Lahat na ata ng empleyado ko ay nasinghalan ko ngayong araw. Kahit na si Quart nasinghalan ko. Hindi ko alam pero epekto ata 'to ng sabi ni Vicky eh.
I miss her.
Lagi naman.
At ngayon nagbalik na siya.
She wants to talk to us.
Nailing nalang ako pag naalala ko ang kabalastugan ko dahil lang sa excited akong makita't mausap siya.
Yes it's sounds crazy. Taon din kaming hindi nagkita.
Nag-iba nalang ang emosyon ko ng maalala ang nagawa kong pagsinghal kay Vicky. Yes I know that I have rights to be angry with her and raised my voice to her pero mali pa rin yun.
Alam ko naman masasaktan ko siya pero sige pa rin ako sa pagsigaw.
Oo maraming pagkukulang sa amin si Vicky pero hindi yun sapat na dahilan para sigawan ko nalang siya ng basta basta.
She have her reasons at ngayong araw ay malalaman ko kung ano yun.
I know it sounds crazy, but I'm mad at her at the same time, I miss her.
Siya lang naman ang babaeng bumaliw sa akin. Na kahit anong gawin ko, siya at siya pa rin.
Naiiling nalang ako. Tiningnan ko ang orasang pambisig ko. Alas kwatro pa lang ng hapon, may dalawang oras pa ako para magtrabaho.
I want to see her.
Gusto ko na siyang tanungin kung bat siya umalis. Kung bakit hindi manlang siya nagpaalam ng maayos.
Kung bakit tinutulungan niya akong pabagsakin sina Emily kahit na kabilang siya sa Rivals Family at mag best friends pa sila.
Kung bakit hindi manlang siya tumawag sa loob ng maraming taon.
Kung bakit hindi manlang niya sinabi sa akin na kabilang siya sa Rivals Family.
I want to shout at her. Pero alam kong walang patutunguhan ang pag-uusap namin kung papairalin ko ang init ng ulo ko.
Siguro kung bigla nalang siyang sumulpot nun at kinausap ako, nagsigawan na ata kami.
Masakit sa akin ang pag-alis niya. Pati na rin ang pagsulpot nalang niya bigla. Lagi nalang kaseng ganun.
Si Emily iniwan din ako saka bumalik siya.
Ganun din ang ginawa sa akin ni Vicky.
Destiny atang masaktan ako.
Naiiling nalang ako. Ibinalin ko ang lahat ng atensyon ko sa ginagawa kong sales report.
Ayokong umalis dito na hindi tapos ang mga kailangan kong tapusin.
"Hey Shan..." napaigtad ako ng marinig ang boses na yun. "You look so busy huh?"
Nag-angat ako ng tingin at hindi nga talaga ako nagkamali. Umupo siya sa isang upuan na isang metro lang ang layo sa akin.
Ngumisi sa akin si Claire.
Nagsitaasan ang balahibo ko nang makita si Claire. Nagdidilim ang paningin ko. She's not Claire.
Hindi siya ang nakilala kong Claire.
Hindi siya yung Claire na gusto ang kulay na black. Ang Claire na laging nakangisi yung ngising gagahasain ka. Ang Claire na ngumingiti na parang wala ng bukas. Hindi na siya yung Claire na unang tingin mo pa lang gugustuhin mo na siyang maging kaibigan, hindi na siya yun. Ibang iba na.
"Hindi mo manlang ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako namiss?" ngumisi sa akin si Claire. "Matagal tayong hindi nagkita Shan..."
Tumayo siya at akmang lalapit siya sa akin ngunit pinigilan ko siya.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...