Pagpunta namin sa room walang masyadong ingay. Nakatayo lang din si Prof Aguinaldo sa labas ng room.
Nakakabahala. Parang may kung anong ganap eh.
Hindi ko alam pero parang may problema. Kaya di ko na kinaya at kinalabit ko si Bianca, ewan basta yun ata pangalan niya.
"Hey, anong nangyayre? Bat ang tahimik ata at ang aga ngayon ni prof?" tumingin sa akin si Bianca sabay may tinurong lalaking nasa labas.
Sino naman ang lalaking yun?
"Siya kase, isa siya sa varsity ng school natin hindi ba? Tapos nalaman ng buong unibersidad ang kabarambaduhang ginawa niya sa isang estudyante dito at ang masama pa, pamangkin pala yung ni Prof Aguinaldo at ang balita ko pa transferee student yun at magiging kaklase natin" napatango tango nalang ako. Hindi na ako nagpasalamat kase pumasok naman na si Prof Aguinaldo.
"Good morning class. May bago kayong makakasama kaya sana maging mabait kayo sa kaniya. Ihja come here.."
Dahil sa pagiging busy ko sa kakalikot ng cellphone ko, dahan dahan kong itinaas ang paningin ko.
Namilog ang mga mata ko ng masilayan ang baguhan naming kaklase. Napatingin din ako kay Sieg at Beth na halatang gulat din sila. Ang ibang kaklase namin ay manghang mangha sa kaniya, kami namang tatlo parang lalagutan na ng hininga.
What the fuck is she doin' here?!
"Hello, I'm Vicky Michaela Aguinaldo. Nice to meet you" napanganga nalang ako, nababaliw na din ang mga kaklase ko kase dalawa na ang Vicky sa room pero kaming tatlo di namin alam kung iwe-welcome ba namin siya o ano.
Ano na naman ba ang trip niya?
Buong klase ay puro lang discuss ang ginawa namin. At bukas naman magkakaroon ng long quiz na paghahandaan namin. Di ko nga alam kung bat nakapasok si Vicky dito eh, patapos na ang 2nd semester. Bahala na nga siyang mag-adjust.
Pagkatapos ng klase namin, sabay sabay kaming pumunta sa bahay para mag-sleep over. Kami kami lang din ang magkakaibigan kaya kami lang din ang magkakasama.
Habang naglalakad kami napansin ko ang magkahawak kamay nina Sieg at Beth kaya lumapit ako sa kanila saka tinaas ang magkahawak nilang kamy.
"Ano 'to? Ang lalandi niyo!" namula naman si Beth kaya napatawa nalang ako. Hinabol ako ni Sieg sa daan para sana batukan pero di naman niya nagawa kase ang bilis kong tumakbo. Nagtago ako sa likod ni Vicky para di ako malapitan ni Sieg, mabuti nalang, malapit na kami sa bahay kaya tumigil na ang ulol sa kakahabol.
"Magandang gabi" napatalon kaming apat sa gulat dahil sa pagsulpot ni Emily sa pinto ng bahay.
Ano 'to? Hindi siya umalis ng bahay namin?
Ano bang nakain nila? Parang puro surprise ang nagyayare ah.
"Uy Ems, anong ginagawa mo sa bahay nina Shan?" nagkibit balikat si Emily saka kinusot kusot ang mata."Anong ulam?" pumasok na kami sa bahay saka umupo sa sofa.
"Fried chicken" napansin ko ang pamumutla ni Emily, at pumunta sa taas. Nagyaya naman ng kumain sina Beth pero mas inuna kong puntahan si Emily na mag-isa sa taas.
Bubuksan ko sana ang pintong nakaawang ng marinig ko ang boses ni Emily. At base sa tinig niya nasasaktan siya, kaya parang kumirot ang puso ko bigla.
Bakit parang ang sakit na marinig ang boses niya habang nasasaktan ng sobra?
"Lolo no! I don't want to marry that guy. Hindi ko siya mahal. Kailan niyo ba maiintindihan na hindi niyo hawak ang buhay ko...." she sobbed. "Lolo I know.. Alam kong ako nalang ang natitirang magmamay-ari ng emperyong ginawa niyo. Alam ko ho yun Lo. Kung di sana namatay si Kuya......"
Parang may kung anong sumapi sa akin na bigla nalang akong pumasok doon kaya nabitawan ni Emily ang cellphone niya.
Head needs me.
Hindi na niya kailangan pang maging kung sino para igalang siya eh, kagalang galang naman na siya. Hindi niya kailangan ang Lolo niya. Ang kailangan niya ay totoong pamilya. At ang C Class ang totoo niyang pamilya.
Sa C Class ituturing siyang pamilya.
"S-shan what are you doing h-here?" niyakap ko siya saka hinalikan sa noo. I want her safe. Nangangako akong ang C Class ang poprotekta sa kaniya pag dumating ang oras na kunin na siya ng Lolo niya.
Hindi ko hahayaan na makuha siya ng lolo niya at ilayo sa amin, sa akin.
Kumalas muna ako sa pagkakayakap sa kaniya saka malakas na binato ang cellphone niya sa pader. Wala akong pakialam kung mamahalin pa yun, hangga't meron silang kumunikasyon ng Lolo niya, mahahanap siya nito.
"Hindi mo na kailangang ipilit pa ang sarili mo. Hindi mo kailangang pakasalan ang isang taong hindi mo naman talaga mahal para lang maging proud ang Lolo mo" nginitian ko siya. "Poprotektahan KITA laban sa Lolo mo at sa lalaking gustong kumuha sayo" tinuyo ko ang luhang kumakawala sa mga mata niya. "You don't belong there. You belong here. You belong with us. You belong with C Class. You belong with me" wala na akong pakialam kung anong iisipin niya. Malinaw naman na eh. Malinaw na sa akin.
Mahalaga siya sa akin.
Sa pamilya ko.
Mahalaga siya sa akin kase gusto ko siya.
Pagsapit ng alas dyes ay hindi ko nakita si Emily kaya baka nasa C Class na. Sabay sabay na kaming pumunta doon at tulad ng dati pagkarating namin siya ring pagdating ni Teacher Qin Bo.
"Now class we will start. Our lesson for today is 'How to cheat when all of you don't know the answer' easy lang naman na yun. Take a picture of the test paper then magpaalam kang kailangan mong magbanyo. Then maggoogle search, pagkatapos nun isend mo naman sa mga kasama mo sa C Class. Kung bawal namang mag CR, magsakit-sakitan kayo. Make sure na lagi kayong may data. Well class, any questions?-" napatingin naman ako sa biglang pagbukas ng pinto. Napatingin kami sa pumasok sa pinto, nakita na in ang isang babae. Kung titingnan, isa siyang teacher dito sa C Clasa. "Teacher Sunny Villanueva, what happend to you?"
"S-si... Head....." natawag nun ang atensyon ng lahat. "S-si H-head.... naaksidente siya, n-nasa hospital s-siya ngayon. S-sinugod siya sa pinakamalapit n-na hospital"
Wala akong sinayang na oras, lumabas agad ako para puntahan si Emily.
Wait for me Emily, I'll be there.
I'm sorry. Hindi ko nagawa ang ipinangako ko.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...