Lumabas muna ako ng bahay magpahangin pero napamaang nalang ako ng makita ko sa may bench si Vicky na nakaupo at nakatingin sa kalangitan.
Nilapitan ko siya saka umupo sa tabi niya. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.
"Bakit ka lumabas?" aniya Vicky habang nakatulqla sa mukha ko. "Gabi na. Mamaya ay pupunta pa tayo sa C Class. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka na"
Why are you being so clingy?
"I'm fine Vicky. Ano pala't naparito ka?" umiwas siya ng tingin saka tumingin sa mga bahay bahay.
"I wanted to check if you are okay. Gusto kong makita na okay kayo ni Ate Shane. Na okay ang pamilya niyo. Hindi mo pa alam ang mga kaya ni Emily. Lalo na ng pamilya nila" ani Vicky. "Masyado silang makapangyarihan na kahit kami ay kaya nilang patumbahin. But we will do what we can..."
"You don't have to this just for me..." yumuko ako.
"Yes I know that I don't have to. But I want to" ani Vicky saka ngumiti. "You can always count on me Shan. Kaya kong gawin ang kahit na ano basta mapapasaya ka ng bagay na yun. Exaggerated man eh wala akong pakialam. I know that you know that I like you but that is not the real reason. Kaibigan mo 'ko kaya tutulungan kita hindi lang para sa ikakasaya mo pati na rin sa kaligtasan mo" those word made me stilled.
Vicky is a perfect woman.
Sa layo ng pag-iisip ko ay napasinghap ako ng may biglang mag flash. Doon ko lang din na halata ang dampi ng labi ni Vicky sa pisnge ko.
Tinitingnan ni Vicky ang mga litrato habang ngumingiti. Nang mapatingin siya sa akin ay agad ko siya ng sinamaan ng tingin.
"Para saan yan?" ani ko.
Tumayo siya saka ngumiti sa akin.
"Just wait for a super duper bomb explosion" nawala na sa paningin ko si Vicky ng sunqkaybsiya sa kotse niya at pinaharurotyun.
Ano naman kaya yun?
I was playing with my tennis ball when someone entered my room. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino yun dahil alam ko ang amoy na yun.
"So you are banned in C Class?" hindi ko lang pinansin ang tanong ni Ate Shane. kahit anong sabihin ko si Emily pa rin ang papanganigan niya. I know that I was wrong but she deserves it anyway.
"Yan lang ba ang kailangan mo kung bat nandito ka?" tiningnan ko sa mga mata si Ate Shane at alam kong nagulat siya ng makita ang ekspresyon ng mukha ko. "I have something to do"
"S-shan....." umiwas ako ng tingin. "I have to go..." tumango lang ako at lumabas na si Ate.
Wala pa man sa kalahating oras ang paglalaro ko sa tennis ball ko ay may pumasok na naman. And this time binitawan ko na ang tennis ball ko at humarap sa kakarating lang na kaibigan ko.
"Bat ba ang kupad mo Sieg?" nagkibit balikat si Sieg kaya napailing nalang ako. "Dala mo?"
"Of course" inilabas niya ang isang phone niya at ang laptop niya na panggamit niya para manghack ng mga accounts. "Naeexcite ako. Teka ano bang balak mo ngayong banned ka na sa C Class?"
"Wala naman akong gagawin eh, mag-aaral lang ako..." ngumisi ako,.
"Of course you're not just going to study. Don't fool me. Ano bang balak mo?" Sieg knows me well.
"Well, mag-aaral nga ako ng mabuti. Pagnaging Summa cum laude ako, mas magiging madali ang pagkilos ko. Ayokong paglaruan niyo ang mga grades niyo. Don't hold back, alam ko namang deserve niyo rin yun" ngumiti ako kay Sieg.
"Oo nga pala. Ngayong banned ka sa C Class ibig sabihin makakagalaw ka ng maayos..." tumingin siya sa akin saka napangisi. "You planned that right?"
"Well yeah. Sinabi mong pag umalis at nagrebelde ako laban sa C Class ay mapapahamak ako pero kung ang C Class Council na mismo ang nagsabi ng umalis ako eh di wala akong dapat ipag-alala. Alam ko talagang uuwi kasabay ni Ate Shane si Emily. Alam ko ring pupunta siya sa C Class. Paano? Well, nalaman kong pupunta si Emily sa C Class dahil sa narinig ko silang magkausap ni Ate Shane sa phone. Kahit walang pangalan na tinutukoy alam kung kakausapin ako ni Emily dahil dun. Hindi naman na ako nagulat sa nangyare. Ang hindi ko lang alam kung papatalsikin ba ako or temporary lang ba" ngumiti ako saka napataw ng magpormang 'o' ang bibig ni Sieg.
"Mas mataas man ang IQ ko sayo pero bakit parang ang isip mo pang lawyer o kaya naman imbestegador" naiiling nalang na umupo si Sieg. "I'm on your side. I don't like Emily too. Kase unang kita ko palang sa kaniya alam kong may mali at tama nga ako. Hinack ko ang account ni papa para hanapin ang tungkol sa mga Watts ang guess what? Hindi Watts ang totoong apelyido nila kundi Alonzo. Kilala ang Alonzo bilang drug dealers at kilala din silang mga mamatay tao sa England. Hindi lang sila nagagalaw dahil sa nagkalat ang connection nila sa buong mundo" napatango tango ako. "At may isa pa, ang C Class ang unang ginawa ni Emily, at hindi alam ng Lolo at mga connections nila ang tungkol doon. Wala ring totoong datos ang C Class. Ibig sabihin illegal na ginawa ang C Class. Nasabi ring meron noong app para makabilang ka sa C Class pero ngayon tiningnan ko ay wala na. Possibleng totoo yun o gawa gawa lang" wala naman akong pakialam. "Marami pa akong nalaman at isa na don ang dapat hindi tayo magalit kay Eduardo, he's a prince at ginagamit lang siya ng mga Watts, este Alonzo para sa kapangyarihan"
Napakuyom ang kamao ko. Kung ganun bat ganun ang sinabi ni Eduardo sa akin?
"At Shan, I think you should know this" tumingin ako sa kaniya. "Si Emily ang rason kung bakit nalaman ng iba na nandaya ang Ate Shane mo...."
Imbes na magulat napakuyom ang kamao ko.
Kaya pala sabi niya tapos na ang obligasyon niya sa ate ko at sa pamilya ko.
Ngumiti ako ng mapait saka inilabas ang folder ng lahat ng nakalap ko tungkol sa C Class.
Isa isa ko yung pinakatitigan at napangiti ako ng makita ang isang content.
Lahat ng mga matataas ang posisyon sa C Class ay lahat may kaso. Mabibigat na kaso.
"Should I put them on bars?" ngumisi ako kay Sieg. "Ow may use din pala ang pagtake ko ng Architecture at 2 years na Engineering kase tinamad akong tapusin..." ngumiti ako. "Diba Law si Beth?"
Tumango si Sieg.
Great.
"Si Vicky naman medicine pero ewan ko ba dun graduating siya ngayon sa pagiging business woman" tumango tango ako sa sinabi ni Sieg.
"Then we will fire up when time comes" ngumisi ako. "Let's make an empire? You want?"
"Yeah sure"
Maghintay ka lang Emily.
Ako mismo ang magpapabagsak sainyo, mapa Watts ka man o Alonzo wala akong pakealam.
Hindi ako titigil.
Hindi titigil ang buong pagkatao hanggat hindi kayo nagbabayad.
That innocent Shan you've fool will stand and kick you to a living hell.
You made me lose the Shan Bautista that everyone knows.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...
