Chapter 53

6 2 1
                                    

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa mansion ng mg Veloso ay agad na umalingawngaw ang sigaw ni Rayne.

"Mga inutil! Ang sabi ko sainyo na bantayan niyo sila! Halos 70 silang namatay sa isang gabi lang? Ako ba pinagloloko niyo!? Mga wala kayong kwenta!" lumapit ako kay Rayne habang nilalatigo ang mga tauhan niya.

Naawa ako sa kanila bigla.

Dahil sa akin kaya nasasaktan sila.

"Rayne... " seryosong ani ko." Leave them alone. Hindi nila yun kasalanan. Tao din sila, napapagod. Magpahinga ka na muna. Ako na ang kakausap sa kanila" yumakap siya sa akin saka kumalas at nagpahinga na sa taas.

Napabuntong hininga ako habang nakikita ko ang mga sugat nila.

"Ikaw" ani ko sa isang maid. "Tumawag ka ng doctor at sabihin mong gamutin silang lahat. Sabihin mong inuutos ko" tumango naman ang maid.

Akamang aalis ako ng magsalita ang isa sa mga tauhan ni Rayne.

"Maraming salamat Mr. Bautista" tumango lang ako saka nag iwan ng liham kay Rayne.

Pagkalabas ko ng bahay agad kong kinuha ang susi ng motorbike ni Qin. Pinaharurot ko yun papunta sa isa sa mga bodega na pag aari ni Terry Alexander.

Nagsuot ako ng mask saka sumugod.

Nakita ako kaagad ng mga tauhan ni Terry at pinaulanan ako ng bala kaya nagtago ako kaagad sa puno . Naglabas ako ng baril saka lumabas sa puno at nagpaulan ng bala.

Ang iba ay hindi ko napatumba pero ngumisi lang ako habang nagpapalit ng magazine.

Nakarinig ako ng iba pang putok ng baril. Sa tingin ko long range yun at ang masasabi ko lang.

It's Bonham.

Pagpasok ko sa bodega agad na may tumutok sa aking baril pero sinikmurahan ko ang lalaki saka inagaw ang baril niya. Hinawakan ko ang baril niya saka naman siya sumugod. Umilag lang ako saka ng mapagod siya binirahan ko siya ng 45° kick na ikinahiga niya.

Naglakad ako at ng may maramdamang paggalaw agad akong nagpaputok ng baril. Wala akong tinira kahit isa. Todo baril lang ako hanggang sa maubusan ako ng bala.

Mabuti nalang at dumating kaagad si Bonham. Pero nadamplisan ako ng isang tama ng baril sa braso.

Tiningnan ko yun pero hindi ko ininda ang sakit.

Nang makapasok kami sa isang kwarto sa bodega agad na may humarang sa amin ni Bonham.

Napangiwi nalang ako ng hindi ko inaasahan na sisipain nila ako sa binti dahilan para maout of balance ako saka mapahiga. Pinagsisipa ako ng kalaban, pagtingin ko kay Bonham. Ganun din ang ginagawa sa kaniya kaya napangiwi Ko.

Napaubo ako ng dugo habang hinawakan ako ng isang lalaki at pinagbubugbog ako.

Bumalin naman ang nagbubugbog sa akin kanina kay Bonham at siya ang binugbog.

"Sa tingin niyo hindi ko napaghandaan ang pagdating niyo?!" ani ng isang boses. Si Terry. "Alisin ang mga maskara nila!"

Lumapit kay Bonham ang nambubugbog sa amin. Nang matanggal ang maskara niya ay nagulat ng todo si Terry.

"Paano? Bakit Bonham?" ngumisi si Bonham.

"Wala naman. May balita lang na dapat mong malaman. Siya ang magsasabi sainyo...." ngumuso sa akin si Bonham.

"Alisin ang maskara niya" napangisi ako ng tanggalin ng lalaki ang maskara ko. "Shan...."

"Magagalit sa inyo si Rayne pagnalaman niyang binugbog nyoko" sabay ngisi. Nabato naman sila dahil sa sinabi ko.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon