilan ng pagkanda-letche letche ng plano namin.

"Anong ginagawa mo dito?!" aniya ko. "Tell me who the fuck you are!"

"I'm just checking you Shan. Ayos ka lang ba?" napangiwi ako. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"I'm fine now tell me who you are?!" hindi siya nagsalita, basta nalang siyang humakbang patungo sa bintana.

"I'll be watching you Shan. At handa akong pumatay para lang makuha ang gusto ko.." bumukas bigla ang pinto.

Inuluwa nun sina Emily at Vicky, halata ang gulat sa kanilang dalawa. Nakita ko namang lumundag na papalabas yung babae.

Ibig sabihin. Hindi siya si Emily.

Then who is she?

"Rayne... "mahinang sambit nilang dalawa.

"Who's Rayne? Kilala niyo ba yun?" tanong ko sa kanila na agad namang ikinatango ng dalawa.

"She's Rayne Castle Veloso at ang pamilya nila ang nangunguna noon sa Rivals Family..." aniya Vicky.

"At ang dati naming kaibigan. Pero impossibleng narito siya..." aniya Emily.

"Bakit naman?" pinagtaasan ko sila ng kilay.

"Because Rayne Castle Veloso died when we are 17 years old..."

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon