Pagkatapos ng sagutan namin ni Eduardo ay sinilip ko muna si Emily. Wala na rin doon ang mga kaibigan ko kaya baka nagsiuwian na. Wala na rin ako sa mood magreview para sa long quiz bukas, It's already 11 pm pero di ako napapagod na pagmasdan siya. Gusto kong manatili sa tabi niya pero alam ko naman epal ang Lolo niya at ang Eduardo na yun.
Sana pala tinulak ko na yung lalaki yun kanina eh.
Para patay na.
Hating gabi na ako nakaisip na umuwi. Sapag-uwi ko walang kainggay ingay ang bahay. Siguro kase tulog na yung tatlo.
Pagpunta ko sa kwarto ko, halos di na ako mapermi sa kinahihigaan kong kama kaya tumayo ako saka pumunta sa kwartong inuukupa ni Emily. Humiga ako sa higaan niya saka sumagi sa isip ko ang mga sinabi ng Lolo niya. Napakuyom ang kamao ko.
"Napawalang kwenta mo....."
Hindi ko na pala namalayan na nakatulog ako doon sa kwarto ni Emily kase paggising ko kaninang umaga andun ako.
Habang kumakain ako ng agahan napansin ko ang pananahimik nina Vicky. Nakakabahala.
"Bakit?" tumingin sila sa akin saka yumuko. "Anong nangyare?"
"K-kase hindi daw muna pwedeng magkaroon ng C Class hangga't narito ang Lolo ni Emily. Kase pagnagkataong, umalis si Emily, susundan siya ng Lolo niya at magkakanda letche letche ang pinaghirapang buuin ni Emily" napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ni Sieg. "Pero salamat naman at nagiging okay na ang kalagayan niya"
Kahit yun lang ang narinig ko para akong nabuhayan bigla. She's okay. She'll be fine. Alam ko yun. Malakas siya kahit na ano pang pagdaanan niya.
Sabay sabay kaming pumasok sa ADMU, wala namang bago. Magulo ang corridors at napakapresentable ng mga estudyante. Eh kahit ata di mo nalinisan ang sapatos mo ay hindi ka na papapasukin. Bawal din ang reap jeans pwera lang pag merong events at magpe-perform.
Pagdating ni Prof Khan sa loob ng room, walang pasabing nag-abot siya ng test paper, at doon na din kami sasagot.
Napakadali lang naman ng mga tanong eh, malilito ka lang sa mga answer kase halos magkakaparehas. Isinulat ko sa isang papel ang mga sagot ko saka ipinasok sa pen na walang laman. Baka may mangailangan. Bale tatlong pen na ang hinanda ko.
Sinagutan ko na ang test paper at the same time answer sheet ko. Nakita ko ang pag ungos nina Vicky kaya nagtaas ako ng kamay.
"Prof iihi lang po" tumango ang Prof namin. Sabay sa pagtayo ko ang paglagay ko sa table ni Vicky ng pen na hawak ko. Tumingin muna ako kina Sieg na nasa malapit sa pinto, nasa likod naman niya si Beth. Mas pinili kong dumaan sa unahan saka binunggo ang upuan niya dahilan para mahulog ang mga pen at papel niya. Inilusot ko na rin ang dalawang pen na inihanda ko na hawak ko lang kanina.
"Sorry..." ngumiti sa akin si Sieg and mouthed 'it's fine'
Lumabas na ako ng room saka umihi. Kanina pa akong ihing ihi eh. Pagbalik ko sa room ipapasa na ang mga papers at kinuha ko ang isa ko pang pen saka pinangalanan yun. Ipinasa ko na kaagad kay Prof ang papel ko saka naghintay sa labas kina Sieg, Beth at Vicky. Pagkalabas nila inagbayan agad ako ni Sieg.
"Salamat bro" tumango lang ako saka pumunta na kami sa susunod naming klase.
Pagkatapos ng lahat ng quiz namin kay Prof khan, hindi na yun nasundan. Akala nga namin maglolong quiz si Prof Aguinaldo eh, di naman pala. Halos discussion lang ang buong araw namin kaya pag-uwi namin, bagot na bagot kami.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay naisipan naming bisitahin si Emily. At hindi naman kami pinigilan ng Lolo niya. Pagpasok namin nakita ko agad si Emily na kausap si Edaurdo. Mabuti't nasa private room na siya.
"Whazzup Ems?" napatingin sa amin si Emily. Natawa nlang nga sina Beth dahil sa kengkoy na si Sieg eh. Pero mabuti na rin ang ginawa ni Sieg. Lumayas na yung Eduardo.
Lumapit ako sa kaniya saka sinuri ang buong katawan niya. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Mas napatitig ako sa mapupungay na mata niya.
"Kamusta ka na Head? May masakit ba sayo ? Tell me tatawagin namin ang doctor" napatawa siya ng bahagya kaya kumunot ang noo ko. "What's funny Emily?"
"Nothing... You just acting so weird and acting like a boyfriend" namula ako doon kaya mas lalo siyang natawa. "Just kidding. Namiss ko kayo pati ang C Class. Gusto ko ng umuwi sa bahay nitong si Shan. Makikikain lang"
"Head, bawal ka pang lumabas eh" aniya Beth. "Saka don't worry, kami ang bahala sa kakainin mo pag-uwi. May marunong ba sa atin magluto?" umiling kaming tatlo. "Owkay. Joke lang pala yung sinabi ko. Hindi kami marunong magluto eh" natawa nalang kami sa inakto ni Beth.
Pero mas nakatawag ng pansin ko ang pagiging masiyahin ni Emily. Ewan ko ba pero hindi siya sadista't ,maldita ngayon. Dahil ba kay Eduardo?
Hope not. Baka kung anong magawa ko.
Marami pa kaming napag-usapan nina Emily. Pero ni isa sa amin hindi inopen ang topic na kung paano siya naaksidente. Ayaw naman kase naming mabinat siya at ayaw rin namin na mahirapan pa siyang mag-isip ng kasinungalingan niya dahil sa totoo lang alam na namin kung bakit siya naaksidente.
Lumabas muna sina Beth, Vicky at Sieg para kumain sa labas, bibilhan nalang daw nila ako. kailangan daw kaseng may magbantay kay Emily kase wala ang Lolo niya at ang epal na fiancée niya.
Kahit siguro di na yun pumunta dito ayos lang.
O kaya wag nalang siyang bumalik.
"Are you okay Shan? Ang lalim ng iniisip mo. Thinking of your Ate?" napakurap kurap ako. Dahil sa mga nangyare, nawala sa isip k ang kalagayan ni Ate. Hindi naman kase tumaawag sina Dad at Mom at ako naman pag tumatawag minsan unattended minsan network is busy.
"I'm fine. Alam ko namang ayos lang si Ate kase andun sina Mom at Dad at isa pa alam kong mapagkakatiwalaan ko ang sinabi mong kayo ang bahala sa Ate ko and everything will be okay" ngumiti ako sa kaniya saka hinalikan siya sa noo. "Are you feeling better?" tumango siya sa akin. "Very good. Sana gumaling ka na....." para sa bahay ka na lagi. Ikukulong kita dun para di ka malapitan ni Eduardo.
"You look so weird Shan. Niyayakap moko, hinahalikan sa noo at inaalagaan. Di ba gawain lang yun ng lalaking may gusto sa isang babae?" napangiti ako sa sinabi niya. "Don't tell me...."
"I won't tell. Magpahinga ka na. Andito lang ako. Dun na muna ako sa sofa" ngumiti ako sa kaniya. Tumayo at akmang lalakad na ng hawakan niya ang kamay ko. "Bakit? May kailangan ka?"
"I-ahmm. I want to hear you say it....." napatitig ako sa kaniya. "It's my first time..." napakunot ang noo ko. Hindi pa ba sinasabi ni Eduardo na gusto niya rin siya? Bakla at yun eh.
Ngumiti lang ako saka kaniya saka hinalikan siya sa noo. "Now sleep. You need to rest. Magpagaling ka na, gusto kita kaya malay mo isang araw mahalin na kita"
Malay naman natin.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...