Chapter 46

7 3 0
                                    

Kinabukasan wala namang training kaya napag-isipan namin ni Rayne na umalis na muna at pumunta sa mall. Kasama rin namin sina Bonham at Qin.

"Ms. Veloso ano pong gagawin natin sa mall?" ani Qin habang nagdadrive.

"Bibili na tayo ng gagamitin natin sa party na gaganapin sa England at mamaya aalis na tayo papuntang England" ani Rayne saka yumakap sa akin.

"My lady..." ani ko at napatingin naman siya sa akin. "Pwede bang mamaya ay hihiwalay kami ni Bonham sainyo?"

"Bakit ako ang kasama mo?!" reklamo ni Bonham.

"Tumigil ka!" ani ko. "Please?"

"Sige pero mag-iingat kayong dalawa" tumango ako. "At wag na wag kang lalandi ah"

"Hmm thank you. And I won't my lady..." ngumiti ako.

Pagkarating namin sa mall agad kaming dinumog. Ewan ko ba kung bakit.

"Mr. Bonham what can you say about the new boyfriend of your ex-girlfriend in England?" ani ng isang reporter.

"All I can say is, he's good looking but I'm handsome. Later we are going back to England let see if he can beat me in popularity and wealth" ang hangin ng lalaking 'to.

Umalis na kaagad kami doon saka kami naghiwa-hiwalay. Tinulungan naman kami ng guard para makabali kami ng mga gagamitin namin.

Pumunta kami sa isang jewelry shop.

"Anong ginagawa natin dito?" ani Bonham.

"Secret..."

Pumasok ako doon saka pumili ng singsing. Mabuti na lang at dala ko ang credit card ko para makagastos ako. Nakapagpareserve na ako dito noon pa all I have to do is pick it up.

"Good morning Mr. Bautista..." ani ng isang babae. "Here's your ring. Have a good day sir" kinuha ko na yun at itinago sa loob ng jacket ko.

"Tara na..."

Umalis na kami doon saka pumunta sa private boutique na pinuntahan nina Qin.

Nakita naming andun si Qin at Rayne kaya pumasok na kami.

Agad kami ng inasikaso doon.

"My lady how about if I wear a red tuxedo para magmatch sa suot mo?" ani ko habang nakatingin kay Rayne.

"Hmm that would be nice. Teresa! A red tuxedo and please the most expensive" napailing na lang ako.

Tumalima naman yung babaeng Teresa ang pangalan. Pagbalik niya may dala na siyang pulang tuxedo. Kinuha ko naman kaagad yun saka pumunta sa fitting room.

Lumabas ako ng nakangiti at bigla na lang akong niyakap ni Rayne.

"Aw ang gwapo mo sa suot mo" natawa na lang ako. "Bagay na bagay tayo...."

Pagkatapos naming mamili ng damit ay agad kami ng pumunta sa bilihan ng sapatos.

Wala namang bago sa mga pinili ko pero ako na mismo ang pumili ng heels ni Rayne.

I pick the silver one at bumagay naman yun sa paa niya at nasisigurado akong bagay yun sa damit niya.

Pagkatapos namin doon ay pumunta na kami sa restaurant na pinareserve ni Qin. It's a Filipino Restaurant kaya magana kaming kumain. Paminsan minsan ay sinusubuan ko pa si Rayne. Sina Qin at Bonham naman busy sa pagkain at sa phone nila.

Pagkatapos naming kumain ay nag arcade muna kami of course request ni Rayne. Never pa kase siyang nakapaglaro ng arcade.

Nang maubos namin ang 500 tokens na binili ni Rayne ay dumiretso na kami sa mansion.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon