Nagising ako dahil sa paggalaw ni Vicky sa higaan. Napangiti ako sa tuwing naiisip ko na okay na kami. Hindi man katulad ng dati, ayos lang.
Pinakatitigan ko ang mukha niya saka hinaplos haplos ang mukha niya at inaalis ang ibang hibla ng buhok na humagarang sa napakaganda niyang mukha.
Ngumiti ako saka hinalikan siya sa noo.
Iniabot ko ang T-shirt ko kase nakatopless lang ako saka lumabas ng kwarto at pumunta sa kinaroroonan nina Bonham.
"Pinagod mo ba si Vicky?" ngising tanong ni Sieg kaya tinampal ko siya saka umupo sa tabi niya.
"Pagod si Vicky kakaiyak noh?" tumango ako sa tanong ni Emily. "Don't hurt her again. Kung maaari wag muna kayong magtalik ni Rayne. We both know na ayaw mo rin yun but as much as possible wag mong saktan si Vicky dahil lang sa mission na'to"
"We know, Shan knows it, Ems" ani Sieg saka ngumiti.
"Asan nga pala si Beth?" napatingin sila sa akin.
"May inaasikasong kaso. Kailangan niya daw yung maipanalo kaya lumabas siya saka pinag-aralan ang mga bagay bagay tungkol sa pagiging attorney niya" ani Sieg.
"Oo nga pala, anong oras ang balik natin sa mansion?" ani Bonham.
"Sabihan mo si Qin na ipasabi kay Rayne na hindi tayo makakauwi dahil nagmamanman pa tayo at pagkatapos mong gawin yun ihagis mo ang cellphone mo sa bintana. Ako na ang bibili sayo ng bago" tumango si Bonham saka tinawagan si Qin.
Napatingin kami nina Sieg ng bumukas ang pinto at inuluwa nun si Vicky na nakasando lang at kusot kusot ang mata niya.
"Hot..." ani ko kaya pinukol ako ni Emily ng masamang tingin. "What? Just saying. My girl is so hot right?" inungusan niya lang ako kaya napatawa ako.
Lumapit sa akin si Vicky saka umupo sa lap ko at niyakap ako.
"May problema ba Vicky?" ani ko pero niyakap lang niya ako. "Still sleepy?" tumango siya kaya napatawa ako. "Just sleep okay?" tumango siya.
"Ang daming langgam" ani Emily. "Lumayas nga kayo sa harap ko baka kung anong magawa ko sa inyong dalawa"
Natawa nalang kami ni Sieg. Maraming taon na ang nakakalipas pero wala pa ring matinong love life si Emily.
"Head alam mo si Bonham nalang kase o kaya si Ted. Kung ayaw mo sa kanilang dalawa sa kakambal nalang ni Ted" inungusan lang niya kami.
"Namiss ko ang pagtawag natin sa kaniyang head" ani Sieg kaya nagsitawanan kami.
Pumasok na naman sa amin ang mga alaala namin noong wala pang gulo. Yung kami-kami pa lang. Yung nagsisimula pa lang ako sa C Class.
"Oo nga pala Emily, nasabi sa akin ni Sieg na ikaw ang dahilan kung bat nahuli noon si Ate Shane na nandadaya" tumango si Emily. "Totoo yun?" gulat kong ani.
"Oo. Dahil kung hindi ko yun ginawa, baka patay na ang ate mo. Kuya Cameron wants Ate Shane. At kung hindi niya rin makukuha si Ate Shane mas mabuti pa daw na mamatay si Ate Shane. Kaya ang ginawa ko ay inilabas ko ang pagkahuli niya na nandadaya kahit ang totoo ay isang Prof lang ang nanira sa kaniya. Kumalat yun na ikinabahala ng ate mo. Kaya nagkaroon siya ng sakit, yun ang totoong dahilan" napatango tango nalang ako.
"Kaya pala hindi sayo galit si Ate Shane ngumiti ako sa kaniya. "Maraming salamat Emily"
Napatigil kami ng kumaripas ng takbo si Bonham papunta sa amin at halata ang pag-aalala sa mukha niya.
"Si Ted...." habol niya ang kaniyang hininga. "Nahuli siya na sumusunod kina Rayne. Hawak siya ngayon nina Qin at pinaparusahan"
Napangiwi ako saka tinawagan si Rayne.
"Hello, is my secretary there?" bungad ko ng sagutin niya.
[Yes! He is a spy. Minamanmanan niya kami kanina pa! May masama siyang balak]
"No my lady. I send him to watch over you and Qin. Baka may mangyare sa inyo at isa pa alam kong spy siya sa kompanya ko pero wala naman siyang ginagawa talagang masama. He's a good guy my lady" ani ko.
[Fine] narinig ko ang pagsigaw ni Rayne. [Pakawalan yan! Ihatid niyo sa firm ng mapapangasawa ko!] Napangiwi ako. [I'll be going. Mag-ingat ka]
"Of course...." pinata na ni Rayne ang tawag.
Nqpabuntong hininga kaming lahat.
"That was close" ani Bonham na ikinangiwi namin.
May inilapag si Emily sa mesa. Mga taong dapat na in patumbahin ngayon gabi.
50+ din ang lahat ng yun. Tumingin kami kay Emily.
"Lahat sila ay malapit lang sa kinaroroonan natin. Kailangan nating maubos ang 500 first born ng mga pamilyang pinagkakatiwalaan nina Rayne. Dahil ang mga first born na yun ang nagsisilbing kakampi ni Rayne at ang iba namay nakapanig sa atin" tumango kami ni Bonham. May ibinigay sa aming mask si Emily. Isang plain white mask lang yun."Magsasabi nalang kami kung kailangan niyong magsuot ng mask. Wear this" may iniabot sa amin si Emily na agad na in sinuot. "Now go"
Lumabas ako habang buhat buhat si Vicky saka siya pinatulog sa kwarto. Agad laming tumakbo palabas ni Bonham. Naghiwalay kaming dalawa. Dumiretso naman ako sa condo ni Adams Britain. Kumatok ako at lumabas naman siya.
"May ipinapahatid pala si Emily" ani ko saka ngumisi, inilabas ko ang silencer ko saka binaril siya sa bandang puso na agad niyang ikinabagsak. "That bullet"
Umalis na agad ako doom saka pumunta sa bahay ni Tommy Jones. Kumatok ako saka pinagbuksan ako ng maid. Tinawag niya si Tommy na agad namang bumaba.
"May pinapasabi pala ang isa sa mga Rivals" halata ang tuwa sa mukha niya kaya inilabas ko ang baril ko na may nakakabit na silencer at pinaputukan siya sa ulo sinunod ko naman ang maid.
[Use a mask]
Agad kong sinuot ang maskara ko saka pumunta sa bahay ni Frenchay Antony. Kumatok ako saka naman siya lumabas.
"Happy holidays...." itinutok ko ang baril ko sa ulo niya pero hindi yun pumutok. Akmang susuntukin niya ako ng tumingin ako sa orasang pambisig ko. "5...4...3...2...1"
Napangiti ako ng bumagsak si Frenchay sa harap ko. Nakita ko si Bonham sa kabilang building.
Pagkalabas ko doon agad akong pumunta sa condo ng iba pa naming kailangan patahimikan.
Nakabalik lang kami sa headquarters ng 1 am, at halata sa amin ni Bonham ang sobrang pagod.
Tumingin sa amin sina Emily at Sieg. Andun na din si Beth pero natutulog siya sa lap ni Sieg habang nasa sofa.
"I'm going to hell" ani ko kaya napatawa kaming lahat.
"We are going to hell" ani Emily.
Kumuha ng beer si Bonham saka kami binigyan isa isa. Nag-inoman kaming apat hanggang sa makatulog kami dala na rin ng puyat at pagod.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Ficción General[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...