Nang makaalis sina Sieg at Claire at inusisa ko si Quart. Tiningnan ko ang bawat sulok ng mukha niya.
Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya noon.
Hindi ko alam kung saan at kailan. Basta ang alam ko ay pamilyar siya sa akin.
Kinuha ko ang gamit ni Quart na nasa may lamesa lang. Inisa isa ko yung tiningnan. May nakita akong isang bracelet doon. Hindi ko alam pero nakuha nun ang atensyon ko.
Napatitig ako sa bracelet.
'G. A.'
Tiningnan ko pa ang ibang gamit ni Quart. At nanlaki ang mata ko ng may makita akong singsing.
Nang mailabas ko yun ay tiningnan ko ang singsing. May nakaukit doon.
'AguinaldoxZamora'
Dalawa lang ang kilala kong Aguinaldo. Si Vicky at Claire. Impossible namang si Claire at Vicky 'to eh. Last time I check, Vicky and Claire are both single.
Kung ganun sino ang Aguinaldo na' to?
Iniwaksi ko ang pag-iisip ng kung ano ano tungkol kay Quart. Pumunta nalang muna ako sa opisina para sana hiramin yung portfolio ni Quart pero nakasarado ang building.
Si manong guard naman ay hindi din ako papapasukin dahil hindi naman ganoon kahalaga ang kailangan ko.
Pumunta nalang uli ako sa ospital. Akmang papasok ako sa loob ng kwarto ni Quart ng marinig ko ang boses ni Quart at parang may iba ba siyang kausap.
"Sinabi ko naman na sainyo na ba balik din ako sa Mansion. Nagpapalipas lang ako ng sama ng loob" ani Quart.
"Ipinag-uutos ni Madam na sunduin ka na namin at ihatid sa Mansion. Kailangan ka namin maihatid dun Quart. Kami ang malilintikan paghindi kami nakabalik sa mansion na kasama ka..." ani ng isang lalaki.
"Pwede bang pagpahingahin niya muna ako?" iritadong ani ni Quart. "Pakiusap. Sabihan niyo muna siya na magpapahinga muna ako dahil na baril ako saka pag maayos na ng kaunti ang pakiramdam ko pwede na niyo ulit akong ihatid sa empyernong yun..." mapait na sambit ni Quart.
Napatigil sola ng biglang may tumunog sa cellphone. Sinigurado kong hindi yun sa akin. Napahinga ako ng narealize na lowbat pala ang cellphone ko.
"Sabi ni madam. Bumalik na daw tayo. Hayaan na muna natin dito si Quart. May ipapapatay pa siya sa atin..." nanlaki ang mga mata ko agad akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na pader at nagtago doon. "Kailangan tayo sa Tokyo. May papatahimikin tayo..." ani pa nung isang lalaki.
Umalis na sila kaya agad naman akong pumasok sa loob ng kwarto ni Quart. Nakita kong nagat siya.
Nginitian ko siya.
Kailangan ko munang itago ang mga nalaman ko.
Baka may kinalaman 'to sa bumaril kay Quart.
"Kanina ka pa ba jan?" ani Quart saka umupo.
"Nope. Tatawagin ko ang nurse sa sasabihin kong gising ka na..." Akmang lala as ako ng hawakan ni Quart ang siko ko. "Bakit?"
"Wag na..." ngumiti siya. "Pumunta naman na dito ang dalawang kaibigan ko at nadatnan nila akong gising na kaya na check na ako ng nurse" galata sa mukha niya na nagsisinungaling siya.
Hindi niya kaibigan ang dalawang lalaking lumabas sa silid na ito. Kung hindi sila related kay Quart, sino ang mga taong yun?
"Pasensya ka na ah" napatingin ako sa kaniya. "Pasensya na kung naabala ko pa kayo ni Sieg. Pasensya na kung epic fail yung mga nangyare. First project mo pa naman yun..." ani Quart.
"Ano ka ba, ayos lang yun noh. Ang mahalaga ay ayos ka lang. Kahit na kakakilala palang natin ay alam kong mabuti kang tao" totoo naman eh. My first impression to him is that he's kind.
"Sana yang sinasabi mo ay totoo. Sana mabait nalang ako..." natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Anong ibig niyan sabihin?
"Naniniwala ka ba na pagmahal mo ang isang tao eh hindi mo siya papakawalan?" hindi ko alam pero nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Quart. "I know it's nonsense but I want to ask that question"
"Sa totoo lang, hindi ko din alam..." natahimik kami pareho. "May mga tao kase na kahit mahal natin ay kailangan nating pakawalan kung nasasakal o nasasaktan na nila tayo ng sobra. May mga tao ding kailangan mong panatilihin, hindi dahil selfish ka kundi dahil alam mong maaaring malagay siya sa alanganin pag pinakawalan mo" hindi ko alam kung saan yun nanggagaling.
Bawat salita na pinakawalan ko ay alam kong naranasan ko.
"Paano kung mahalin mo ang isang taong dapat ay binabantayan mo lang? Paano kung nalaman niya kung sino ka ba talaga? Paano kung nalaman niya na masama kang tao" napaisip ako bigla.
"Kung mahal ka ng isang tao kahit anong masama sa paningin mo ay sa paningin niya ay maganda. Hindi naman kase natuturuan ang puso na magmahal. Once na mahulog ka na, dalawa lang ang maaaring nangyare. It's either mawasak ka o kaya may sumalo sayo at tanggapin ka biglang ikaw" napatingin siya sa akin bigla kaya nginitian ko siya. "Walang masama ng tao na hindi dumaan sa paghihirap. Yung masama eh kahit na nakaahon ka na sa sakit ay nanatili ka sa kasalanan mo at hindi mo itinatama. Lahat naman tayo nagkakamali eh. Nasa sa atin lang kung uulit ulitin natin ang pagkakamaling iyon"
"Nagkamali ka ba?" natigilan ako. Ngumiti ako sa kaniya bigla.
"Oo. Mandalas akong nagkakamali..." ngumiti ako. "May nagawa din akong malaking pagkakamaling at dahil do'n ay natagpuan ko ang babaeng alam Kong gusto kong nakasama ng habang buhay. Kahit na iniwan niya ako ng wala manlang pa alam ay hindi ko magawang magalit..." my biggest mistake was to enter C Class for my personal purposes pero dahil sa C Class natagpuan ko si Vicky.
"Bakit hindi ka nagagalit?" galata ang pagtataka sa mukha ni Quart kaya nginitian ko na naman siya.
"Alam ko kaseng may valid reason siya kaya siya umalis. May mga taong aalis sa buhay natin ng walang paalam ngunit lahat sila ay may valid reason. Nasa sa atin na kung hihintayin nating bumalik sila, magpaliwanag at intindihin ang rason nila. Maaari ka rin naman magalit eh, lalo na kung nasaktan ka nung taong yun ng sobra sobra" yumuko ako.
Sumasagi na naman sa isip ko si Vicky. I miss her so much.
Maghihintay ako sa pagbabalik niya. At sa pagbabalik niya ay pipilitin kong intindihin ang magiging paliwanag niya.
Kahit na gaano kagulo, ngunit hindi ako makakapangako na kaya ko kaagad matanggap ang rason niya.
"You love that girl?" napatingin ako kay Quart. "That girl you are thinking right now?"
"Yes. I love her. I love her more than anyone can see"
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...
