Nasa loon kami ng classroom pero parang lutang pa ata ako. Napatingin ako sa paligid.
Hindi ko alam pero parang lasting may nakamasid sa akin.
Akala ko noon guni-guni ko lang pero ngayon 0arang kahit saan ako magpunta nakakaramdam ako ng may nagmamasid sa akin.
Umiling iling ako para ibalin ang atensyon ko sa unahan.
"Okay class we will start our quiz" napaface palm nalang ako dahil sa pasurprise quiz ng magaling naming Prof. Nakakainis ang Prof na'to. "Get a one half sheet of paper" di katulad sa ibang university dito sa ADMU ay ganito ang pagbibigay nila ng surprise quiz.
Madali lang naman ata.
Wala naman akong pakealam kahit na anong score ko dito eh. Nang ibigay na ni Prof Aguinaldo ang tset paper ay timing an ko muna yun at agad kong sinagutan.
Napangiti ako ng tama nga ang sinabi ni Teacher Justine Mae Saberon. Ito ang ibibigay na quiz saamin.
Pero ang katanungan sa isip ko, paano niya nalaman?
Paano nila nalalaman ang test paper na gagamitin namin?
May source KAYA sila sa pamahalaan? PERO impossible, hindi papaya ang DepEd nun.
Makalipas ang isang oras ay natapos ko na yun. Pinakatitigan ko muna yun saka inalala ang sinabi ni Teacher Justine Mwe Saberon. Pag hindi klarado ang tanong ang laging magiging sagot ay letter A.
Napangiti ako.
Pinasa ko na sa Prof ko ang answer sheet ko, napangiti ako ng makita ko ang iba kong kakilala sa Cheater's Class. Ngumiti sila sa akin kaya ngitian ko rin sila.
Akalain mo yung nangunguna at pumapangalawa sa Block naming eh nasa Cheater's Class din.
Kaya pala.
"Time's up. Past your paper finish or not finish pass your paper!" pinigilan ko lang ang tawa ko habang nag-aayos si Prof ng papers. "Mamaya i-aannounce ko kung sino ang may pinakamataas ng iskor" tumingin muna siya sa aiming lahat. "Class Dismiss" lumabas na kami ng room saka pumunta sa cafeteria. Kasa-kasama ko ngayon ang mga kasamahan ko sa Cheater's Class. Lahat na ata ng mga estudyante ay nakatingin sa aming tatlo. Ikaw ba naman ang tatlong nag-aagawan sa pagka Summa cum laude ay magkakasamsa.
Diba ang weird?
Nag-order na kami ng kakainin naming at pumunta sa pwesto naming tatlo. Mula ng mapunta ako sa Cheater's Class, mas gumaan lahat ng ginagawa ko. Ganito rin siguro ang naramdaman ni Ate Shane noon.
Siguro nga.
"Mag-aattend ba kayo ng C Class mamaya?" tumango si Sieg na pumapangalawa sa klase naming. "Eh ikaw Shan?" tumango ako sa tanong ng nangunguna sa amin na si Beth. "Cool. Ako rin"
"Oo ng apala matagal na ba kayo sa C Class?" nagkatinginan sina Sieg at Beth. "Don't tell me..."
"Simula ng dumating ka dito sa ADMU ay pumasok na kami sa C Class. Dahil na rin sa takot naming sa kaya mo. You are one of the most intelligent person I ever knew. Kilala ang mga Baustista sa pagiging matalino at laging nangunguna sa klase nila. Natakot kami kaya gumawa kami ng paraan para lang malamangan ka naming dalawa" napayuko si Sieg. "Pasensya na. Ikaw talaga dapat ang nasa top at hindi kaming dalawa"
"Ayos lang naman na yun sa akin eh. At least dahil dun napapamukha ko sa mga magulang ko na hindi lang Bautista ang lagging nangunguna" nagsingitian kami saka nagsimulang kumain. "Oo nga pala ilan ang IQ niyo?" Napatingin sila sa akin. "Just asking, my IQ is 125 only"
"I have an IQ of 132" ani Beth. Kahit naman hindi siya pumasok sa C Class ay mas mataas pa rin ang IQ niya kes sa akin.
"Ako naman eh 125 din gaya mo" ngumiti sa akin si Sieg Kaya napangiti din ako.
This is my life now.
Because of C Class.
"Can I request something?" napatingin silang parehas sa akin. "Pwede bang ako ang maging Summa cum laude?" naghintay ako sa sasagutin nila.
Sana pumayag sila. Nais ko lang naman na magingproud sa akin ang mga magulang ko kaya ko nga 'to ginagawa. Ang C Class lang ang magiging paraan ko.
Alam kong mali ang pandaraya pero disedido na ako na mating proud sa akin ang mga magulang ko. Magagawa ko lang yun sa tulong ng C Class at pag pumayag sina Sieg at Beth.
Gusto kong manguna hindi para sa sarili ko kung hindi dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko. Natatakot ako na baka ma disappoint ko na naman sila.
Alam ko naman na napapagod na sila sa kakatrabaho pero ako ito chill lang. Gusto ko din naman suklian ang lahat ng yun kahit ngayon lang. I will cheat for me to have high grades at para na rin hindi nila ako pagalitan.
Immature man sa tingin ng iba pero para sa akin ang hangad ko lamang ay mapangiti, mapasaya at magbigay ng kaligayahan sa mga magulang ko kahit sa ganitong paraan lang.
Napawi ang buong pag-iisip ko ng makita ko ang pagngiti nilang dalawa.
"Syempre naman" napangiti ako sa sinabi ni Beth. "Marami kaming kinuhang oportunidad sayo. Lahat ng dapat sayo ay napunta sa amin. Kaya dapat lang na makuha mo ang pinakamataas na parangal. Alam namin nararapat na makuha mo yun kase matalino ka. Hindi ko alam pero kahit kase hindi ka pa noon nakakapasok sa C Class ay nahirapan na kami ni Sieg. Paano pa ngayong nasa C Class ka na?" natawa nalang ako ng sumimangot si Beth.
"At isa pa siguro naman tama na ang pangunguna naming dalawa. Tama na NGA siguro yun. Sapat naman na yun sa amin eh. This time magtulungan tayo para makaangat sa lahat. This time hindi tayo ang magkukumpitensyong tatlo. Magtutulungan tayo para na rin sa ikabubuti ng bawat isa" ngumiti ako sa kanila.
Ganito pala ang pakiramdam pag komportable ka sa isang tao. I'm comfortable with Beth and Sieg.
Alam ko kase na mabuti silang tao. Kahit naman pumasok kami sa isang klase na ang tinuturo ay pandaraya, mabuti pa rin kami.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Ang dating magkakaagaw sa unang parangal, ngayon ay magkakaibigan na. Paano yun nangyare?
Because of Cheater's Class.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...