Pagpatak ng alas dyes ng gabi ay lumabas ako ng bahay. Hindi ko na nakita kung nakasunod ba sa akin si Ate o hindi.
Pumunta ako sa mabahong tunnel at sa gitna ng tunnel ay binuksan ko ang pinto at pumasok sa klase ko.
“Kamusta?” napatingin ako kay Vicky na kasamahan namin na nangunguna naman sa DLSU. She's pretty. “Balita ko naperfect niyo ang quiz kanina ah” ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis.
Weird.
“Oo. Kaming tatlo. Ang gaan nga sa kalooban eh” ngiting kwento ko sa kaniya. Umupo na kami ng dumating si Teacher Justine Mae Saberon.
“Magaling" ani Teacher Justine Mqe Saberon na pumapalakpak pa. "Nakuha ko na ang mga results niyo at iilan lang sainyo ang hindi nakakuha ng perfect score. Binabati ko kayo sa unang pandaraya niyo" napangiwi ako sa sinabi niya. "Lagi niyong tatandaan na wag kayong kakabahan sa paggagawa ng pandaraya" ngumiti siya sa akin. "Our lesson for today is ‘How to cheat if your prof is roaming’ will first you will get your phone Make sure your phone have a case. Put a double sided tape and put your phone under your desk” lahat ng sinasabi ni Teacher Justine Mae Saberon ay isinusulat namin. “Make sure na lagi kayong nakaonline. And activate niyo lagi ang wifi niyo, o hotspot. Kaming mga teachers niyo ang bahala sa sagot basta kukunin niyo lang ang phone niyo paglumampas na ang prof niyo. Tandaan wag kayong kakabahan dahil ang mga kasamahan niyong kablock niyo ang magiging back up niyo. Naiintindihan niyo ba?”
“Yes Teacher Justine Mae Saberon”
“Sir can I ask a question?” tumango si teacher Justine Mae Saberon kay Vicky na katabi ko. “What if abutin kami ng oras?”
Sa tanong na yun ni Vicky ay nagsimula ang bulong bulungan.
"Keep quiet and keep calm students" saway niya sa ibang estudyante. “Don’t you worry. Lahat ng sagot na kakailanganin niyo ay ipapadala naming sa inyo sa pinakamadaling paraan. Kahit pa na show your solutions yan, don’t worry. Kami ang bahala but there is one rule” napatingin kami sa kaniya. “Don’t get caught”
Nanindig ang balahibo ko ng marinig ang paalala ni Teacher Justine Mae Saberon.
Pagkatapos ng pasok naming sa C Class ay nag-usap usap muna kami nina Seig at Beth. Pinagpaplanuhan na naming tatlo kung paano naming yun gagawin.
“Wait diba pare-parehas naman tayong naka IPhone?” tumango kami saka napangiti naman si Beth . “Bingo! Mas mapapadali tayo kung ganun”
“Oo nga no?” ngumiti si Sieg at tumango tango. Saka inilabas niya ang IPhone na pagmamay-ari niya. “Akin na ang mga phone niyo” ibinigay naming sa kaniya ang mga phone naming tatlo. Sa aming tatlo si Sieg ang mas marunong sa mga computers, phones at kahit na ano pang gadget. “Now it’s done. Wag niyo lang isasara lahat ng binuksan ko”
“Sige tara na siguradong magpapaquiz si Prof Khan bukas” sabay sabay kaming lumabas sa tunnel saka umuwi.
Pagpunta ko sa ADMU parang sinabuyan ako ng malamig na tubig habang nakatingin sa Announcement Board ng school.
Hindi maaari.
Paanong nangyare ang ganitong bagay?!
Biglang dumating sina Beth at Sieg, napahawak sila sa mga bibig at halatang gulat.
What the fuck?
“The Queen of ADMU, Michelle Wong get caught while cheating in her class” binasa yun ni Sieg at napayuko ako. Isa si Ate Mich sa kasama naming sa C Class. Hindi ‘to pwede. “No…”
What the fuck is happening? Paanong nahuli siya?!
Tumakbo kaming tatlo papunta sa Dean’s Office pero hindi naming dun nakita si Ate Mich. Lalabas sana kami ng ADMU pero hinarang kami ng guard kaya we have no choice.
Masasakal ko na ang guard na yun. Akal mo naman siya ang may-ari ng ADMU.
Pumasok kami sa klase naming tatlo. Tiningnan naming ang test paper na ibinigay ni Prof Khan. Mabuti naman at doon na kami sasagot.
Napawi ang pag-aalala ko dahil sa nakita ko ang test paper. Napangiti ako ng marealize ko na hindi ko naman kailangang mandaya kase alam ko naman lahat ng sagot. Tumingin ako sa kanilang dalawa at nagthumbs up ako. Si Beth ganun din pero si Sieg hindi. Pipindutin ko sakana ang phone ko para tulungan siya pero he mouthed ‘no need’.
Nakakapagtataka na ayaw niya ngayon humingin ng tulong. Siguro iniisip niya na baka mahuli kami.
Todo sagot lang kaming lahat, ang iba kong kaklase ay nagrereklamo kesyo mahirap daw. Napatigil ang lahat ng may biglang nag-ingay na phone kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.
“Kaninong phone yun?!” tumingin ako sa kanila at tinanong kung sa kanila yun pero umiling sila. “Sagot!”
Hindi din naman yun sa akin kase nakai-silent namin ang phone naming tatlo bago pumasok.
“Sa akin po Prof” napalingon ako sa likuran ko. Halata sa mukha niya ang takot. Kilala kase si Prof Khan biglang terror na Prof dito sa ADMU. “P-pasensya na po Prof”
Shit nanginginig siya.
Hinila ni Prof si Lyka at alam naming na sa Dean’s Office ang diretso nila. Ganun kase ang laying eksena sa loob ng ADMU, ipinagbawal na ang cellphone kaya matindi ang parusa pagnadakip kang gumagamit nun.
Pinasa na namin nina Beth at Sieg ang answer sheets naming saka lumabas ng room. Agad KAMING nagtungo sa cafeteria saka kinontak ang mga kasamahan namin sa C Class. Lumingon lingon muna kami para safe kaming tatlo.
“Ate Mich got caught” nakita ko mula sa screen ang iyakan pero nakikita ko ring nanantiling malakas at mahinahon ang Teachers ng C Class. “Ate Shane?” tawag ko sa atensyon ni Ate.
“Just be careful. Lahat kayo" bumunting hininga si Ate Shane. Halata sa mukha niya ang iritasyon at pangangamba. "Mamaya ay magpapatawag ng meeting ang Head ng C Class” namula ang pisnge't mata niya at tumulo ang luha sa pisnge ng Ate ko. Ito ang unang pagkakataong Nakita ko siyang ganun. “It’s an emergency meeting”
Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla ng makita ang mukha ng ate ko.
Hindi ko mapigilang magtanong bigla.
"Sino ang Head ng C Class?" napatingin naman sila sa akin. Halatang nagpipigil sila ng luha.
"We don't know..." ani Sieg.
"Ito ang unang beses na makikita nating lahat ang Head. Tanging ang pinagkakatiwalaang Teachers lang sa C Class ang nakakita na sa kaniya ng personal..." bumuntong hininga siya. "At nasisiguradong kong nasagad ang pasensya ng Head dahil sa kagaguhan na nangyare ngayon...."
Sa sinabi ni Beth ay nanindig ang balahibo ko.
Sino nga ba ang Head ng C Class?
![](https://img.wattpad.com/cover/192386312-288-k791107.jpg)
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Ficción General[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...