Hindi nagging mahirap sa akin na lumabas ng bahay dahil na rin sa wala doon sina Mom at Dad.
Napabuntong hininga ako.
Habang nakaupo ako sa silya na nakalaan sa akin, parang lumilipad ang isip ko. Napapaisip ako kung ano nga bang nangyare, at kung bakit pupunta sila sa States? Sabsobrang lutang ko di ko namalayan ang mga nagsisidatingan na eatudyante sa C Class. Mabuti nalang ay tinapik ako ni Vicky para bumalik sa katinuan. Ngumiti siya sa akin halatang nangungusap ang kaniyang mata, alam Kong tinatanong niya kung ayos lang ako. Ngumiti ako saka tumango. Napangiti naman siya sa nagging tugon ko. Wala pa man si Teacher Quin Bo eh.
"Good evening everyone" napaigtad ako ng makita si Teacher Quin Bo na kakarating lang. "So we will start now" ngumiti siya sa amin at maya-maya nawala na naman yun at napalitan ng seryosong ekspresyon. "Our lesson for this night is 'How to cheat when your time is running low', well students alam naman natin nagkakagipitan na sa tuwing kaunti nalang ang oras na natitira sa inyo sa isang exam, you have to ask for help kase alam naman nating sa tuwing paubos na ang oras ay nagpapanic na ang buong sistema mo. Kahit na dalawa lang kayo sa isang room, kailangan may isa sa inyo ang makatapos ng exam, kaya namin manipulahin ang test paper pero iba na pag exam ang usapan. Hindi namin maaaring pakealamanan ang results nun. Pag nangyare ang exam na yan ready your smart phones, open your data or share it, the other person na nakatapos ng exam ay kukuhanan ng pictures ang answer sheet niya at isesesnd sainyo, wag kayong magpapahalata okay? Tandaan niyo nasa likod niyo lang kami. Kung magkaalinlangan naman pwede naman ipasa na ng isa ang answer sheet niya but kailangan niyang banggain ang upuan ng nangangailanganan at ihulog sa ilalim ng upuan ang phone kun nasaan ang cellphone niya na naglalaman ng mga sagot" tumingin kami sa kaniya at isinusulat ang mga sinasabi niya. "Any questions class?"
"Sir what if tumunog yung phone pagbumagsak?" napatingin kami sa nagtanong na si Tom.
"Well that's the use of the case at kung wala namang case yung phone use the ' Shoe Catch' aalisin mo ang isa mong sapatos at ihuhulog yun doon ng tutu long sayo. O kaya naman pagnagkalat ang papel sa ibaba, ilalagay nalang yun sa ilalim ng pagkapatong patong na mga papel at kayo naman madalian nalang sa pagtapak doon. Any questions?" umiling kami. "Okay. Class dismiss" ngumiti siya saka naman napatingin siya sa gawi ko. "Mr. Bautista kakausapin ka pa daw ni Head kaya magpaiwan ka"
Ano kaya ang kailangan niya?
Hinintay ko nalang si Emily sa opisina niya. Wala pa mang 15 minutes ay dumating na siya. Umupo siya sa tapat ko, titig lang siya sa akin pero ako nakatingin lang sa inuupuan niya.
Nakakailang.
"Ako ba minamanyak mo?" ani niya kaya nag-angat ako ng tingin sabay ngisi. "Walang hiya ka!" natawa nalang ako sa reaction niya.
"Eh may nilagay ako jang langgam eh tapos inupuan mo lang" napatayo naman siya bigla kaya natawa nalang ako. "Just kidding" sinamaan niya ako ng tingin. "Bat mo nga pala ako pinanatili dito?"
"Tungkol sa Ate mo" napatingin ako bigla sa kaniya.
May alam siya?
"Anong meron kay Ate Shane? Umalis sila kanina papunta sa States. Nakita ko siya, halata ang panghihina sa kaniya. Alam mo ba kung anong dahilan?" napatango tango siya. "Please tell me Emily" magmukha man akong tanga sa harapan niya wala na akong pakealam. Gusto ko lang malaman kung anong nangyare sa Ate ko. "Please"
"Sige . I should'nt be doing this kase nagmakaawa ang Ate mo pero may karapatan ka pa ring malaman yun" tumayo si Emily saka dumungaw sa kung saan. "Nahuli noon ang Ate Shane mo na nadaraya. Your sister is so depress noong panahon na yun. At ang pamilya ko ang nagligtas sa Ate mo. Specifically, my brother. Yun ang panahon na nagkalaban tayo sa isang Quiz Bee, andun ang mga magulang mo kaya sinabutahe namin yun at ginawang ang score ko ang pinakamababa, pero ang totoo nagtie tayo sa pinakataas. Ginawa yun ng pamilya ko para madistract ang pamilya mo pati na rin ang media. Hindi naipalabas ang nangyare sa Ate mo. Isang buwan rin kayong namalagi sa Hongkong para magcelebrate, at si Ate mo naman ay nagpapagamot nun. Umabot sa time na magcocommitt na siya ng suicide pero mabuti nalang andun sina mama, at nang di na nila kayang kontrolin ang Ate mo, may kung anong tinurok sa kaniya para lang mapakalma. Now your sister is getting back to her habbits. She's taking drugs again to lessen the pain. Nung andoon ako kasama niyo, that's because nakiusap sa akin si Ate Shane na bantayan ka hanggang sa masabi niya sa magulang mo ang lahat. At nung bumalik ka sa bahay niyo nakabukas ang pinto ng kwarto ng ate mo kase andoon ako. Napansin ko noon ang anino mo. She was about to commit suicide again pero pinigilan ko siya—" napasuntok ako sa pader. Hindi ko manlang alam ang pinagdadaanan ng Ate ko. "And she's now going to States. Everything will be fine. Don't worry. Kami ang bahala sa Ate mo" tumayo ako saka niyakap si Emily.
"Thank you for everything Emily. Thank you for doing this to my sister. For doing this to my family even if you don't have to. Thank you so much Emily. Hindi ko alam kung paano susuklian ang kabutihang nagawa mo. Napakabait mong tao" naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kaya mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko.
"Balang araw ay babawiin mo ang hurling sinabi mo. Alam kong balang araw ay ma's pipiliin mong kalimutan ako kesa sa alalahanin ang ginawa ko" hindi ko alam pero parang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Alam kong may gusto siyang iparating. "Everything will be fine Shan. Don't worry, I will always be with you and your family. I'll do everything just to make you and your family safe. Nangako ako sa isang tao na gagawin ko ang lahat para hindi kayo masaktan ng pamilya mo"
Those words. Her promises. Alam Kong sincere siya. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/192386312-288-k791107.jpg)
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
פרוזה[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...