Chapter 44

6 2 0
                                        

Kinabukasan ay pinaghanda na ako ni Rayne, may pinuntahan muna siya kaya hindi na siya makakasabay sa akin papuntang Cebu. Susunod nalang daw siya.

Inayos ko na ang gamit ko at hindi ko manlang inalis ang electrical equipment na nasa ibaba ng kama ko.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon at pumasok ang isang lalaking nakacoat kasabay ng mga maid.

"Your breakfast Mr. Bautista. At exactly 9 am ay aalis na tayo. Be ready" tumango ako. Sinenyasan niya ang mga maid na ilapag ang pagkain.

"Teka... Saan nagpunta si Rayne?" ani ko.

"Some mission, pero mamayang hapon andun na siya sa Cebu. Now if you'll excuse us..." ngumiti siya.

He looks familiar.

Pagkaalis nila agad kong kinuha ang tablet na itinago ko sa CR. Inilabas ko yun at ini-scan ang pagkain.

Mahirap na baka may kung ano 'to.

Nang makitang wala namang kahit ano na makakasama sa akin agad akong kumain. Pagkatapos ay nagligo't nagtootbrush ako. When I about to go out the bathroom nagvibrate ang tablet ko. Napatingin ako doon.

'We are already on Cebu. Stand by na kami'

It was Beth.

Pero paanong nalaman niyang papuntang sa Cebu kami ngayon?

Ow.

Hinack ata nila ang hidden camera na andito.

Napailing nalang ako saka tuluyang lumabas.

Ipinasok ko na sa loob ng bag ko ang tablet ko at saka lumabas na ako.

It's already 8:50 kaya malapit na kaming umalis.

Pagkalabas ko nakita ko si Bonham na kausap ang lalaking pumasok sa kwarto ko kanina. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.

"Hmm Mr. Bautista..." ani Bonham saka nakipagkamay sa akin. "Take that chopper may kukunin lang ako sa loob at susunod na ako sainyo...." ngumiti siya samantalang tumango lang ako at sumakay sa tinuro niyang chopper.

Habang naghihintay ako binuksan ko ang tablet ko na nakanormal mode. Tiningnan ko ang mga email. At agad kong dinelete at hindi binasa ang mga email nina Sieg. Binasa ko nalang ang email ni Ted.

'Sir, someone went to your office and he said he' s your friend'

And then I replied.

'Si Sieg ba?'

'Wala siyang sinabi but he said the word C Class. Palagi ko kayong naririnig na sinasabi yun kaya pinapasok ko na'

Who the fuck is that guy?

Si Sieg lang ang kaibigan ko sa C Class.

Napatigil ako sa kakaisip ng pumasok si Bonham.

Agad kaming lumipad papuntang Cebu.

Habang nasa chopper hindi ko maiwasang mapatingin kay Bonham. Kanina pa siya nakatutok sa cellphone niya. Ako naman ay nakatingin lang sa labas.

It's weird.

Pagkarating namin sa itaas ng isang building bumaba agad kami at may tiningnan muna si Bonham bago kami bumaba sa building. Pagkalabas namin sa building may Hammer na sasakyan ng nakaabang sa amin. Agad naman kaming pumasok doon ni Bonham kasama and lalaking nakacoat.

"Saan tayo pupunta?" ani ko.

"Sa mansion ng mga Veloso..."napanganga ako.

"Hindi pa ba yun ang mansion nila?" umiling siya. "Wow..." nailing ako. "Ano nga palang pangalan mo?"

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon