Chapter 54

5 3 0
                                    

Nakatulala lang ako sa kung saan habang nasa harap ko ang mga board members. Ipinopromote nila sa akin ang isang property sa Zamboanga pero hindi ako kumbinsido.

Habang pinag-uusapan namin yun ay nagsalita bigla si Sieg.

"Paano namin masisiguro na ang property na yan ay ligtas? We all know na maraming rebelde sa Mindanao" ani Sieg.

Sa tuwing may board meeting at hindi makakadalo ang Mommy ni Sieg ay siya nalang ang nagrerepresenta.

Ang alam ng lahat ay nagkaalitan kami ni Sieg kaya hindi kami nagpapansinan.

"I'm agree with Mr. Gomez's question" ani ko. "Hindi ko maaaring bilhin ang isang property hanggat hindi ko sigurado ang kaligtasan ng mga empleyado ko na gagawa ng kahit na anong istraktura na naisipan ko. Mawalang galang na pero hindi ko ibubuhis ang buhay ng mga empleyado ko para lang sa property na yan" bumuntong hininga ako. "These meeting is done. Thank you for coming"

Tumayo ako saka walang pasabing lumabas ng conference room.

Pagpasok ko sa loob ng opisina ko, napangiwi ako ng makita ang tambak tambak na papeles na kailangan kong basahin at permahan.

Inialis ko ang coat na suot ko saka umupo sa swivel chair ko. Sinimulan ko na ang pagbabasa ng mga reports sa akin. Ang mga nagugustuhan ko ay agad kong pinipermahan at inilalagay sa loob ng kahon at ang mga hindi naman ay basta ko nalang tinatapon sa basurahan.

Habang nagbabasa't nagpeperma ako ay biglang bumukas ang pinto. Inuluwa nun si Sieg. Lumapit siya sa akin saka may ibinulong.

Nanlaki ang mata ko saka tumayo at itinulak siya ng malakas.

Ngumingisi lang siya, itinulak ko siya sa pader saka sinuntok sa panga at labi pati na rin sa may mata dahilan para pumutok ang gilid ng kilay niya.

Akmang bibirahan ko siya ng suntok sa sikmura ng biglang bumukas ang pinto at pumasok don si Claire.

Or should I say, Rayne.

Naabutan niya kami sa ganun posisyon. Nakaamba ang suntok sa mukha ni Sieg samantalang hawak ko ang kwelyo niya at nakahandig siya sa pader.

Agad na lumapit sa amin si Claire at pinaghiwalay kaming dalawa.

"Ano bang nangyagare sainyo?!" umiling lang si Sieg saka padabog na lumabas ng opisina.

Inayos ko na ang damit ko saka kinuha ang phone ko. Nag text sa akin si Sieg.

'Mabuti nalang pala at nakita kong papunta si Rayne sa opisina mo. At narinig kong may nagsabi sa kaniya na hindi ka dapat pagkatiwalaan. Pasensya na kung sinabi kong may lalaki si Vicky'

Napailing nalang ako ng naalala ang binulong ni Sieg kanina para mainis ako.

"Vicky is having a good time with a guy. Kamusta ka dito"

Yun ang sabi niya sa'kin.

Nabalik ako sa katinuan ng tumikhim si Claire. Bumalin ako ng tingin sa kaniya at kumunot naman ang noo niya.

"Ano na naman ba ang ginawa mo? Una sinaktan mo ang pinsan ko and now binugbog mo yung kaibigan mo. Ano bang nangyayare sayo?!" umupo ako sa swivel chair at hindi pinansin ang sinabi ni Claire. "Alam mo, walang taong mananatili sayo kung ganyan ang ugali mo!" ngumisi lang ako.

"Rayne will stay with me. I know. Because we love each other" ngumisi ako kahit na malaking masinungalingan lang yun. "Kung andito ka lang para sermonan ako, makakaalis ka na. At malapit na ang kasal ko kaya sana makapunta ka" ngumisi ako.

"Wala akong oras makita ang pag-iisang dibdib niyo ng walang hiyang babaeng yun..." umirap siya. "Alam kong pagsisisihan mo ang ginagawa mo at nasisiguro kong wala ka ng babalikan dahil jan sa pinaggagawa mo"

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon