Chapter 48

5 2 0
                                        

Nang makauwi kami sa mansion ng mga Veloso andun na kaagad sina Qin at Bonham. Pagbaba namin sa kotse sinalubong agad niya kami.

"Mr. Veloso said na kailangang umuwi kayo sa Pilipinas. Nakahanda na ang kagamitan niyo, magpapaiwan ako para bantayan si Mr. Veloso at safe na makarating sa Pilipinas. Mag-iingat kayo" tumango kami kay Qin, may ibibigay siyang susi sa akin. "Gamitin niyo yang Rover, and Mr. Bautista..." napatingin ako sa kaniya. "Nagustuhan ni Mr. Veloso ang ginawa mong pagbaril kay Vicky..."

Ngumiti lang ako saka inalalayang makapasok si Rayne sa loob ng kotse. Pagkapasok ko ay agad kong pinaharurot ang kotse papuntang Airport.

Sabi ko na nga bang may mangyayaring ganito.

Pagkalabas namin kotse agad kaming lumabas at inasikaso naman ni Bonham ang mga gamit namin. Pumasok na kami sa private plane saka lumipad pabalik ng Pilipinas.

Lumipas ang isang araw ay nakarating na kami sa Pilipinas. Si Bonham ay inihatid si Rayne sa mansion nila samantalang ako ay dumiretso sa firm ko.

Binati naman ako ng mga empleyado ko hanggang sa makita ko si Ted.

Si Ted nga ba?

Pinakatitigan ko siya.

"It's me Mr. Bautista. Ako 'to si Ted. And by the way tiningnan niyo ba ang files na ipinadeliver ko sainyo?" umiling ako. "At dahil hindi mo yun binasa, bahala ka na sa gagawin mo dun..." napangiwi ako ng makita ko ang tinuro niya.

Tambak na pepermahang papeles.

Napailing nalang ako saka pumunta sa opisina ko. Sinimulan ko ng permahan ang mga naunang mga papeles.

Wala naman ako doong pakealam.

Nang may makita akong nakaipit sa isang file agad ko yun kinuha.

'Mamayang 8 pm pumunta ka sa headquarters. Bubuksan na natin ang USB at marami tayong pag-usapan at marami kang eeexplain sa amin. Oh by the way, ako ang nagpatambak niyan kaya alam kong 8 pm mo matatapos yan.

-V'

Napangiwi nalang ako.

Si Vicky talaga.

Sinimulan ko na ang pagperma ng mga papeles na andoon ulit. May mga email na rin akong natanggap.

Ang iba ay iniimbeta ako sa isang party at guesting sa isang show. Ang iba naman ay mga investors. Karamihan naman ay nagmemessage sa akin ng good reviews about sa firm.

Bumukas ang pinto ng opisina kaya napatingin ako doon. It was Ted. I think.

"Mr. Bautista ito po pala ang files ng mga nagpapagawa sa atin ng mga gusali at mga bahay. I'll check the Informations and it's all good. Ang iba nilagyan ko ng pulang marka at yung mga medyo hindi aprobado dahil hindi ganun kaganda ang background check ko sa kanila. Baka sa sindikato lang nila yun gamitin" napatango tango ako.

"Natapos na bang gawin ang C Class Building 5 na ipinagawa ni Emily Alonzo?" tumango tango siya. "Salamat sa lahat ng pag-aalaga sa kompanya, makakaalis ka na"

Tumango siya saka ako nginitian. Naglakad na siya papalabas ng opisina pero bigla siyang nagsalita.

"Ah Mr. Bautista...." napatingin ako sa kaniya. "Welcome back...." umalis na siya kaya napangiti ako.

Hmmmm.

Naiiling nalang ako saka kinuha ang mga sales report na pepermahan ko para ipa-approve at iparating sa Mommy ni Sieg.

Nang matapos kong icheck at permahan iyon ay pinermahan ko naman ang mga report ng mga empleyado ko.

Inayos ko na rin ang mga sahod nila sa buwang ito. Si Ted este and kambal ni Ted ang nagpasahod sa kaniya noong mga nakaraang buwan habang busy ako sa mga personal na bagay na gagawin ko.

Habang nagpeperma ako napatigil ako ng bumukas ang pinto ng opisina ko, akala ko si Rayne kaya ngumiti ako pero napawi ang ngiti sa labi ko ng makita si Claire.

"Claire...." mahinang ani ko.

Pero na bigla ako ng marating siya sa tapat ko at malakas akong sinampal. Nakatingin siya ng diretso sa akin at nagmamalabis na ang luha.

"You hurt my cousin's feelings! How dare you!" sinampal na naman niya ako pero hindi ko yun ininda.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi pwede.

Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil ayaw kong may madamay pang iba.

"Kinulong niyo ako sa isang secured house ng mag-isa! Ni hindi niyo malang ako dinalaw hanggang sa malaman ko nalang na engaged ka na kay Rayne! Alam mo ba ang ginawa niya sa akin noon?" napatulala ako ng lumuha na siya. "She tortured me! Okay lang sa akin na hindi ako ang gusto mo o mahal mo. Okay lang na si Vicky but knowing na mas pinili mo ang demonyong babaita na yun at ipinalit mo sa pinsan ko, yun ang hindi ko matanggap. Ano bang wala kay Vicky na meron si Rayne?!" sinampal niya ako saka akmang aalis." You will regret na si Rayne ang pinili mo"

Umalis siya habang ako ay napatutula na. Hindi ko alam pero alam kong nasaktan ko ang lahat dahil sa balitang wala naman talagang katotohanan.

Ibinalin ko nalang ang lahat ng oras ko sa pagperma sa mga papeles na kailangan ng perma.

Kailangan kong pagurin ang sarili ko para naman madali lang na makatulog mamaya at makalimutan ang problema.

Pagkatapos ko nun ay saktong 8 pm, lumabas na ako ng firm saka dumiretso sa headquarters.

Pagpasok ko nakita ko kaagad sina Vicky, Beth at Sieg. Nalungkot ako bigla ng maalala ko si Quart. Sana andito pa siya. Hindi tulad ng dati na puno ng asaran ang headquarters. Nabuo yun ng puot at lungkot.

"Nahack ko na ang limang USB but still kailangan ng password" ani Sieg na nakatutok sa computer niya.

Nagvibrate naman ang phone ko kaya kinuha ko yun kaagad.

'57775'

It's from Ted.

"57775, yun ang sinend sa akin ni Ted na tauhan ng Zamora" napatango tango naman siya saka binuksan yun.

'Blue, Red, Rainbow, White and Black'

"Ang pagkakasunod ng dapat natin panaurin ay Blue, Red, Rainbow, White and Black" binuksan naman kaagad ni Sieg ang Blue.

Lahat kami nakatutok doon.

Hanggang sa makita namin si Quart habang pinahihirapan ni Rayne.

"Ano? Kaya pa? Magsusumbong ka pa?!" ani Rayne habang may hawak na latigo habang si Quart ay nakahubad at nakahiga sa mga basag na bote. "Hindi pwedeng malaman ni Shan! Subukan mo lang! At mamamatay ang fiancée mo! Subukan mo Quart Adrian Zamora!"

Adrian? Akala ko ba Quart Zamora lang ang pangalan niya. Ay oo nga pala may Adrian pa siya sa pangalan.

"H-Hindi mo ako mapipigilan. Malalaman at malalaman pa rin ni Shan na hindi ka ganun kabait. Na hindi ka totoo. Malalaman niya rin yung totoong Rayne. Hindi ko man sabihin, pero gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para maibalik kayong mga Veloso sa empyernong pinanggalingan niyo! "

Napuno ang daing ang buong silid ng lambahusin ni Rayne si Quart ng latigo. Naiiyak na sina Beth at Vicky. Napatigil naman kami ng dumating si Emily at nakita niya ang kalunos lunos na sinasapit ni Quart.

"Quart.... " ani Emily.

Nagpatuloy ang panonood namin ng video.

"I will kill you Quart!" sigaw ni Rayne at pinaghahambalus si Quart.

"K-Kill me and they will know for sure" napangiwi kami.

"Sa tingin mo talaga malalaman nila?! Oh come on Quart! We both know who the hell I am!" ani Rayne.

Naging blurred ang lahat at naging black, maya't maya ay napatigil kami ng may makitang babaeng pamilyar sa akin hanggang sa unti-unti inialis nung babae ang mga make up at mga ginamit ng babae para mabago niya ang mukha niya. At hindi kami nagkamali.

Nang alisin niya ang lahat ng nasa mukha niya lumabas ang tunay na mukha ni Rayne.

Matapos ang napanood namin nagsara na agad ang video.

Napatingin kami lahat kay Vicky.

Lahat kami hindi makapaniwala sa nakita namin.

Si Rayne nagkukubli bilang si....

Claire.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon