Chapter 21

14 2 0
                                    

Halos dalawang buwan din kaming hindi na kompleto. Simula ng marinig ko ang sinabi ni Claire. Hindi ko alam pero may parte sa isip ko na sinasabing tama si Claire.

Tama naman talaga siya eh.

Hindi ako dapat masyadong magtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin.

Ayokong mawalan ulit ng kaibigan. I'm still trusting them pero hindi pa rin mawala sa akin ang pagdududa. Nangyare na sa akin yun eh. Nung niloko kami ni Emily 

I trusted her. Pero sinira niya ang tiwalang ibinigay ko.

Tama si Claire na walang katahimikan ang buhay ko lalo na at nakikisangkot ako sa gulo ng mga Alonzo. Ang mga taong kayang pumatay sa isang iglap lang. Ang pamilyang walang sinasanto.

Pero tama nga ba ang naging disesyon ko?

Na lumaban para sa hustisya't katarungan na hangad ko gamit ang dahas?

Paggumamit ako ng dahas alam kung hindi 'to mata tapos.

Walang katapusan ang pinili kong para an sa pagganti.

Pero kung hindi ko 'to gagawin alam kong maraming sibilyan ang madadamay sa katarantaduhan ng pamilyang Alonzo.

Every time I look in my friends, napapaisip ako bigla.

Pagkakatiwalaan ko ba sila gayung alam ko na iisa sila ng katayuan sa buhay na maaaring kasangkot sa gawain ng mga Alonzo?

Kaya ko bang pagkatiwalaan sila kahit na hindi ko pa sila lubusang kilala?

Tama si Claire. Maraming sikreto ang pamilya ng mga kaibigan ko. Ang ikinakabahala ko lamang, paano pag tinrydor nila ako, ano nalang ang mangyayare sa akin?

I can't stand on my on.

Noon hindi ako dumepende sa iba pero iba ang sitwasyon ko ngayon. Sa gulong pinasukan ko kailangan ko ng mga taong mapagkakatiwalaan ko.

Hindi matatapos ang lahat kung hindi ako lalaban.

Sa makatuwid paano ako lalaban kung nag-iisa nalang ako? Paano ko kahaharapin at lalampasan ang kinakatakutan ko?

Ayokong maging mag-isa.

Ikakamatay ko at ng buong mahal ko ang gagawin ko kaya kailangan kong maingat.

Tama ang sinabi ni Claire na sa gulong pinasukan ko, sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.

Last semester na at mahigit dalawang linggo nalang ang natitira sa amin para manatili sa ADMU. Kasalukuyang ako pa rin ang nangunguna na sa klase. Points lang naman ang inilamang ko kina Beth at Sieg eh. May dalawang linggo at mahigit pa para mahigitan nila ang kaya ko pero hindi ko sila hahayaang agawin ang pagiging Summa cum laude ko.

I failed my parents before but not this time.

Ilang linggo na rin ng huli kong makita si Vicky. Umuwi siya sa England dahil may aasikasuhin daw pero wala manlang sayang sinabi sa akin. Kung hindi pa nadulas si Sieg hindi ko din malalaman.

Si Beth naman hindi namin nakakasama dahil nagtitrain siya kung paano patatakbuhin ang imamana niyang kompaniya, I mean mga kompanya.

Si Sieg namin busy sa pag-aaral at busy sa pinapagawa ko sa kanila. Sabi ko naman na wag na muna niya yung isipin pero masyadong matigas ang bungo niya kaya hinayaan ko nalang siya. Buhay naman na niya yun eh.

Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip kung kakayanin ko ba ang mga pagsubok na maaaring dumating sa buhay ko, lalo na sa samahan namin nila Sieg. Ayokong magkawatak watak kami pero wag lang nila akong tatraydurin kase hindi ko alam kung anong magagawa ko.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon