Chapter 49

5 2 0
                                    

"Play the Red one" ani ko para mabawasan ang tensyon sa amin. "Now Sieg"

Kahit na ayaw ni Sieg ay ipinlay na niya ang Red USB. Napatutok na naman kami roon.

Yun ang unang beses na makilala namin si Claire.

Sa Training Center.

Napatingin kami.

Maaga siyang nakaupo doon sa Training Center.

Hindi pa siya nakaayos bilang Claire. May hawak hawak siyang sulat, bigla yung nazoom kaya napabasa rin kami.

'Mahal kong anak,
Gusto kong bawiin mo sa mga Alonzo ang dapat na sa atin. Hindi sila nararapat doon. Hindi sila dapat nasa itaas. Dapat ang pamilya lang natin ang nasa itaas. Alam kong hindi ka pababayaan ng lolo mo kaya alam kong nasa mabuti kang kamay pagnagkataon na masawi kami. Namatay ang Kuya mo dahil sa Alonzo at Aguinaldo. Masyadong nabulag si Cameron sa pag-ibig niya sa hamak na isang ordinaryong babae. Wag kang maniniwala na kaibigan ka nila. Nililinlang ka lang nila. Pagnakaharap ka, kaibigan ka nila pero pag hindi ay sinisiraan ka. Anak mag-ingat ka palagi. At wag kang magpapatalo.

Ang iyong ama,
Robin Cameron, Sr.'

Biglang nawala ang video at napalitan naman ito ng isang video na si Quart ang nasa harap ng Camera.

"Alam kong hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko pero, 17 years old sina Emily ng mamatay ang totoong Claire Aguinaldo. Ipinapatay nila si Claire, si Claire ang dapat na papakasalan ko pero pinatay siya. Nang lumaon umibig ako sa isang babae na nagngangalang Yushiha Osaka, isang Japanese. Akala ko tapos na ang kasunduan namin sa mga Veloso pero hindi pala. Nang makatakas ako noon ay pumunta ako sa bahay na tinutuluyan nina Yushiha, pero nang papapasok palang ako na rinig ko ang putok ng baril at lumabas ang mga tauhan ng mga Veloso. Ang huling lumabas ay si Mr. Veloso, may hawak siyang silver na baril at bakas dun ang dugo. Tumakbo ako, kaya agad akong pinahanap ni Mr. Veloso sa apo niya. Nang malaman noon ng mga Veloso ang tungkol sa relasyon nina Vicky at Shan, agad na kumilos si Rayne para makuha si Shan, para hindi maging masaya si Vicky. Siya rin ang dahilang kung bakit nasabi ni Emily ang mga bagay na hindi naman dapat niyang sabihin. Tinangkaan ni Rayne ang buhay ng lolo ni Emily kaya kung anong nakasaad sa papel na ibinigay ni Rayne sa kaniya ay yun ang sinabi niya" napatingin kami kay Emily, umiiyak siya. "That day na inihatid ni Claire si Shan sa Firm ni Mrs. Shyra Gomez na mommy ni Sieg ay pinlano talaga nila. Pag-aari ng mga Veloso ang building na katapat ng pinapagawa ni Mr. Wong. Dahil kasosyo ni Mr. Wong si Mr. Veloso pero lumihis siya ng landas. That day dapat papatayin na si Sieg ni Rayne pero humarang ako at ako ang natamaan, hindi naman nakatira ulit si Rayne dahil nakita niya si Shan.... "

Ang ibig sabihin si Sieg ang pakay niya noon.

"Rayne is madly in love with Shan, simula nung Quiz Bee na makalaban ni Shan si Emily. Rayne was there. Nang lumaon hindi na katulad ng dati si Rayne. Sumama na ang ugali niya dahil sa mga salitang naging lason mula sa ama at lolo niya. That day na nabaril ako, doon din nangyare ang panglalatigo niya sa akin ng makaalis ako sa hospital. Lahat ng pagkakataong nakita niyo si Claire ay daan lang niya para pag-aralan ang galaw niyo. Sinabi niya noon na wag magtitiwala sa kung sino sino. Alam kong naghinala na si Shan pero ayaw niyang isipin na ma gagawa yun ni Claire. Claire was trying to say that 'Don' t trust anyone, specially, me'. Sa tuwing balak niyong ipaalam kay Claire ang gusto niyong malaman niya tungkol sa plano niyo ay lagi kong kinokontra dahil hindi pwede. Kase mapapahamak kayo. Pasensya na kung hindi ako nagsabi. Ayokong masaktan kayo. At mapahamak. At isa pa ang unknown number ay si Rayne. Si Rayne lang ang gumugulo sainyo noon at nung panahon na si Claire ang kasama mo Shan may inutusan si Rayne na gamitin ang sim card niya para I-message si Shan at sabihing papatayin niya si Claire. Nilalayo ni Rayne ang usapan tungkol sa kaniya sa pamamagitan ni Claire"

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon