Pagkarating na pagkarating ko sa bungad ng ospital ay agad akong nagtanong sa nurse kung anong room number ng kwarto ni Emily. Agad naman niya sinabi sa akin kaya tumakbo akong muli para makahabol ang elevator pero nahuli na ako.
Fuck.
Sa inis ko ay ginamit ko nalang ang hagdan para makapunta sa 7th floor. Pagkarating ko naman doon ay pagod na pagod ako ng unit hindi ko yun alinta. Ang mahalaga sa akin ay makita ang kalagayan ni Emily. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pagmay nangyare sa kaniyang masama.
Hindi ko yun hahayaan.
Para akong binuhusan ng mainit na tubig habang nakikita si Emily na nakaratay sa kama at may isang lalaking nakahawak sa kamay niya. Kumuyom ang kamao ko dahil sa nakikita akmang papasom ako ng may biglang magsalita. Kaya agad akong napalingon.
Isang lalaking may katandaan ang kaharap ko ngayon.
Sino naman ang lalaking yan?!
"Sa tingin mo maililigtas mo ang apo ko sa kapalaran niya? Nagpapatawa ka ata. Wala kang magagawa para maisalba siya. Nakatadhana siyang maging isa sa amin. Nakatadhang mangyare ang lahat ng 'to. Isa ka lang hamak na Bautista, wala ka sa katiting ng aming pamilya. Parehas na parehas kayo ng ate mo. Mga inutil. Hindi ko alam kung anong pinapakain niyo sa apo ko at nagawa niyang suwayin ang ipinag-uutos ko. Pakakatandaan niyo lang na wala kayong kapangyarihan at kayamanan na tulad ng taglay namin. Hamak na mga hampas lupa lang kayo" nag-init ang buo kong mukha dahil sa sinabi ng Lolo ni Emily. Kahit na hindi niya sabihin na siya ang Lolo ni Emily ay nahalata ko na rin basi sa pananalita. Kaya naiinis sa kaniya ang apo niya at kaya siya sinusuway dahil ang sama sama ng ugali niya. "Tandaan mo kahit na sirain mo ang kumunikasyon namin ng apo ko, mananatiling alam ko ang ginagawa at nangyayare sa buhay niya. Hindi lang dahil sa makapangyarihan at mayaman ako kundi dahil marami akong mata sa buong mundo. Alam ko ang mga pinaggagawa ng lahat. Kaya wag ka ng umasa pa sa apo ko. Parehas nating alam na hindi ka niya gusto at isa pa nga pala. Hinding hindi ka niya magugustuhan at mas lalong hindi kita magugustuhan para sa aking apo. Hindi ako makakapayag na ang makatuluyan ng aking apo ay isang tulad mo, isang hampas lupa" napakuyom ang kamao ko at napupuyos ng galit dahil sa masasakit at mapang uyam na mga salitang lumabas sa bibig ng Lolo ni Emily. Hindi siya gaya ni Emily na mabait.
Pumasok na ang Lolo ni Emily sa silid na inuukupa niya ng makita ng hindi na ako makasagot pa.
Napatingin ako sa glass window saka pinakatitigan ang kabuuan ko. Nakita ko ang sarili ko. Kinompara ko ang sarili ko sa lalaking katabi ngayon ni Emily.
Napakuyom ang kamao ko, I'm nothing. Walang wala ako. Wala akong laban. Ako kakilala lang ni Emily, yung lalaking yun baka kababata pa niya. Ako gusto ko siya pero siya ba? Ano ba ako sa kaniya? Ano ba ako sa buhay niya? Wala. Ano ba? Walang wala talaga.
Kahit anong complement ang ibato sa akin ng mga tao ay wala pa rin ako sa kating-tingan ng nga lalaking nahuhumaling kay Emily.
Ang lalaking kasama niya ngayon ay halatang mayaman. Halatang Kaya siyang buhayin. Gwapo rin ang lalaking yun at sobrang pormal manamit hindi tulad ko na paulit ulit nalang ang damit na sinusuot dahil tinatamad aking kumuha sa kabinet ng mga susuotin ko. Baduy din ako hindi tulad ng lalaking yun.
Wala akong laban.
Aalis na sana ako ng makita kong papalapit na sina Sieg sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Pinakatitigan nila ako, sinusuri nila ako pero nginitian ko lang sila.
Hindi nila naman kailangan malaman pa ang pinagdadaanan ko. Mas makakabuting manahimik nalang ako para hindi na ako masaktan pa at para wala na ring madamay. Mas mabisang paraan ang pananahimik.
"She's fine now I think" ngumiti ako at nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila. Alam ko naman hindi si Vicky kumbensido. Hindi sa kalagayan ni Emily kundi sa mga ngiti ko.
She knew me well.
"Ano ba talaga ang nangyare sa kaniya?" kumibit balikat ako. Wala naman akong alam eh. "Papasok kami, sasama ka ba?" umiling ako, saka naglakad papaalis.
Kailangan kong magpahangin, umihip ng sariwang hangin. Magpahinga para gumaan ang pakiramdam ko.
Pumunta ako sa rooftop ng ospital, iniisip ko kung paano ako nagtapos sa ganito? Hindi ko lubusang maisip na sa isang iglap ay nagbago ang rason ko kung bakit ako pumapasok sa C Class.
I just want to enter C Class beacuse I want a high grade to make my Mom and Dad proud, but I ended up having some other reason entering C Class.
Paano ako naging ganito? Paanong si Emily ang dahilan kung bat ako nagiging ganito? At paanong si Emily ang dahilan ng pagpasok ko?
Nakaramdam ako ng isang presensya sa likod ko kaya lumingon ako. Paglingon ko nanlaki ang mga mata ko ng makita yung lalaking katabi ni Emily kanina.
"So you are Shan?" tumango ako. "Then you're that fucking guy! " umiling iling siya. Halata ang iritasyon sa buo niyang mukha. "Wanna know who I am?" tumango nalang ako kahit hindi naman ako interesado. "I'm Eduardo Fernalilly, I'm her fiancée"
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napakuyom ang kamao ko.
"She don't love you" mahinang bulong na ikinangisi sa akin ni Eduardo, napayuko akong ng mariin.
"Yes she don't. And you? You are nothing. She can't love a guy who is not worth loving kase mababang uri ka" ngumiti siya saka inakbayan niya ako. "Alam mo ba kung bat siya naaksidente? Kase sa ginawa mo, pinahuli siya ng Lolo niya, Nakipagkarerahan siya sa mga tauhan ng Lolo niya para hindi siya maibalik sa England, alam mo kung bakit? She's running away kase ayaw niyang mahuli ng Lolo niya at maging empyerno na naman ang buhay niya. At ikaw ang sabi mo, poprotektahan mo siya. Umasa siya pero wala ka doon. At alam mo kung sinong andun? Ako. Ako ang andun para sa kaniya!" lumayo siya sa akin saka ngumiti. "Do you like her? Or do you love her?"
I do like her, pero hindi ko pa alam kung mahal ko siya.
Alam kong wala ng laban. Pero pwede namang maging rebound eh. Nananatili ang buong pag-asa sa buong sistema ko. Pwede naman maging sandalan niya lang ako. Okay na yun.
Okay lang sa akin.
"Well maybe you are her fiancee. Pero mas nakakasama ko siya. Mas close pa nga ata kami sainyo eh. At alam mo ba kung anong lamang ko sayo?" ngumiti ako. "I have an IQ of 125, that's all" nginisian ko siya saka binangga ang balik at niya.
Gusto mo ng laban, well mayaman ka lang, matalino ako.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Fiksi Umum[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...