Andito kaming sampo sa loob ng secret room sa loob ng bahay nina Ate Shane.
Ako, ang asawa kong si Vicky, si Martin na asawa ng ate ko, si Ate Shane, si Sieg, si Beth, G at Quart.
Tulog pa ang mga bata kung kaya't naisipan naming panoorin at basahin ng sabay-sabay ang ibinigay ni Sharon sa amin.
Nakaupo kami sa pa arc shape na couch. Sa dulo ay nakaupo kaming pareho ni Quart. Sumunod naman kay Quart ay ang asawa niyang si G, sumunod ang mag-asawang sina Emily at Bonham. Katabi ko naman ang asawa ko, sumunod sina Sieg at Beth. Nasa pinakagitna naman sina Martin at Ate Shane.
Sa aiming lahat ang bayaw ko na si Martin ang pinakawalan alam.
"Whatever happens tandaan na hindi namin hahayaan na madamay ka sa gulo ng mga pamilya namin..." aniya Ate Shane saka ngumiti sa asawa niya.
Hinawakan naman ni bayaw ang magkabilaang pisnge ni Ate.
"Kung anomang problema o gulo yan ay kasali na ako dahil mahal na mahal kita..." ngumiti ito ng matamis kay ate.
"Tama si Martin, Ate Shane..." aniya Beth.
"Alam naming alam mo na ang tungkol sa C Class ngunit hindi ko pa rin alam ang hidden agenda ng C Class..." aniya Bonham na nakatingin sa ibaba.
"Maaaring ikapahamak mo kapag nalaman mo ang tungkol sa Rivals" aniya Quart.
"Rivals?" napatingin kami kay Emily ng magtanong na kaagad si bayaw tungkol doon.
"Rivals Family..." simple ng aniya naming siyam.
"Anong ibig sabihin nun?"
"Pamilya ng mga makapangyarihan..." aniya Vicky.
"Pamilya ng mayayaman..." simple ng lathala ni G.
"At pamilya na nag-aagawan para makuha ang pinakamataas na ranggo sa mga makapangyarihan..." ani Ate Shane.
"Ang Rivals Family ay mga pamilya ng makapangyarihan, mayayaman at marking koneksyon. Nauuna ang pamilya namin. Ang mga Alonzo. Sumunod ang mga Aguinaldo, pang tatlongpo naman ang mga Villa, ang mga hidden families ay ang mga Zamora, Gomez, Scherzo at ang bagong usbong na Bautista. Dahil nga isang Aguinaldo si Georgina ay kasali na rin siya sa digmaang 'to. At ikaw Martin..." yumuko si Emily." Sa ayaw at sa gusto mo ay kasali ka na sa gulong' to dahil kasal na kayo ni Ate Shane. Isa ka ng Bautista..."
"At hindi lang yun. Pati ang mga anak natin ay awtomatikong kabilang na sa Rivals. Ang isa pang tungkol sa Rivals ay mga masasama sila at puro illegal ang ginagawa at doon naman mapapasok ang C Class. Ginawa ng Kuya ni Emily na si Emilio ang C Class para sa mga tagapagmana, bunsong anak, gitna man o kailanman sa pamilya nila basta hindi sang-ayon sa pagpapatakbo ng Rivals ay agad na iniimbitahan sa C Class. Ang hidden agenda ng C Class ay ang paghahanda nila para pigilan ang mga Veloso. Ang mga Veloso ang gumawa ng Rivals at sila rin noon ang nangunguna sa Rivals, sila ang nagpasimula ng illegal na mga gawain at ng mapamulat ang iba ay nag-aklas sila ngunit ang mga nag-aklas ay namamatay. Ang mga Aguinaldo at Alonzo at tumahimik na lamang at doon ginawa ni Emilio ang C Class..." pagpaliwanag ni Vicky.
Halata naman sa mukha ng bayaw ko ang gulat.
"Tapos na ba ang digmaan?" aniya Martin.
Lahat kami ay nagkatinginan saka sabay na nailing at napayuko.
"Hindi maaaring madamay ang mga anak natin!"
Napayuko kami ng sobra.
"Hindi maaari..." aniya Quart.
"Bakit?!"
"Kung hindi sila makakapasok sa C Class kung saan ay saklaw ng Rivals na hindi sang-ayon, ay ituturing silang kalaban. Ang mga kabilang sa Rivals na hindi saklaw ng C Class ay ituturing na kalaban. Nasa sa atin na kung ipapasok natin sila sa C Class o pananatalihin sa puder natin, paghindi sila pumasok sa C Class dalawa abg papatay sa kaniya. Ang C Class Students at Rivals Family..." aniya Beth.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Aktuelle Literatur[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...