Habang nakaupo lang ako sa bakuran ng Garden ng mga Veloso, tumabi sa akin bigla si Bonham.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Being with Rayne is not going to help you out of hell. Alam mo yun" napabuntong hininga ako. "Naranasan ko na matapakan ang dignidad dahil kay Rayne. Alam kong alam mo yun. Alam kong napanood mo yun"
"Yeah. I know about it. Alam ko ang magiging bunga ng mga gagawin ko. Alam na alam ko. But I don't have any choice. Gusto kong gawin 'to. Gusto kong maging mapayapa na ang lahat. Ayokong maging magulo ang buhay ko" napatingin ako sa langit. "I know how it felts to be in the dark. Pero kaya ko rin namang tumaas. Kaya ko rin namang mapunta sa liwanag"
"Pero kahit na makatakas ka dito, alam mong hahabulin ka pa rin ng konsensya mo. Alam mo ang mangyayare. Paano kung hindi umayon ang lahat sa plano? Paano kung malaman nilang hindi talaga tayo mapagkakatiwalaan? Paano ka makakatakas sa gulong ikaw mismo ang gumawa? Shan, alam mong walang takas ang pagiging bahagi ng Rivals. Alam mo yun. Noon ginusto kong makatakas sa ganitong buhay pero tinaggap ko nalang na hindi maari. Ang C Class ang naging takbuhan namin. Ang C Class ang naging pangalawang tahanan namin. Pero pagnatapos na ang isang oras babalik na naman kami sa bahay namin na puno ng gulo" ngumiti ako. Matagal ko ng alam ang magiging sanhi ng mga gagawin ko.
"I know. I want to revenge like you. Gustong gusto ko. Pero una dahil yun kay Emily. Akala ko siya ang kalaban, Akala ko lang. Tama ka, na hindi ko na 'to matatakasan. Kung hindi ko rin lang matatakasan bat ko pa uurungan? Making decisions is like putting your other half on the grave. Making decisions is a risk. Pwede mo yung ikamatay. But still I can, I have to do this. Masawi man ako, okay lang basta maging mapayapa lang ang pamumuhay ng lahat, lalo na ng pamilya ko. Marami sainyo sa Rivals ang ayaw sa pamamalakad ng Rivals Family Oldies but you have to follow the rules" tumayo ako saka naglakad Pagpunta sa loob.
Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag kase mulat sapol ay alam ko na ang ginagawa ko.
Ikasawi ko man ay hindi pa rin ako susuko hangga't hindi nananatiling mapayapa ang lahat.
Pagpasok ko sa kabahayan, nakita ko si Qin na kinakausap ni Rayne, ngumiti ako saka lumapit sa kanila.
"Mukhang seryoso ata yan ah" ani ko saka tumabi kay Qin. "Nakakaistorbo ba ako my lady?"
"Nope. Pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa darating natin kasal. I want everything to be perfect and ayokong may manggulo pa sa araw na yun. That's special to us Shan. Ayokong masira yun dahil kina Vicky" ngumiti siya saka yumakap sa akin.
"Don't worry Ms. Veloso. Ako na ang Bahala dun. Hindi ko hahayaan na may manggulo sa araw ng kasal niyo" napansin ko ang panggisi ni Qin.
It's creepy.
Tauhan siya ni Vicky pero ang sabi ni Quart ay wag namin siyang pagkakatiwalaan.
Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate yun. Sinagot ko kaagad ang tawag ng makitang si Ted yun.
"Hello Ted. May problema ba sa firm?" ani ko, nakita ko naman ang mga titig ni Qin.
[There's nothing wrong. Everything is perfect pati na rin ang pinapalagay niyong mga mamahaling gamit]
Napangiti ako sa sinabi ni Ted. Inutusan ko kase si Ted na mag deliver sa bawat ari-arian ng mga Veloso ng mamahaling gamit na may nakakabit na napakalakas na bomba. Sapat lang yun para ibura ang mga ari-arian nila.
"Very good Ted. Tawagan mo nalang ako pag may problema" ani ko sabay patay ng tawag.
"Ano yun?" ani Rayne kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wala naman. Sinabi lang sa akin ni Ted na wag akong mag-aalala tungkol sa firm dahil ayos lang ang lahat at wala akong dapat na problemahin pa" ngumiti ako.
"May lakad ka ba ngayon?" napatingin naman ako sa kaniya.
"Yes. Magbabantay ako ng company ni Beth. Baka may makalap ako na impormasyon" ani ko.
"Mag-iingat ka. Wag na wag mong hahayaan na mahuli ka nila" ani Rayne. "May pupuntahan rin pala ako. Pupunta ako sa isa sa mga properties ni Lolo sa Albay. Okay lang ba?"
"Ayos lang basta mag-iingat ka and please take Qin with you. Para hindi ako mabahala" ani ko na ikinatango naman niya.
"Mauna na ako..." hinalikan ko siya sa noo saka ako ngumiti. Pumunta ako sa balkonahe at natagpuan si Bonham doon. "Hey come with me"
Tumango si Bonham saka sumunod sa akin. Sumakay kami sa Rover na pag-aari ko saka dumiretso sa headquarters building 3 na nasa loob ng company ni Beth.
Pumasok kami doon saka pumunta sa loob ng private room ni Beth. Nakita na namin doon sina Vicky. Ngumiti ako kay Vicky pero nag-iwas siya ng tingin.
"Maupo na kayo magsisimula na tayong mag-usap usap..." panimula ni Emily. Inihanda na ni Emily ang blueprints ng bomba na ilalagay ni Bonham. "Bonham ikaw na ang maglalagay nito sa pinakamalapit na mesa ni Miguel and ibigay mo ang switch sa tauhan ko. Alam mo na kung sino sino sila okay?" tumango si Bonham. "Alam kong kaya mo'to Bonham. May tiwala na ako sayo. Please don't ruin our trust"
"I will. Maaasahan niyo ako Emily. Don't worry. Quart will kill me. Even he's dead I know he can kill me even he's dead. May plano lagi ang lalaking yun" napailing nalang ako.
"Ako na ang bahalang magdistract kina Mr. Veloso at Rayne. Wag kayong mag-aalala" tumango naman sila at si Vicky naman ay inungusan lang ako. "May problema ba sa sinabi ko?" ani ko kay Vicky.
"Ang landi mo sabi ko" natawa nalang ako. "By the way sa nalalapit na kasal niyo, papatayin kita" umirap siya sa akin saka lumabas ng Headquarters.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Napakibit balikat ako samantalang pinagtatawanan nila ako.
"What happened to that girl?" ani ko. Pinakita sa akin ni Sieg ang mga video. Mga video Kong kalaswaan kasama si Rayne. Tinampa ko si Sieg saka sinundan si Vicky.
Tumakbo ako saka nakita ko kaagad si Vicky na pumasok sa private room na nakalaan para sa amin pagwala kami sa mood na umuwi.
Pagpasok ko doon na rinig ko kaagad ang hikbi ni Vicky. Tumabi ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya pero tinabig lang niya yun.
"Vicky..."
"Don't talk to me Shan. Okay? I'm fucking fine if you're going to ask" napangiwi ako habang naririnig ang paghikbi niya.
"I'm sorry...." yun lang ang nasabi ko.
"It's okay. Wala naman akong karapatang magalit sayo kase first of all ako yung nang-iwan. Ako yung hindi lumaban. Ako yung nagpadala sa takot..." I hugged her. "Please just go away. Pagkatapos ng mission na 'to, lalayuan na kita. Pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan kong mabuhay si Rayne. Just please stay away because I can't let my heart fall for you over and over again"
"Don' t hold back please. Don't. Let yourself fall for me. Let yourself love me because Vicky... I lied. I love you. I love you over and over again. I tried not to love you but I can't because God knows how much I love you. Mahal kita Vicky. At yung singsing na ibinigay ko kay Rayne? Para sayo yun. Yes I'm mad. Very mad lalo na't nakita kitang kasama si Miguel at hinalikan ka pa niya sa pisnge, kahit na hindi yun sa labi masakit pa rin. Nagkataon din na ipinag-alam ni Mr. Veloso na kailangan naming ikasal ni Rayne kaya ginawa ko yun. I'm sorry nagpadala ako sa galit just please trust me. Just please believe me that I love you so much. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan Vicky and if ever I have a chance I will marry you over and over again kahit ngayon na pero masyado pang magulo ang mundong ginagalawan natin" hinalikan ko siya sa noo. "Remember that I love you so much"
"Kaya pala umalis kaagad si Claire nung araw na yun. In the café right?" tumango ako. "Kaya pala...." nakita ko ang pagngiti niya. "Let me take back my ring" natawa nalang ako sa sinabi niya kay niyakap ko siya ng mahigpit.
Kahit kailan hindi ko na hahayaan mawala sa akin si Vicky.
Hindi ko na siya papakawalan.
Mrs. Vicky Michaela Agiunaldo Bautista.
It fit's in.
And our son should be name as,
Shannon Vladimir Bautista.
Our daughter should be name as,
Victoria Ssyric Bautista.
Hmmm that's a good name.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...